Linggo ng umaga ay binulabog agad ako ng aking kapatid. Ang sarap-sarap pa ng tulog ko ngunit dahil sa lakas ng katok niya sa aking pinto, ay nagising ako. Inis na inis akong bumangon at binuksan ang pinto.
"Ate andito ba ang BB cream?" Ginising niya ako para lang sa paghahanap ng BB cream? Napanganga ako sa tanong niya! Like wtf! Inirapan ko siya at hindi sinagot. Bumalik ako sa aking kama at agad na pumikit.
Ngunit sadya yatang ayaw akong patulugin ng aking kapatid. Muli siyang umimik at nagtanong ng isang bagay na lalong hindi nakapagpatulog sa akin.
"Ngayon ang book signing. Hindi ka talaga pupunta?" Nadagdagan ang inis na naramdaman ko kanina. Kagabi ay pilit kong iwinawaglit ang petsa. Kung ano-ano na ang ginawa ko para lang hindi matingnan ang date sa aking cellphone, tablet, laptop, at kahit sa kalaendaryo!
"Hindi." Simpleng sagot ko. Kinuha ko ang isang unan at tinaklob ito sa aking mukha. Pumikit na ako para makatulog muli.
"Bahala ka. But if you'll change your mind, text me so I can reserve a seat for you." Nang marinig ko ang sarado ng pinto, hudyat na lumabas na siya sa aking kwarto, ay kinagat ko ng gigil na gigil ang unan at saka doon sumigaw.
Naiinis ako sa sarili ko dahil alam ko mismo sa sarili ko na gusto kong pumunta! Ngunit nangingibabaw ang pride, galit, inis, at sakit sa aking puso. Kaya pilit kong isinisiksik sa aking isipan na iwaglit ang event ni Marcelo mamaya. Nasaktan ako dahil sa kanya at ayaw ko nang masaktan muli dahil lang sa isang pagkikita. Alam ko na isang sulyap ko lang sa kanya, babalik ang lahat ng sakit na naramdaman ko noon.
Nakakapagtaka hindi ba? Kapag ang dalawang tao ay naghiwalay, mas naaalala ng isa ang lahat ng sakit kesa sa masasayang panahon nilang dalawa. Kung sakali man na maalala ang masasayang tagpo, nangingibabaw pa rin ang sakit. Sakit dahil hindi na maibabalik ang saya noon.
Pinahid ko ang luha na tumulo mula sa aking mata. Hindi ko namalayan na napaluha na pala ako. I wanted to him again, but I'm afraid. Natatakot ako na baka wala na talaga. Dahil sa totoo lang, hanggang ngayon umaasa pa rin ako. Sobrang umaasa.
"Aalis na ang kapatid mo? Sigurado kang hindi ka sasama? Or kahit ipagdrive mo man lang siya pa-SM?" Umiling ako kay Mommy.
"Sya, tumayo ka na dyan at nakahanda na ang almusal mo." Sa oras na ito, alam kong ako na lang ang hindi nag-aalmusal. Kaya naman tumayo na ako, nag-CR at saka pumunta sa kusina para makakain.
"Aalis na po ako!" Umalingawngaw ang boses ni Jia sa bahay. Hindi ko tiningnan ang pag-alis niya dahil baka matukso ako!
Madali kong inubos ang aking pagkain at saka bumalik sa aking kwarto. Nilibang ko ang aking sarili sa pamamagitan ng facebook, twitter, Instagram at youtube. Kahit ang panunuod ng series na Game of Thrones ay nagawa ko ngunit ko natapos.
Tiningnan ko ang oras at lampas alas-dose na. Ala-una ang simula ng event pero siguro sa kalagitnaan pa ng event ang labas ni Marcelo katulad noong una kong attend ng book signing niya at nang iba pang manunulat.
"Shit!" Pumikit ako at saka tumayo sa aking pagkakahiga. Pinatay ko ang aking laptop. Lumabas ako ng kwarto dala-dala ang bath towel ko.
This is it! I've decided already! I'm going. I don't care kung standing ovation, basta pupunta ako!
Dali-dali akong naligo, nagbihis at nag-ayos nang sarili. Nagpaalam ako kay Mommy dahil dadalhin ko ang sasakyan namin. Ayaw kong maipit sa trapik dahil sayang ang oras.
Huminga ako ng malalim bago ini-start ang sasakyan. Pinaalalahanan ko ang aking sarili na maging maingat sa pagmamaneho dahil ayaw ko nang mangyari ang nangyari sa akin noon. Hindi ako pwedeng maaksidenteng muli.
Walang thirty minutes ay nakarating ako sa SM. Nagpark ako sa paikot-ikot na car park ng mall. Sumakay agad ako ng elevator. Ayaw kong masayang ang minuto! Kaya naman ang bilis ng aking paglalakad kasabay nang pagbilis ng takbo ng aking puso.
Mas lalong nagwala ang aking puso nang matanaw ko ang event center. Maraming tao ang nakatayo, at may nagsasalita sa unahan. Sa aking tingin ay isa siyang author na kasamahan din ni Marcelo. Nang makalapit ako ay binili ko ang bagong libro ni Marcelo na siyang magiging entrance fee ko sa event.
Marami namang libro ang pagpipilian, pero sa kanya ang pinili ko dahil siya naman ang pinunta ko.
BINABASA MO ANG
Para Sa Isang MARCELO SANTOS III
FanfictionPara sa mga nangangarap. Para sa mga patuloy na umaasa. Para sa mga taga-hanga. At higit sa lahat, Para sa isang MARCELO SANTOS III.