Simula 19

960 34 2
                                    

Ginawa kong pampalipas oras ang panunuod ng TV sa loob ng kwarto ko rito sa ospital. Nais ko sanang may makausap man lang para hindi ko maramdaman ang mabagal na paggalaw ng oras, ngunit hindi ko naman magising-gising si Marcelo. Dahil alam kong ngayon pa lang siya magpapahinga.

Pinalipat-lipat ko sa iba't-ibang channel ang TV hanggang sa makahanap ako ng matinong palabas. Nilantakan ko naman ang grapes na wari ko'y dala-dala ni Marcelo kahapon. Hindi ko maiwasang tumingin sa relo, dahil naiinip na talaga ako.

Lumingon ako sa sofabed kung saan mahimbing na natutulog si Marcelo. Nakakumot siya hanggang balikat, marahil ay ramdam na ramdam niya ang lamig na galing sa aircon. Hindi ko naman mahinaan ang thermostat nito, dahil sa bigat ng pakiramdam ko. Hay! Sana makauwi na agad ako.

Halos matapos na ang isang movie sa FOX nang marinig ko ang mahinang pag-ungol ni Marcelo. Napatingin ako sa gawi niya at gumagalaw siya.

"Kanin aka pang gising?" Bungad niya sa akin. Ngumiti ako at tumango sa kanya.

"Kumain ka na muna ng breakfast. Nine AM na." Sabi ko sa kanya.

Tumayo siya at lumapit sa lamesa.

"Hindi mo kinain ang breakfast na galing sa ospital? Anong kinain mo?!" May halong iritasyon sa kanyang boses. Nakakunot ang kanyang noo habang nakatingin sa akin at naghihintay ng sagot.

"Mas masarap ang prutas na dala mo." Sabay subo ng grapes. Tumawa siya nang bahagya at umupo sa tabi ng kama ko. Dala-dala niya ang plato na may lamang pagkain. Kumagat siya ng isa. At saka tumango-tango.

"Here, eat this." Inilapit niya sa akin ang sandwich na kinagatan niya kanina. Nagdadalawang isip pa ako kung kakagat din ba ako o hindi. Tumingin ako sa kanya at saktong nagkasalubong ang tingin namin. Ngumisi siya ng bahagya bago ulit nagsalita.

"Wala akong sakit. You can eat this." At mas inilapit niya ang sandwich sa aking bibig.

Kaya naman, kumagat na ako.

Ninamnam ko ang sandwich na pinakagat niya sa akin. Tumango-tango ako gaya ng ginawa niya kanina.

"Masarap diba?" Nakangiting tanong niya. Ngumiti ako sa kanya pabalik.

Pinagsaluhan naming dalawa ang breakfast na galing sa hospital. Kahit papaano ay nabusog naman daw siya. Pero mas nabusog ako, kasi marami-rami na rin ang nakain kong prutas. Paminsan-minsan naman ay kumakain si Marcelo nang prutas pero hindi ganoon kadami.

Hapon na nang magpaalam siya sa akin na uuwi na siya. Akala ko nga ay wala na naman siyang balak umuwi, pero buti naman at may araw pa nang mapagdesisyunan niyang umuwi sa kanila. Nagpaalam siya ng maayos kay Mommy bago sa akin.

"Ingatan mo ang sarili mo, sa susunod ha? Magdrive nang maingat at focus. Kumain ka rin ng healthy foods para makarecover ka kaagad..." Sunod-sunod niyang habilin sa akin. Hinawakan niya ang ulo ko dahilan para mapapikit ako. Oh goodness! I love the warmth of his hand.

"And please, inumin mo ang gamut mo sa tamang oras. Okay? Text mo ako kung anong masakit at kailangan mo at pupuntahan agad kita."

"Hindi mo na ako kailangang puntahan, andyan naman sila Mommy ay mga kapatid ko pa -"

"Iba pa rin kapag nakikita ko ang kalagayan mo! Hwag nang matigas ang ulo." Tumango ako bilang tugon. God! Hindi ko alam na ganito pala siya mag-alala, to the point na para siyang magulang ng isang batang pasaway na puro habilin kapag may sakit. But damn! I love how he cares for me.

"Aalis na ako. Be good girl, alright? Ang mga habilin ko, hwag kakalimutan." Hinalikan niya ako sa noo. At saka niya ako tinitigan. Magkadikit ang noo namin parehas at halos maduling na ako dahil ginagawa niyang paninitig sa akin.

"We'll settle everything after your recovery, so please. Please, be safe." At muli niya akong hinalikan sa noo. Nagpaalam muli siya kay Mommy. At nang tuluyan na siyang mawala sa aking paningin, nakaramdam ako ng pagkukulang at lungkot. Gusto ko siyang habulin at pigilan sa pag uwi. Gusto kong sabihin sa kanya, na dito na lang muna siya sa tabi ko dahil nagbibigay siya nang lakas sa akin. Pero alam kong mali!

Dahil kailangang niyang bigyan ng oras ang sarili niya at pamilya niya. Sapat na sa akin ang isang araw at gabi na inalagan niya ako.


Sapat na maramdaman ko na mahalaga ako sa kanya.


Sapat na ang ginawa niya, para marealize kong mahal ko na siya.


Damn! I am definitely in love with Marcelo Santos III.

Para Sa Isang MARCELO SANTOS IIITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon