Hindi ko alam kung ano at paano ako magrereact sa text niya. Kaya mas minabuti ko na lang na hindi magreply. Pag-iisipan ko muna ang aking sasabihin. Sa ngayon, makikinig muna ako dito sa discussion ni Sir Gilbert.
Pero bigla na lang akong kinulbit ni Maica. Tiningnan ko siya at nakangiti siya. Naku! Alam na alam ko na ang nais nito. Makikichikka na naman kahit na sa gitna nang klase. Umiiling lang ako sa kanya at sinenyasan na mamaya na ang chikka.
Mabilis namang nagdaan ang oras. Lunch na pala. Lagi kaming sa karinderya sa tapat nang school namin nakain. Buti na lang at hindi gaanong karami ang tao ngayon dito. Kapag minsan kasi, sobrang daming tao kaya nalipat kami nang kainan.
"Ano na magchikka ka na?"
"May mga kasama tayong iba kaya mamaya na lang."
"Eh di lagyan natin siya ng codename. Like MS. Oh di ba? Iisipan nila Microsoft yun! Kaya dali na at magkwento ka na."
Patuloy ang pangungulit sa akin ni Maica kahit na nag-oorder pa lang kami nang makakain. Hanggang sa makaupo kami sa round table na pula, kinukulit pa rin niya ako.
"Tell me more about MS." Halata mong wala siyang pakielam kahit na marinig nang iba naming mga kaibigan. Sa bagay, sino ba naman makakahula na ang MS na codename ay Marcelo Santos pala. Marami naman kasi na ang initials ay MS.
"Wala naman, hindi ko na siya nireplyan kanina habang nasa klase. Nawindang ako sa text niya!"
"Bakit anong sabi niya?"
"Ang sabi ko daw kasi sa kanya kagabi ay crush ko siya. Hindi ko naman talaga matandaan kung tunay nga yun." Tumawa si Maica matapos kong magsalita.
"Walang nakakatawa kasi kanina pa sumasakit ang ulo kakaisip kung may sinabi ba akong ganun!" Inirapan ko siya sabay subo nang chicken adobo.
"Oh di ba at least hindi ka nam mahihirapang umamin sa kanya, kasi nasabi mo unintentionally!"
"What! Kahit may crush ako -"
Naputol ang aking sasabihin nang inabot sa akin ni Aimar ang aking bag. Magkakasama kasi ang bag namin sa iisang upuan.
"Kanina pa nagvi-vibrate. Phone mo siguro." Dali-dali kong binuksan ang bulsa nang bag ko at hinagilap ang phone kong kanina pa nang nagri-ring. Buti na lang at naabutan ko pa at nasagot ko ang tawag niya. Sino pa ba?
"Hello?" Nilunok ko muna ang kinakain ko.
"Lunch time?" Tanong sakin ni Marcelo.
"Oo, ikaw?" Tiningnan ko si Maica at ibang-iba ang ngiti nito kaysa sa mga kaibigan ko pa na alam kong nakikinig sa usapan namin nang katawagan ko.
"Great nagla-lunch na rin ako, sabay tayo." At tumawa pa siya. Goodness! Parang hindi ko ata matatapos ang pagkain ko. I decided to put my headsets on para hindi ako mahirapan sa paghawak nang phone ko habang nakain.
"Hindi ka na nagreply sa akin." Muntikan na akong mabulunan nang ulitin niya ang text conversation namin kanina. Kinabahan na ako.
"Ang kulit mo kasi! Ayaw mong sabihin sa akin ang sinabi ko sayo kagabi." Naramdaman kong pinagmamasdan ako ng mga kaibigan ko habang nagsasalita. Naiilang ako, nais ko sanang sabihin kay Marcelo na mamaya na siya tumawag pero baka offend siya.
Marcelo: What if totoo nga?
Ako: I don't know! Nakakahiya.
BINABASA MO ANG
Para Sa Isang MARCELO SANTOS III
FanfictionPara sa mga nangangarap. Para sa mga patuloy na umaasa. Para sa mga taga-hanga. At higit sa lahat, Para sa isang MARCELO SANTOS III.