Lascivious Casanova 36

35.2K 816 148
                                    

(LC) Chapter 36



Kinabukasan, maaga kaming umalis sa mansion. Hindi ko na nagawang magpaalam kay Jax dahil kapuputok lang ng araw. Tulog pa siya. Naibigay niya naman sa akin ang cellphone kasama ang charger kaya nagpaalam na lang ako sa message.

Hindi na kami nakapag-usap dahil magdamag akong tumulong sa paglilinis. Hindi man nagbaha at naayos na ni tatay ang mga nasira, marumi naman ang harapan dahil napuno ng mga dahon na tinangay sa katatapos lang na bagyo.

"Lahat ng nakalista na pangalan, kailangan natin kontakin. Kung magiging maaraw sa linggo na ito, ngayong parating na linggo na natin gaganapin ang fundraising."

"Paano 'yong mga tshirt? Kakayanin ba ng dalawang linggo lang?"

"Nakausap ko na. Baka kulangin ng stock pero sana kayanin. Gagawan na lang natin ng paraan."

Habang patungo sa paaralan nag-uusap kami ni Harry. Mapapaaga ang fundraising bago pa maabutan ng panibagong bagyo. Nagsabi ako ng ilang suggestions. Tumigil lang ako sa pagsasalita nang mapatingin ako sa puno.

Wala si Jax sa usapan namin na pagkikitaan naming puno. Nilipat ko ang tingin sa waiting shed dahil baka nalimutan niya ang pinag-usapan namin kaya't doon siya maghihintay. Wala rin. Sumama ang pakiramdam ko at nagmadali nang pumasok.

Siya ang nagsuhestiyon na magkikita kami bago pumasok pero siya pa ngayon ang wala! Nakaramdam ako ng panlalamig. Kaya sa halip na dibdibin iyon, nagreview na lang ako para sa unang klase.

Sinubukan ko talagang kalimutan pero nang dumating ang oras ng break time na wala siyang paramdam, unti unti na akong nagtatampo. Unang araw pero natiis niya akong hindi makita o kahit makausap lang sa cellphone? Para saan pala na chinarge niya ito at ibinalik sa akin?

Kung may sakit iyon, magsasabi iyon. Baka nagpaawa pa nga iyon at nagpadala ng prutas. Nang magbreak time, imbis na sa locker room ng soccer team ako pumunta, sa library ako dumiretso.

Natiis niya ako ng ilang oras, dapat kaya ko rin! Kung naroon siya sa locker room, hindi ko siya pupuntahan! Wala naman siyang message kaya bakit ako pupunta?! At kahit tawagan niya pa ako at sabihin na naroon siya, hindi pa rin ako pupunta!

"Ito lang ang kakainin mo? Tinapay lang?"

Tinanguan ko si Cathy. Ipinatong niya ang kanyang bag sa lamesa at naupo sa tabi ko.

"Mabubusog ka ba diyan?"

"Wala akong gana..."

Ganito ba talaga ito? Ngayon lang siya hindi nagmessage pero pakiramdam ko buong araw ko ang apektado. Normal ba ito sa mayroong mga boyfriend? Mabilis madisappoint sa simpleng hindi lang pag-update? Ang weird sa pakiramdam pero hindi ko mapigilan. Feeling ko hindi ako importante at wala lang ang pagiging girlfriend ko dahil hindi ko alam kung anong nangyayari sa kanya o nasaan siya.

Gusto kong magtanong kay Cathy tungkol dito dahil baka makatulong siya. Kung tama ba itong nararamdaman ko o mali na. Kung gagawin ko naman iyon, makakahalata ito. Baka bantayan pa niya ang mga kinikilos ko sa mga susunod na araw.

Nasa mga bookshelf si Irene at naghahanap ng libro. Si Cathy, may dala dala na tatlong libro. Ako isa lang. Hindi na nga ako nakaalis sa isang page dahil may iniisip ako.

Nakatulala lang ako roon at napag-isip isip ko na siguro nagalit si Jax sa hindi ko pagpaalam sa kanya? Hindi pa naman kami nagkausap pagkauwi ko. Ngayon araw ko lang din na-check ang cellphone at tatlong mensahe niya lang ang nandoon. Ganito rin ba ang naramdaman niya nang hindi ako makapag-reply kahapon? Dapat ba nagsabi ako na maglilinis kami nila nanay kaya hindi ko mahahawakan ang cellphone?

Lascivious Casanova (R-18) (Erotic Island Series #7)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon