(LC) Chapter 80
Naiwan sa kuwartong nasa third floor ang isip ko. Her eyes almost popped out of their sockets while following my every step. Na kung may sariling mga kamay lamang ang mga mata niya'y pinigilan na akong lumabas nito.
Does she still hate seeing me? Is it because I am the fruit of my parents' love? After all these years, his mother still hates me. Kahit sa huling hininga siguro niya'y hindi na mawawala ang galit niya sa pamilya namin.
“What’s this?”
Marahas akong hinatak ni Brad sa pulso at inangat ang kamay ko. Kinuha niya ang maliit na kutsilyo na nasa aking kamay at halos iduldol sa mukha ko iyon. Nakaayos na ito at hindi na nakalabas ang patalim. Nagmukha na lamang itong maliit na laruan.
“Tell me, what’s this?!”
“A knife—”
“I know! I can see it’s a knife! Bakit mayroon kang dalang ganito? At paano kang nakapunta sa third floor? Sa tingin mo ba'y porket nasa loob ka ng isla at kakilala ka ng mga may-ari, hindi ka makukulong kapag nakapatay ka?”
“That small knife is personalised. That could hurt people but that couldn’t even kill—”
“Nakakamatay o hindi, this is still a knife, Harlow! It is a weapon to harm people! Can’t you understand what I’m trying to say here?”
Pumikit ako ng mariin. Nagbuga ako ng malalim na paghinga at napahilamos ng mga palad sa aking mukha. Tiningnan ko ang kutsilyo kong nasa kamay ni Brad.
“I carry that with me for self defense. Wala akong balak na gamitin iyan pampatay.”
Yumuko ako nang maalalang pinapatay ko si Jax sa aking isipan kanina gamit ang kutsilyo na iyan.
“Kung wala kang balak, bakit nakabukas ito kanina? I’m not sure but I think that was his mother! May ginawa bang mali sayo ang mama niya noon?”
Hindi ko nagawang sumagot at pinagdiinan ko lang ang aking mga panga. He quickly realised that I had a problem with Jax's mother then. Mas umigting ang pagtingin niya sa akin ng masama.
“Dahil dito!” Pinakita niyang muli sa akin ang kutsilyo. “Dahil may dala kang ganito, kahit wala kang balak na pumatay, maaari kang makasuhan sa ginawa mo!”
Huminga na lang ako at hindi na sumagot. I know he’s just worried and I’m in the wrong. May idadagdag pa sana si Brad ngunit sa halip na ituloy ang panenermon ay naitikom niya ang kanyang bibig. Ang galit niyang mga mata na nasa akin ay lumipad patungo sa pintuan. Pagbaling ko’y nakita ko roon na papasok ang mga kaibigan ni Jax.
“Can I talk to her?” Si Mason kay Brad.
Huminga ng malalim si Brad at tumango rito. Tiningnan niya ako ng masama. Ang mga mata niya’y nangungusap na hindi pa kami tapos.
“Where’s her things?” Mason asked Brad.
Nilabas ni Brad ang ilang mga gamit ko na nasa kuwarto niya. Nang walang makitang patalim o ano roon, binalingan ako ni Mason.
“Where’s your other things?”
Kahit hindi magsalita at kahit i-deny ko, pakiramdam ko’y alam nilang hindi lang ito ang gamit ko.
“We have to check your things for Jax’s safety. Hindi namin ito ginawa noon dahil special guest kayo ni Xena. It’s on us. This is our mistake. I think this is also a lesson for us to be stricter next time.”
Nagdiinan ang mga ngipin ko habang nakatingin ako sa kaibigan ni Jax. Nakipagtitigan din ito sa akin. Jax's safety? Wala ba silang ideya kung anong klaseng tao ang kaibigan nila? Kung mayroon man delikado na tao sa aming lahat, si Jax iyon. Hindi inaalis ni Mason ang mga mata sa akin habang hindi ako kumikilos at hindi binibigay ang mga gamit ko sa kanila.
![](https://img.wattpad.com/cover/235883466-288-k595255.jpg)
BINABASA MO ANG
Lascivious Casanova (R-18) (Erotic Island Series #7)
Romance"Do you smoke?" natatawang tanong niya sa akin kahit alam niyang hindi. Pagilid ko siyang sinulyapan nang ilabas niya ang sigarilyo at mabilis na sinindihan sa harapan ko. Sinasadya niya ito para ipakita sa akin na walang kahit sino ang magbabawal s...