(LC) Chapter 51
Hindi pa ako nagbihis. Naupo ako sa kama habang naliligo si Jax. Ngayon ko pa lang naisipan na hanapin ang pangalan ni Jax sa internet. Puro lumang litrato ang narito. Litrato noong naglalaro pa siya. Lahat ng kuha ay naka-soccer uniform siya. Nakasabit sa leeg ang medalya at mayroon hawak na trophy. Sa bawat litrato niya, wala siyang kuha na nakangiti.
Seryoso siya at walang emosyon. Kung pagbabasehan ang ibang bata, ibang iba ang mga litrato niya. Malaki ang ngiti ng iba, bakas na bakas ang sobrang katuwaan. Si Jax, diretso lang ang tingin niya sa camera o 'di kaya naman ay hawak ang trophy subalit nasa mga nanunuod ang mata na para bang mayroon siyang hinahanap o hinihintay. Nalungkot ako nang maisip kung sino ang hinahanap niya. Hinahanap niya ang mga tao na inaasahan niyang magiging proud sa nakamit niya.
"Anong isusuot mo?"
Nagpupunas ng buhok si Jax. Nilagpasan niya ako sa kama. Sa walk in closet siya dumiretso. Nakahubad ako. I wasn't dressed yet so he asked what I was going to wear.
"Kahit ano, Jax! Ikaw na ang pumili ng isusuot ko!"
I heard him hummed inside the walk in closet. Nahihirapan yata pumili ng isusuot ko. Isang oras ang biyahe mula rito sa hotel papunta sa soccer stadium na paglalaruan nila. Malapit iyon na probinsya rito pero dito kami sa hotel ng Manila naka-stay. Kahit kailangan bumiyahe, hindi hamak na mas malapit naman ito kaysa sa Mindoro. Naghanap pa ako ng ibang picture niya. Wala na. Kakaonti lang iyon at kahit mga balita wala na na parang sadyang pinaalis.
"What's that? Are you stalking me?"
Napasinghap ako sa gulat. Napatingala ako at napahawak sa aking dibdib. Ang bilis ng tibok no'n. Nasa tabi ko na pala si Jax at nakikidungaw sa telepono. May dala siyang damit ko. Natawa siya dahil nanlaki ang mga mata ko at nagulantang sa pagkahuli niya. Agad ko pang naibaba ang telepono. Sinubukan kong itago iyon pero huli na rin naman dahil bago ko pa ibaba nakita na niya.
"Hindi ah! Ang kapal mo! Ano ka artista?!" Tanggi ko kahit huling huli na niya.
Tinawanan niya lang iyon. Namula ako. Umupo siya sa kama. Siya na ang nagbihis sa akin. Habang tinutulungan akong magbihis, kinakausap niya ako.
"Last night... You heard Mama?"
Hindi ako nagsalita. Nagkatinginan kami. Tumango ako. Napokus ako sa labi niya nang ngumiti siya.
"You came to me in the living room because you were worried?"
Tumango ulit ako. Bumaba ako sa kama para isuot ng maayos ang pantalon. Ito ang suot ko sa biyahe. Nakapantalon din siya at nakaitim na v-neck. Nakaangat sa harapan ang tshirt kaya't kita ang kulay brown niya na belt. Sa stadium na kami magbibihis ng uniform. Nakatayo ako sa gilid ng kama habang nakaupo siya sa gilid at pinapanuod ako.
Nang maisara ko ang butones ng pants, naramdaman ko ang hila niya sa braso ko. Niyakap niya ako sa bewang at kinulong ako sa pagitan ng mga hita niya. Nakaupo siya kaya mas mataas ako. Umabot lang sa aking dibdib ang mukha niya. Napunta sa mga balikat niya ang kamay ko. Nakayuko ako at nakatingala siya. Puno na ang mga mata niya. Napunan ko ang kakulangan na naroon kagabi. Namamanghang nakatitig siya sa akin.
"How lucky this bastard to have a great girlfriend like you..." He chuckled. Napangiti ako. "Thank you last night. Thank you for making me feel better..."
Hinila niya ako sa pulso pababa upang abutin ang labi ko. My arm wrapped around his nape and kissed him back. I'm happy to know that I made him feel better without saying a thing. We were quiet. Only our hugs, kisses, and intimate touches spoke last night.
Dala niya ulit ang sasakyan niya nang bumiyahe kami. Nasa back seat kami. Si Coach ang nagmamaneho at nasa front seat si Peter. Mas maliit ang sasakyan na ito kaya't wala kaming kasabay kundi silang dalawa lang. Nasa unahan ang mga service van. Nakasunod kami sa kanila.
BINABASA MO ANG
Lascivious Casanova (R-18) (Erotic Island Series #7)
Romansa"Do you smoke?" natatawang tanong niya sa akin kahit alam niyang hindi. Pagilid ko siyang sinulyapan nang ilabas niya ang sigarilyo at mabilis na sinindihan sa harapan ko. Sinasadya niya ito para ipakita sa akin na walang kahit sino ang magbabawal s...
