Lascivioua Casanova 15

42.1K 919 136
                                    

(LC) Chapter 15

I stayed a few more minutes on his lap. He had already stopped kissing my neck and shoulders. Nakayakap na lang siya at nagpapakalma. Humahaplos ang mga kamay niya sa likod at bewang ko. Nasa leeg ko ang kanyang mukha at inaamoy na lang ako. Unti unti na rin ang pagkalma ng matigas na bagay sa gitnang bahagi ng kanyang mga hita.

"Gamutin natin ang sugat mo?"

Nakapikit ako at nanatiling nakasiksik sa kanyang leeg. Hindi ako gumagalaw sa takot na sugudin niya ulit ako ng halik kung maaabot niya ang labi ko.

"Gamutin natin ang sugat mo tapos uuwi na tayo. Tuturuan mo ako ngayon-"

"Bukas na lang, Jax. Ihatid mo na lang muna ako sa bahay."

Sa tingin niya ba matuturuan ko siya sa lagay na ito? Ni hindi ko siya kayang tignan ng diretso sa mga mata pagkatapos ng halik niya. Nagulat ako dahil masiyado siyang mapusok at marahas. Para siyang leon na nabigyan ng pagkakataong sunggaban ang pagkain na matagal na niyang inaabangan.

"Okay, huwag mo na muna akong turuan ngayon. Pero sa bahay pa rin kita iuuwi. Wala tayong gagawin. Gagamutin ko lang ang sugat ko."

Naikuyom ko ang aking mga kamay na nasa dibdib niya. Ginamit ko itong panulak kanina para pigilan siya. Akala ko kanina, kumalma na ako. Hindi na yata mawawala itong pakiramdam na ito. Hindi na yata huhupa ang kilabot na hatid niya sa akin lalo at nakuha niya ang una kong halik. Hindi lang basta halik, hinayaan ko rin siyang hawakan ako. Hindi ko alam pero hindi ako naniwala sa sinabi niyang wala kaming gagawin. Hindi ko tuloy alam kung paano ko siya matuturuan sa mga susunod na araw na hindi ito mauulit. Kung sakaling maulit, hindi na ako sigurado kung maitutulak ko pa ba siya.

"Sa... sa bahay ko na lang gagamutin... Gusto ko nang umuwi, Jax."

Sinubukan niya akong silipin at nang makitang nakapikit ako, humalik siya sa aking pisngi at tumango. Tumayo siya at inayos ang natumbang hagdan. Habang nasa labas siya, nagmamadali akong nagbihis. Pagkabalik niya sa kwarto, siya naman ang hinintay kong matapos sa pagbibihis.

Pinagbuksan niya ako ng pintuan ng sasakyan. Tahimik akong pumasok at nagkabit ng seatbelt. Kanina pa kami tahimik at hindi na nag-usap. Pumasok siya sa loob ng sasakyan. Nang magsimulang umandar iyon, bumaling ako sa bintana.

Pansin ko ang mabagal na paandar niya sa sasakyan dahil malinaw kong natatanaw ang mga tanimang dinaraanan namin. Kahit nasa bintana ang mga mata ko, nakikita ko sa gilid ng aking mata ang madalas niyang paglingon.

Sa sumunod na lingon niya, mahina siyang umubo na parang kinukuha ang atensyon ko. Pinaparating sa akin na magsasalita siya at kakausapin ako. Hindi ko iginalaw ang ulo para tignan siya. Nakapirmi ang tanaw ko sa labas ngunit naghihintay kung anong sasabihin niya.

"Kung tatawag ako mamaya. Sasagutin mo ba?"

Lalong bumagal ang paandar niya sa sasakyan nang matanaw ko ang scarecrow na ginagawang panakot sa mga ibon sa maisan. Malapit na kami sa bahay dahil hindi kalayuan dito ay taniman ni Tatay. Huminga ako ng malalim bago sumagot.

"Kung may sasabihin ka. Sabihin mo na ngayon para hindi ka na tumawag."

Bahagyang kumunot ang noo ko. Hindi ko alam na nakakainip pala kapag ganito kabagal ang sasakyan. Naliliitan ako sa sasakyan para sa aming dalawa. Gusto kong magreklamo na bilisan niya pero ayokong masiyadong magsalita. Sariwa pa sa akin ang pakiramdam ng mga labi niya.

"Wala akong sasabihin ngayon. Mamaya pa."

Marahan akong pumikit dahil sa sinabi niya. Gusto ko siyang irapan at pagsabihan na tigilan ako subalit may malaking bikig na nakabara sa aking lalamunan. Ang dami kong gustong sabihin pero hindi ako makapagsalita.

Lascivious Casanova (R-18) (Erotic Island Series #7)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon