Lascivious Casanova 85

3K 95 9
                                    

(LC) Chapter 85







Jax was still asleep when I woke up. Our bodies twined together and fell asleep without a blanket, only the heat of our body served as a defense against the open air conditioner. He was snoring softly and breathing peacefully when I released myself from his embrace. Napangiti ako nang matitigan ko siya. Mukha siyang tulog na walang muwang na paslit.

Sa banyo, ilang minuto lang ang inilaan ko sa pagligo. Pambata ang kuwarto subalit hindi makulay. The interior of the whole room and bathroom is actually boring. Mamahalin mang tingnan ang mga kagamitan ay parang may kulang, hindi buhay. Naiiba sa mga pambatang kuwarto na nakita ko.

Malinis at kumpleto ang mga gamit sa banyo. May malinis na pamunas at mga disposable toiletries. Marahil ay dahil sa tuwing nandito si Jax, ginagawa niya lang ang kuwarto niyang parang hotel o motel. Tulugan lang o ‘di kaya ay pahingahan. Hindi nagtatagal dahil mas komportable siya sa condo niya.

“Good morning, Ma’am,” maagap na bati ng isa sa mga katulong na nasa kusina.

Naglilista sila sa isang malinis na papel nang madatnan ko. Nagtatalo dahil marami ang bibilhin at hindi kakayaning buhatin ng isa. Lumapit ako at pasulyap na sinilip ang listahan nila. Jax's mother is still unconscious and Jax isn't sleeping here either. Bumibisita lang siya. Ang mga nakalista na kailangan bilhin ay maaaring para sa mga doctor at nurses na narito at kasama na rin ang kailangan ng mga kasambahay.

“Okay lang kung dalawa kayo. Puwede akong maiwan sa kusina.”

Sabay silang napatingin sa akin. Nagkatinginan sila bago sumagot ang isa sa akin.

“Naka-off po ang chef dahil hindi alam na darating si Sir. Kami po ang maghahanda ng pagkain. Baka mapagalitan po kami—”

“Tulog pa naman siya. Kung magising siya, marunong akong magluto. Ako na ang bahala.” Ngumiti ako.

Kinuha ko sa aking pulsuhan ang itim na panali ko ng buhok. Nang lumapit ako sa burner upang busisiin iyon, narinig ko silang nagbulungan bago umalis. Mukhang nagtataka sila kung sino ako at mukhang alam din nila na sa kuwarto ako ni Jax natulog. Dalawang klase ang lutuan. Isang gas stove at isang electric. They had both. Maybe the chef prefers both. But me, I decided to use the electric stove and check how to operate it.

Hindi pa ako nakakaalis sa harapan ng stove nang may bumalot na matitigas na braso sa bewang ko. Humampas ang dibdib niya sa aking likod. Ang kanyang hininga ay dumaan sa aking pisngi papunta sa aking leeg. Kumalabog ang dibdib ko. Hindi ko alam kung dahil sa gulat o sa yakap niya. Napalunok ako nang maramdaman ang malamig na pendant ng kwintas niya sa aking batok. Kahit hindi ko lingunin, ramdam kong wala siyang pang-itaas na damit at tanging malambot na pants ang suot sa ibaba.

“I told you not to surprise me—”

“Kasi nanununtok ka?” Nagawa pa niyang tumawa.

Ginilid ko ang aking mukha upang lingunin siya. Hindi napigilan ng masamang tingin ko sa kanya ang labi niyang dumapo sa labi ko. Matunog iyon at mabilis lang. Ngumisi siya pagkatapos niyang makapagnakaw ng halik.

“Basta isang suntok, isang halik, I’m cool.”

Salubong ang kilay ko habang nakatingin sa kanya. Hindi ako galit. Nagtataka lang. Nakaligo na ako samantalang siya’y mula pa kagabi walang linis nang katawan, subalit ang amoy ay tila ba kaliligo niya lang. Magulo ang buhok niya at tuyo kaya malabong nakaligo na siya. Pagkagising niya, sa palagay ko’y hinanap ako at bumaba. Has he ever smelled bad once in his entire life? Ang buhok, katawan, at kahit ang hininga niya’y mabango. Hindi ko alam kung ganito ba ang mga pinanganak na mayaman o natatanging siya lang ang mabango wala pa man ligo o sipilyo.

Lascivious Casanova (R-18) (Erotic Island Series #7)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon