Lascivious Casanova 93

26.6K 346 75
                                        

(LC) Chapter 93





In an hour and a half, we made love three times. Nakatulog ako pagkatapos ng pangatlo. Nang magising ako'y nasa loob na ako ng malaki at malinis na kuwarto. Bumangon ako pagkatapos matanto na nasa loob ako ng isa sa mga kwarto ng yate. Masakit at mabigat ang katawan ko subalit nagawa ko namang bumaba sa kama. Nakayapak ako at walang ingay na lumabas sa kuwarto.

Hallway at mga pintuan ng kuwarto ang nakita ko. Kaonting lakad palabas sa hallway, natanaw ko sina Jax at ang mga kaibigan niya na nasa sala at nag-uusap. Nabitin ang salita niya nang makita ako. Nagpaalam siya at tumayo para lapitan ako. Nakangiti siya at kumikinang ang mga mata na pinasadahan ako ng tingin. Tumigil siya tatlong hakbang ang layo sa akin at nagpamewang. Pinanliitan niya ako ng mga mata at taas-baba na tiningnan.

"You looked like a cute kitten," aniya.

Niyuko ko ang aking suot. Dress shirt niyang puti ang nakayakap sa aking katawan. Ang buhok ko'y sabog-sabog at nasa iba't ibang direksyon. Ang mga paa ko na pinagdikit ko upang hindi malamigan ay walang sapin. Wala akong oras na tumingin sa salamin kaya't ngayon lang nakita ang suot.

"I know you're tired so..." Lumapit siya at yumuko upang abutin ang aking tenga at bumulong..."Mamaya bago bumaba nang yate na lang ako magd-dessert."

Kumalabog nang husto ang puso ko. Kahit hindi direkta'y naintindihan ko iyon dahil agad ding naalala ang sinabi niya sa akin nang araw na nagpunta ako sa bahay niya at padiretsuhin niya sa kuwarto. That I will be his dessert after his every meal. Lumabi ako. Hindi ako nagsalita kahit nang hubarin niya ang suot niyang tsinelas at ipasuot sa akin iyon. Binalik niya ako sa loob ng kuwarto at pinagbihis nang maayos. Pagkatapos niyon ay lumabas kami upang marinig ko ang pinagpupulungan nila.

Nahihiya pa akong humarap sa mga kaibigan niya gawa nang nasaksihan nilang pag-ngawa ko sa plane habang nagko-confess kay Jax hanggang sa ipasok ako ni Jax sa kuwarto nang plane upang pasukin niya. Idagdag pa ang sa islang pinaghintayan namin nang yate. Sigurado na alam nila ang naganap doon lalo pa't mukhang binuhat ako ni Jax dahil pagod na pagod at tulog na tulog ako. Ganoon pa man, wala akong pagpipilian kundi harapin sila. Mga seryoso at propesyonal din naman silang mga tao at hindi mamasamain kahit pa anong marinig at makita nila. And I think they are happier for their friend, too. Sa kaisipan na iyon, nabawasan ang hiya ko.

"Are you okay about this, Jax? He's still your father so I thought..." I cut my words off and looked at him, worried.

"You thought what?" Tumaas ang dalawang kilay niya at pagkatapos ay ngumiti. "Kaya ba hindi mo ako kinausap pagkatapos mong malaman? Akala ko galit ka kaya hindi ako tumabi at lumayo muna ako sayo."

Lumabi ako at humingi nang pasensya. Ginulo niya ang buhok ko at pagkaraan ay may bumalot nang lungkot sa mga mata niya.

"He took many lives. Among those lives is...his grandchild..."

Mararamdaman sa malalim na buntonghininga niya ang sakit na nararamdaman niya. Muling bumalik ang guwang sa puso ko. Masakit pa rin lalo na at si Jax ang nagpaalala sa akin. Ang naging pagkakaiba lang ay may kadamay na ako sa sakit. Huminga ako nang malalim at inabot ang isang kamay niya. Agaran niyang sinalikop ang kamay sa akin. Dinala niya iyon sa labi niya at hinalikan ang likod ng kamay ko bago siya nagsalita.

"It makes me sad and...it's inevitable that it hurts. Ngunit kahit pa baliktarin ko ang mundo, malaki ang naging pagkakasala niya, Clementine. At kahit ako na anak niya...hindi kayang patawarin ang ginawa niya. Sa susunod na may problema tayong dalawa, kausapin mo ako. I'll listen. I will not be offended and hurt."

Nakangiti akong tumango. Hinarap namin ang mga kaibigan niya. Nagpakita sila ng ilang mga kuha ng litrato at CCTV sa airport. May ilan pang kuha sa pagsunod nila rito. Kapareho ang suot nang nagpanggap na Jax ang suot nito. Siya ang naglagay ng bomba sa eroplano. Nakatago ang mukha niya sa camera ng airport. Kaya lang, hindi niya alam na mayroong camera ang bawat sulok ng private plane ni Jax. Malinaw at kitang-kita roon ang mukha niya.

Lascivious Casanova (R-18) (Erotic Island Series #7)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon