(LC) Chapter 52
"Nakatingin ba sila?"
My face was still buried in the crook of his neck. Sisigok sigok pa ako galing sa pag-iyak. Nakulob ang tanong ko sa kanyang leeg. Paos ang boses ko dahil sa matinding emosyon na inilabas kanina.
Tila sinisilaban ang aking pisngi nang matantong kalong niya ako at hinalikan sa harapan ng maraming tao. Narinig ko siyang tumawa. Humimas ang isa niyang kamay sa likod ko at ang isang braso ay nakaikot sa bewang ko upang manatili ako sa pagkakakarga niya.
"All of them. Lahat ng nasa stadium nakatingin. They are actually still watching us in the big screen and I like it..." Tinapat niya ang kanyang bibig sa aking tenga. "You just said you were proud. Come on, baby, be proud and wave your hand to them..." Tumawa siya. Alam niya na ngayon lang ako nilukob ng hiya.
Mariin akong pumikit at parang ayaw na bumaba. Muli siyang natawa. Gustong gusto niya ito. He wants the whole world to know that I am his girlfriend. Ni hindi ko alam kung Pinas lang ba o may iba pang bansa ang nakakapanuod sa live nito.
Kaya pala naririnig ko ang panunukso ng mga announcer. Akala ko nasa malapit namin sila at nakita kami kaya nila alam. Mukhang nasa isa sila sa mga kwarto rito sa loob at pinag uusapan lang ang mga nakikita nila mula rito sa labas.
"Do you have a girlfriend?"
Natawa ang isa. Kausap nito ang mga kasama. Tatlo silang nag uusap. Dinig na dinig sila sa buong stadium.
"I don't! But I am so jealous of this couple, so I think I have to find one now!"
"You can ask the audience! They might want a boyfriend! Tell them you are single!"
Nagtawanan sila. One of the men cleared his throat before being heard to speak.
"Hi! I'm Hamilton, thirty five years old! Very single and ready to mingle! If you are interested you can call me at this number-" Nagtawanan sila at naputol ang pagbigay nito ng numero niya.
Nagsasalita sila habang mayroon naglalaro ngunit parang hindi ko iyon naririnig. Ngayon lang lumakas sa pandinig ko dahil tungkol sa amin ni Jax ang pinag uusapan nila habang nasa mikropono.
"Nanalo ang team ni Dawson! May premyo iyan sa girlfriend mamaya!" Saad ng isa na sa palagay ko ay purong Pinoy.
Para silang may mga sariling mundo at pinagchi-chismisan ang nakikita sa camera. Nagtawanan ang mga nasa stadium dahil sa patuloy nilang pag uusap at nag aasaran pa na mayroon daw ipapakilala ang isa sa isa.
"Jax, alisin mo ako rito..." Hindi ko kayang magtagal pa na narito. Ngayon lang bumuhos sa akin ang hiya.
Sinamantala ko na natuon sa nagsasalita ang ilan sa mga audience. Kumawala ako sa kanya. Naramdaman niya ang nais kong pagbaba kaya't binitiwan niya ako. Subalit ang kanyang isang kamay ay nanatiling nakalapat sa aking likod.
Pababa kami sa hagdan dahil naroon sa field ang mga kasama niya. Nagpapakuha na ang mga ito ng picture na hawak ang trophy. Sobrang saya nila. May ilang media na rin ang nakaabang doon. Kumaway si caoch kay Jax para tawagin. Itinaas nito ang gintong medalya na para kay Jax.
Paalis na kami sa bleachers. Nabitin lamang ang hakbang ko nang maalala si Irene. Napabaling ako sa gilid para makita siyang nakamulagat ng malaki ang mga mata. Nakanganga at nanigas. Nasilip ko pa ang pagkain sa loob ng bibig niya na hindi nanguya. Mukhang nanlambot siya at pabagsak na napa-upo. Tulala pa rin at hindi maisara ang bibig.
Tangka ko siyang lalapitan. Napigil lamang ako ng hila ni Jax sa aking bewang. Gusto niya akong isama sa field. Irene seems confuse and extremely shocked. Wide-eyed, jaw dropped, and blue-tinged, as if blood and oxygen left her face. She looks like a surprised anime. Maybe she's thinking there is no way it could have happened.
BINABASA MO ANG
Lascivious Casanova (R-18) (Erotic Island Series #7)
Romance"Do you smoke?" natatawang tanong niya sa akin kahit alam niyang hindi. Pagilid ko siyang sinulyapan nang ilabas niya ang sigarilyo at mabilis na sinindihan sa harapan ko. Sinasadya niya ito para ipakita sa akin na walang kahit sino ang magbabawal s...
