(LC) Chapter 98 LAST CHAPTER
The anticipation was making me giddy and making my heart palpitate. I breathed in air and exhaled it. I swept under the rug the emotions that were building in me. Hininto ko ang sinasakyan malayo sa pinaghintuan nila. Hindi ko na ikinapagtaka na malayo ang lugar, mapuno, at mahirap tuntunin. Nasa mataas ito na lugar. Mula rito, natanaw ko ang buhat nang ama ni Jax na si Georgina. Ang mama ni Jax, mga tauhan nito ang humatak pababa sa sasakyan. She’s still in her wheel chair, kakaayos pa lamang ng pakiramdam nito at hindi pa kakayaning makatayo nang tuwid.
Kumuyom ang kamao ko at hindi maiwasan na makaramdam ng awa para sa mama ni Jax. Oo at may partisipasyon siya sa mga nangyari noon pero hindi umabot sa magiging kriminal siya. She backed out after finding out I was pregnant. Ni hindi niya alam ang buong plano ni Georgina at ang gusto niya lang ay itali dito ang anak niya. Because that lunatic showed her sweet side to Jax's mother. Just like Jax, she made Calina believe that Jax got her pregnant and that he asked her to abort it. While Calina was pushing Jax to marry her, she didn't know that the same woman she wants to be his son's wife is having an affair with her husband, Cael. She made Jax's father a temporary substitute to quench her thirst for Jax. She used and manipulated them for years.
Maaaring planado na niya ito unang araw pa lang na makita niya si Jax. She wants him, and she will do everything to get him. Nasira lang ang plano niya dahil nang mapunta sa Mindoro si Jax, nakilala niya ako. He fell in love that he didn't care about Georgina's feelings anymore. Na maging ang mama niya ay nagawa niyang suwayin. Wala na rin siyang balak pang bumalik sa Ireland at sa Mindoro na napagdesisyunang manirahan. Because he fell in love with me, he was able to freed himself from the shackle that lunatic woman had created to control him.
“They will arrive in about thirty minutes.”
It was Elle. They are still behind me because I made them stop chasing earlier.
“If you go in, make sure you don't get caught until they arrive. Papatayin ako ni Jax at papatayin ni Kade si Jax kung may mangyayari sayong masama habang nasa loob ka. For the safety of all of us, be careful and don’t get hurt.”
Hindi ako sumagot at sumunod na papasok bago pa ako mapagsarhan ng pinto. Mayroong nakaputing doctor at mga assistant nitong babae at lalaki ang nagbukas ng pintuan. I pulled one of the assistant and hit under her jaw to knock her down. I took her coat and the card hanging around her neck. I checked it just to see it has her picture, name, and an ID number.
I adjusted the scrunchies in my hair to properly angle the camera. Mamaya lang ay mari-raid na ang buong lugar subalit wala naman mawawala lalo’t suot ko rin naman ang ginawa ni Jax na ponytail. Iniwan ko sa isang lugar ang natitira kong dalawang arrow at ang bow. Hindi ko alam kung tama ako ngunit sa palagay ko maraming tauhan na naka-coat sa loob. Mahuhuli ako kung may tangan akong palaso.
Dalawang sliding automatic door ang pinasukan ko bago ko nagamit ang ID sa nakasaradong makapal at malaking metal na pinto. Bumukas iyon. Pagkapasok ko’y kusa muling nagsara. The whole laboratory and I think all the rooms are sanitised and air conditioned. Wala kang makikitang iba kundi kulay puti at mga babasagin. Pagkakita ko sa mga bagay na nasa loob ng pinasukan na kuwarto, parang gusto ko na kaagad na lumabas. Lumunok ako at pinigilang bumaliktad ang sikmura. Hindi hamak na mas malinis rito kumpara sa paraan ng pagkuwento ni Perseus sa naabutan nina Orion at Caelum sa fifth floor ng club. Kahit na gano’n ay parehong hindi makatao ang matatagpuan.
Inside a glass filled with artificial fluid are various human heads. They are all from women. Iba’t ibang tao. Iba’t ibang lahi. Iba’t ibang edad. Nakasarado ang mga mata at animo’y mga natutulog lamang. Ni hindi ko alam kung buhay pa ba ang mga utak nila o hindi na. Humakbang ako. Bawat madaraanan ko’y nagtatayuan ang mga balahibo ko. Ni hindi ko sila kayang matagalan na tingnan. Lumabas ako dahil hindi kinaya ang naramdamang bumalot na kilabot sa aking buong katawan. If Señora hadn't helped me then, mine might have been one of the preserved heads. Hindi na ako nakaramdam ng gulat ngunit hindi maiwawala ang awa sa akin para sa mga tao na ginamit niya para sa walang kasiguraduhan na eksperimento niya. Mga gahaman sa pera at sensya lamang ang mga tao na magtatrabaho para sa kanya.
BINABASA MO ANG
Lascivious Casanova (R-18) (Erotic Island Series #7)
Romansa"Do you smoke?" natatawang tanong niya sa akin kahit alam niyang hindi. Pagilid ko siyang sinulyapan nang ilabas niya ang sigarilyo at mabilis na sinindihan sa harapan ko. Sinasadya niya ito para ipakita sa akin na walang kahit sino ang magbabawal s...
