Lascivious Casanova 75

22.1K 613 197
                                    

(LC) Chapter 75

Wala pong exact date kung kailan ang susunod na update. Palagi po akong nagsasabi na hangga't maaari po hintayin na muna itong matapos bago basahin kung hindi kayang mahintay ang update. Abala na po at balik pasukan na rin ang mga bata. Sinisingit ko lang ang pagsusulat kaya hindi ako makakapangako ng mabilisang update.

Excited ako na kabado sa mga parating na yugto ng LC guys. Hindi ko alam kung mapapanindigan ko ba yung mga scene at plot nito. Wala akong alam sa mga krimen krimen na iyan pero kailangan ko mag-ala Detective Conan dito. Kaya itong ending twist ng LC mula rito hanggang sa huling Chapter, pahirap talaga sa akin. Kung madisappoint ko man kayo, magkaroon ng maraming loophole, o kung hindi ko kayo ma-satisfy sa ending. Sorry in advance na agad. Susubukan ko ibigay ang best ko. Itama niyo na lang kung sakaling may nakita kayong mali ko para maiayos ko kaagad. Malaki man o kaliit-liitang details na importante. Thank you so much!💋❤

-----Miss IYA-----




I looked through an airplane window. It's a beautiful morning with a clear blue sky. The chaotic world down there is hidden on the other side of the clouds. While the world up here is peaceful, serene, and relaxed. It's like the world here is telling me to take a break and pause from all the thoughts that bother my mind.

"Excuse me, Miss Harlow."

Napabaling ako sa naka-unipormeng staff na lumapit sa aking desk. Magalang siyang nakangiti at bahagyang nakayuko.

"Yes." Ngumiti ako.

"You can now use the wifi, Madam." She smiled and assisted me to have a connection.

My kids are eating in the private jet's dining area while I am sitting in my office area beside the porthole, sending out emails. I sighed after I sent the last email to Millie. I sighed again and rested my back on the back of my chair.

Muli kong dinungaw ang labas. Tanaw ko mula sa kinauupuan ang kaonting parte ng pakpak ng eroplano. The wings and the body of the plane had Shalom's name painted on it.

A sad smile crept on my lips. Ni hindi ako napagbigyang malaman kung ano ang kasarian niya. Is she a girl who wants a doll? Or is he a boy who loves toy cars?

I closed my eyes when I felt my eyes heated. The memory of me burying my child tears a hole through me. That memory gave me wound but did not leave a scar. Walang peklat dahil hindi humilom at sariwa pa.

"Fiance, huh?"

I mocked him. Mahina akong tumawa tama lang para marinig ng kausap ko sa kabilang linya. My phone on the bed is on a loudspeaker. Nakatalikod ako sa kama at naghahanap ng isusuot.

Pagkakain ng mga bata'y pinatulog ko sila dahil mahaba ang magiging biyahe. Wala sa isip ko na matulog sa biyahe pero nang makitang mahimbing ang mga bata sa kwarto nila bago ko sila iwana'y nakaramdam din ako ng antok.

Maglilinis sana muna ako ng katawan bago matulog. Kaya lang, naunang tumawag ang lalaki na ito sa akin bago pa man ako makahanap ng gagamitin kong pantulog.

"Are you really serious about getting married, Mr. Thompson? Nasaan na yung dating kliyente ko na linggo linggo may bagong kinukuhang alahas para sa flavor of the week niya?"

"Don't laugh. I'm serious, Harlow," aniya. "Hindi ko na ito pakakawalan."

Ang ngisi ay puminta sa labi ko. Matagal ko na itong kliyente. Bago pa lang ang Shalom.co ay umu-order na siya. Sa mga babae niya pa lang na nireregaluhan niya ng mga alahas noon, kabiruan ko na siya. Madalas din akong mag-suggest ng mga bagong labas na disenyo.

"Saang nightclub mo ba nakilala at mukhang binaliw ka?"

"Shut up!" Pagpapatahimik niya sa akin. Natawa ako. "She's a veterinarian and not just a stranger at a nightclub!"

Lascivious Casanova (R-18) (Erotic Island Series #7)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon