Lascivious Casanova 83

42.7K 479 145
                                        

(LC) Chapter 83





They were all in shock, including me and Jax. Pinasok ni Peter sa loob ng bahay nila si Jigs na tulog na sa kalasingan at dahil sa pagbugbog dito ni Jax. Ginamot ni Irene ang mga galos nito kahit walang malay. Nagsilipatan din ang lahat sa loob ng bahay. Lahat sila'y kinausap ni Peter tungkol sa nangyari. Na walang makakalabas sa nangyari rito. Kami ni Jax, nasa labas ng pinto, nag-iisip at nagpapahangin.

"He's the father." Jax said something I already knew. As if he's telling me 'I told you so'.

Tumango ako. Bago pa naman namin malaman kung sino ang ama, naniwala na akong hindi siya. Naliwanagan lamang kami ngayon kung sino talaga ang ama. It's just that, I feel bad for the baby. And of course for Maya. Mukhang hanggang ngayon nasa dibdib pa rin ni Jigs ang kinimkim na galit sa pagkawala ng mag-ina niya.

"I'll bring him to my house." Si Jax kay Peter pagkaalis ng mga tao sa bahay nila. "He knows something. And also, Clementine will decide what should be done with him."

"Sasama ako." Ani ni Peter. "Magpapaalam lang ako kay Irene na sa inyo ako matutulog ng isang gabi. I don't know what's going on but maybe it would be better if I was there when he woke up. Hindi ko siya maaaring iwan sa inyo at isa pa'y maaari akong makatulong na kausapin siya."

Mukhang nag-aalala siya sa magagawa ni Jax sa ka-team nila sa oras na magising ito at magmatigas o hindi magsalita. Sa palagay ko, tama lang na kasama si Peter. Kasi hindi ko rin alam kung mapipigilan ko ba ang sarili ko oras na mangyari iyon. Baka pa dalawa kami ni Jax na hindi makapagpigil at umabot sa punto na mabugbog namin si Jigs.

"Sorry for the commotion." Hinging paumanhin ko kay Irene.

I want to catch up with her and tell her more about what I talked to Cathy. Kaya lang ay hindi sang-ayon ang panahon ngayon.

"Ayos lang. Naiintindihan ko. Akala ko ay tapos na subalit mukhang may malaki kayong problema ni Jax. Kaya saka na ako magtatanong."

Ngumiti si Irene. Ngumiti rin ako. Si Jigs, buhat ni Peter sa kanyang likuran. Pagkatapos nitong maipasok ang kaibigan sa passenger seat, sumampa na rin kami ni Jax sa sasakyan. Si Jax ang nagmamaneho habang nasa tabi niya ako. Sa likurang upuan ay si Jigs na tulog at si Peter.

"We're investigating Maya and Jace's case," pagpapaalam ni Jax kay Peter.

Mukhang nagkaroon na ng ideya ang isa kaya naman ay tahimik lang ito sa likod at naghihintay sa idudugtong ni Jax.

"We were both accused of being murderers. Jigs may be one of the victims who has been manipulated. Hindi ako ang pumatay kay Jace at hindi si Clementine ang pumatay kay Maya."

Kahit hindi ko lingunin sa likod, naramdaman ko ang presensya ng pagtango ni Peter. Huminga ito ng malalim na para bang matagal nang mabigat ang pakiramdam niya dahil sa tinamong hagupit sa buhay ng kaibigan niya. Ayokong sabihin na karma ni Jax ang pagkamatay ni Shalom pero sa palagay ko ay isa na iyon. Karma will find its way to you no matter what you are doing or wherever you are. Gusto kong magalit sa kanya na sana nagpaka-bait siya para hindi nangyari ang mga iyon. Pero sa huli, natanto ko na hindi niya rin ginusto iyon. Na masaya na ang anak namin kung nasaan man siya at ayoko nang bulabugin pa dahil sa mga pagkakamali noon ng ama niya.

"Iyan ba ang dahilan kaya kayo nandito? Hindi kayo totoong nagkabalikan?"

Hindi sumagot si Jax. Ngumuso lamang siya kaya ako na ang sumagot.

"Walang kami. Hindi kami." Sabi ko. "We just met again recently. Hindi ako nagpapaligaw sa kanya kaya hindi magiging kami."

Napairap ako at napailing nang lalong manulis ang nguso ni Jax. Hindi napigilan ang mahina ngunit nanunuyang tawa ni Peter sa likod.

Lascivious Casanova (R-18) (Erotic Island Series #7)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon