Lascivious Casanova 82

5.6K 83 79
                                    

(LC) Chapter 82





We all left my messy office and moved to Jax's unit near the building. We left the office to their trusted men and police. Mason was leaning against the wall with his crossed arms while rudely watching his wife wrapping my ankle with an elastic bandage. Magkasalubong ang makakapal na kilay nito at hindi itinatago na hindi natutuwa sa nakikita niya. His sour face is enough evidence to prove he hates me.

“Huwag mong pansinin iyan. Galit lang iyan sayo ngayon dahil nasaksihan niyang mahirapan ang kaibigan niya. Jax is the most special friend for him so he’ll side him. They are joined at the hip. Para na silang magkapatid.”

Kinakausap ako ng asawa ni Mason. Akala yata ay hindi ako komportable sa masamang tingin na pinupukol sa akin ng asawa niya. Kulang na lang ay patigilin nito ang asawa at sabihan na huwag akong gamutin. Ano kaya ang magiging reaksyon nitong si Sahara kung malalaman niya na kinuwelyuhan at kinaladkad ako ng asawa niya?

“He’s pissed with Jax but look…” She held back her smile as she glanced at Mason. “Look at him, he’s still here. Helping and supporting Jax. Kahit gaano iyan kagalit, hindi niya matitiis ang matalik niyang kaibigan.”

Napansin yata ni Mason na pinag-uusapan namin siya. Masungit itong tumayo ng maayos at lumapit sa aming dalawa. Tinanong niya kung tapos na si Sahara. Nang isagot nitong hindi pa’y pinagmadali na niya. Niyaya niya na si Sahara na umuwi at nagsabi kay Silas na tatawag na lang dito kung may makuha siya at may malaman. Hindi pa sila nagpapansinan ni Jax. Nagpaalam siya sa lahat maliban sa akin at kay Jax. Hindi umimik ang huli at nagbuntonghininga lang na sinundan ng tingin ang likod ng kaibigan hanggang sa ito’y makalabas.

“Unang beses ninyong mag-away. Just let him cool off.” Adam said and patted his shoulder.

Tumango si Jax. He heave a sigh and then look at my direction. Nahuli niyang nakatingin ako. Nakapagpalit na siya ng damit at ang mga natamo niyang gasgas gawa ng paghampas ko sa kaniya ng bulaklak ay nalunasan na ni Sahara. May benda ang kaniyang kamay at mayroong mga bandage sa leeg at mukha. Ang maliliit na gasgas ay hinayaan lang at hindi na tinakpan.

Hindi ko kaagad nabawi ang tingin ko at hindi pinahalatang may lumundag sa aking loob dahil sa paglingon niya. I suddenly felt uneasy. Maybe it's because he hugged me earlier, confessed, and cried. Ayokong isipin niya na tinititigan ko siya kaya niya ako nahuling nakatingin sa kaniya. Kaya sa halip na umiwas, nakipagtitigan pa ako sa kaniya. Hinintay ko na siya ang maunang umiwas gaya noon, ngunit hindi niya ginawa. Nang magtagal ang titigan naming dalawa, napanguso siya na kalaunan ay naging ngiti. It's just a small smile but his dimples are already showing. He’s wearing a clean white t-shirt. His hair was still damp and his gold necklace was outside the neckline of his shirt.

Kumunot ang noo ko. Pinigilan kong umirap. Walang emosyon lamang akong umiwas ng tingin. I don't know what made him so happy. When he said he loves me, I didn't even answer him because I don't think I still love him. Matagal akong nagalit sa kaniya. Napalitan ng galit ang pagmamahal ko at hanggang ngayon ay hindi pa ako lubusang nagtitiwala. Hindi dahil sinabi niya na mahal niya ako, mamahalin ko na rin siya pabalik. I will listen and cooperate but that doesn't mean I don't have doubts. Alam nilang may pagdududa pa ako at kung ano lang ang kaya kong ibigay na tiwala ay sapat na raw sa kanila.

“Let’s start?” Nakatingin sa akin si Orion. Tumango ako sa kaniya.

Pagsasamahin at pagdudugtong-dugtungin ang mga nakuha naming data files at ilang mga facts na posibleng magsilbing ebidensya. Nagkatinginan ulit kami ni Jax nang tumayo ako. Lumapit siya’t sinubukan akong alalayan palapit sa pagpupulungan na lamesa. Binawi ko ang braso ko dahil kaya ko naman maglakad. Tumabi ako kay Orion. Sumingit si Jax at pumagitna sa amin. Nagkasulyapan kami ni Orion na mukhang napansin ang pasimpleng paggitgit sa kaniya ni Jax. Pairap akong napailing samantalang nginisian ako ni Orion.

Lascivious Casanova (R-18) (Erotic Island Series #7)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon