(LC) Chapter 90
I woke up in the morning with something heavy on my body. Hindi pa man nalilingon ang taong nakadantay sa buong katawan ko’y nakilanlan ko na iyon kung sino. Kay himbing ng tulog nito at malakas na naghihilik. Samantalang ako’y mabigat ang talukap ng mga mata, masakit ang katawan ko, at kulang pa sa tulog.
Gusto kong bumawi ng tulog at i-kondisyon ang katawan ko dahil mamayang gabi, hindi ko alam kung ano ang maaaring mangyari. Ngunit paano ako makakabawi nang tulog kung halos mamanhid na ang buong katawan ko sa bigat niya?
Tumalsik ang nakayakap sa aking braso niya nang bumangon ako. Kinuha ko ang binti niyang nakadantay sa akin at pabalang na hinawi iyon. Tulog na tulog pa rin siya nang tingnan ko. Bahagyang nakaawang ang bibig at naghihilik. Oo na’t guwapo siya kahit tulog, pero hindi ito ang tamang oras para purihin siya. Nang tadyakan ko siya sa tagiliran, napadaing siya’t nagising.
“Aw! That hurts! What’s that?”
Pagmulat niya ng mga mata at makita akong nakaupo sa tabi niya, mukhang doon niya pa lang naalala na nasa kuwarto ko siya.
“You have your own room so what are you doing here? I said no touching! Why did I wake up with you hugging me?”
Hinilamos niya ang isang palad sa kanyang mukha at nagkusot ng mga mata. He looks like a child with his bedhead and dishevelled clothes.
“Really? Are you sure I’m hugging you? I don’t know what I’m doing when I sleep and I woke up with your kick. How will I know you’re telling the truth? Maybe you’re the one hugging me and not the other way around?”
Sarkastiko akong napabuga nang hininga. I was almost mesmerized by his innocent woke up look, but I quickly changed my mind when he opened his mouth.
“Talaga ba? Then explain me why you’re here! Huwag mong sabihin na hindi mo rin alam o na nag-sleepwalk ka kaya nasa kuwarto kita!”
Bumangon si Jax at umupo sa kama, mapungay pa ang kamumulat lang na mga mata.
“Oh? Nag-sleepwalk ako?”
Nakaramdam ako ng inis at kaonti na lang lalayasan na ako nang antok.
“Lalabas ka rito, Jax, o sasampalin kita?”
Hindi siya tumayo para umalis kaya’t ako na ang kumaladkad sa kanya pababa sa kama. Binuksan ko ang pintuan at tinulak siya palabas. Yakap pa niya ang isang unan na ginamit niya sa pagtulog. Kahit nandoon at nagkakape na sa sala ang tatlong konstelasyo’y hindi ako nagdalawang isip na duruin at sigawan si Jax.
“Inaantok pa ako kaya matutulog pa ako! Sa oras na magising akong nakadagan ka sa akin ulit, sisipain kita pabalik sa Pinas!”
Napatalon siya at nanlaki ang mga mata sa gulat nang malakas ko siyang pagsarhan ng pintuan. Marahil ay nagmi-meeting ang tatlo sa labas dahil bago ko isara ang pinto’y nahagip ng mata ko ang dalawang nakabukas na laptop.
I don't think Jax knows about me disguising myself as an escort tonight. Mas mabuti kung makakalimutang banggitin nila Orion o sadyain nilang hindi sabihin dahil alam ko na hahadlang si Jax. I’m aware that it is more dangerous to be an escort than to be a VVIP guest. I'll just hurry up and go back to being a man if I feel that disguise as an escort is just a waste.
“Wanna back out?” Jax grabbed my hand when he saw I was nervous. I rolled my eyes on him even though he’s seriously worried.
Hindi ako kinakabahan sa dahilan na nagpapanggap ako na lalaki at ako lang ang nag-iisang guest na babaeng papasok sa loob ng kuwarto na ito. I'm nervous about what I might discover as an escort. May mga babae na bagong pasok ngayong gabi. Kung mahuhuli ako at mayroong makapansin na bagong mukha ako, magpapanggap akong isa sa mga bagong pasok.
BINABASA MO ANG
Lascivious Casanova (R-18) (Erotic Island Series #7)
Romance"Do you smoke?" natatawang tanong niya sa akin kahit alam niyang hindi. Pagilid ko siyang sinulyapan nang ilabas niya ang sigarilyo at mabilis na sinindihan sa harapan ko. Sinasadya niya ito para ipakita sa akin na walang kahit sino ang magbabawal s...
