(LC) Chapter 49
"Si Peter ang magmamaneho papunta sa Manila para makatabi kita," nilingon niya ang likod ng dala niyang eight seater at itinuro ang upuan doon. "Sa dulo tayo. Tatlo tayo ni Coach."
He's wearing his usual short and white shirt. Tumango ako. Lumapit siya. Lumapit din ako. Sinalubong ko ng halik ang labi niya. Sa tuwing magkikita at maghihiwalay gusto niyang hinahalikan ko siya. Noong una nakakalimutan ko kaya nagagalit siya o nagtatampo. Ngayon nakasanayan ko na. Sa tingin pa lang niya alam ko na ang gusto at ayaw niya. Isang tingin lang alam na namin ang nasa isip ng isa't isa.
Sa tuwing naiisip ko siya, bigla na lang siyang tatawag na para bang alam niya na naiisip ko siya kaya siya nagpaparamdam. It seems like he can predict what I am thinking. Ganoon din ako sa kanya. Kahit walang salita at kahit magkalayo, nagkakaintindihan kaming dalawa. Hindi pa man bumubuka ang labi niya alam ko na ang nasa isip niya.
"Oh my! This is so exciting!" Irene shrieked.
Tinitigan ko siya. Mas mukha pa siyang excited sa mga maglalaro. Narito ang lahat ng kasali sa kompetisyon. Apat na laro ang sasalihan ng school kasama na nga ang soccer at basketball kaya apat na service van ang narito. Wala ang ibang kaibigan namin dahil dalawa lang kaming kasali sa cheering. Umiling ako nang masilip si Irene na abala sa pagp-post ng mga litratong kuha niya.
Nasa klase ang mga estudyante. Kaming mga luluwas lang ang nasa field ngayon. Mahamog pa kaya't malamig. Suot ko ang jacket ni Jax na pinaghalong itim at ginto ang kulay. It has his name on the back and number seven just below his name. Sa harapan ay mayroon tatak ng school. Sa ilalim ng jacket ay nakasuot ako ng hapit na puting blouse at hapit na maong pants. Tinernuhan ko iyon sa paa ng puting rubber shoes. Nakasuksok ang mga kamay ko sa bulsa nito upang hindi malamigan.
Nang ipasuot niya sa akin ang jacket niya, nagdalawang isip pa ako. Pero simula nang may mga makaalam, hindi na ako gaanong natatakot na mahuli kami. Hindi na ako lumalayo sa kanya. Nabigla pa siya nang hindi ko tanggihan ang jacket at nang tabihan ko siya sa bleacher.
"Bakit ka tumatabi sa akin?" Tinaasan niya ako ng kilay. Nakadekwatro siya at nagkukunwaring nagsusungit.
"Bakit?" Tinaasan ko rin siya ng kilay. "Bawal bang tabihan ang boyfriend ko?"
"Sabi mo bawal dito?"
"Bawal dati. Ngayon pwede na..."
Sinandal ko ang aking likod sa upuang nasa itaas. Pumihit ang katawan niya para habulin ako ng tingin nang sumandal ako. Pinanliliitan ako nito ng mata. Iginilid niya ang ulo niya at hindi nakuha ang sinabi ko.
"Anong pwede na? Pwede na tayo? Pwede ko nang isigaw na girlfriend kita?"
Hindi ako nagsalita. Napanguso ako. Bakit niya ipagsisigawan? Nababaliw ba siya? Magmumukha siyang katawatawa kung gagawin niya iyon. Natatawa ako sa itsura niyang mukhang lito. Bahala ka diyan!
"Kinakausap ka ni Coach," mahina ko siyang siniko sa braso. Nakatitig kasi siya. Hindi siya nakikinig kay Coach.
Nginitian ko siya nang hindi siya kumilos. Nakatitig siya ng seryoso sa akin subalit maya maya'y nahawa na siya sa ngiti ko. Nagngitian kaming dalawa. Pagharap niya tuloy kay Coach Roiland nadala niya ang ngiting iyon. Napailing si Coach sa inakto namin. Kung alam ng mga narito, siguro itinuro na kami ni Coach at inasar kami sa harapan ng lahat. Kung gagawin man ni Coach iyon, hindi ako magagalit. Handa na akong ipakilala siya. Kaya lang mukhang nasabihan na siya ni Jax na gusto ko i-sikreto ang relasyon namin kaya't kahit may alam ay tikom ang bibig nito.
Kung may makakapansin at may magtatanong sa akin, aaminin ko na na boyfriend ko siya. Balak ko naman ipaalam sa mga magulang ko pagkauwi namin galing sa laro. Kung may makaalam man ngayon o habang nasa Manila kami sigurado na mauuna kong makausap ang mga magulang ko tungkol sa amin ni Jax bago pa nila iyon malaman sa iba.
BINABASA MO ANG
Lascivious Casanova (R-18) (Erotic Island Series #7)
RomanceWarning: Read At Your Own Risk! EXPLICIT AND MATURE CONTENT❗❗❗ Series 7 of 8 "Do you smoke?" natatawang tanong niya sa akin kahit alam niyang hindi. Pagilid ko siyang sinulyapan nang ilabas niya ang sigarilyo at mabilis na sinindihan sa harapan ko...