Lascivious Casanova 67

27.4K 649 205
                                    

(LC) Chapter 67

READ THE WARNING!
________________________________________

This is a work of fiction, products of the Author's imagination. Any resemblance to actual persons or actual events is purely coincidental.
_________________________________________

It contains sensitive scene and only for mature readers. Expect grammatical errors, spelling, and typos.

I write offensive plots. If you are easily offended or not ready for mature or offensive contents, my stories are not suitable for you.

MATURE CONTENT!
READ AT YOUR OWN RISK!
__________________________________________

MAGWARNING NA AKO ULIT KASI SA MGA SUSUNOD SA CHAPTER NA IA-UPDATE KO MAY MGA MASESELAN NA SCENE. PAKIBASA ANG WARNING NG MABUTI. SALAMAT.

-----Miss IYA-----

I moaned when I felt a tickle on my skin. Kasunod no'n ay panlalaking tawa. Slowly, I opened my eyes. My whole body hurts but it was a beautiful day when I woke up. Namulatan ko si Jax na nakatitig sa akin. Nakangiti siya. Nakahiga siya ng patagilid. Ang isang siko ay nakatukod sa bean bag at salo salo ng kamay ang ulo. Sa akin siya nakaharap. We're still naked underneath the blanket. The first thing that came into my mind when I saw him was I was thirsty. I don't know if I'm thirsty for water or for him.

"Hmm..." Muling daing ko.

Humalakhak siya nang mamutawi ang mahinang ungol sa akin. Saka ko pa lamang natanto na mayroon siyang hawak na puting feather na mukhang nanggaling sa nasira naming unan. Pinapadaan niya iyon sa hubad kong katawan na umaani ng mahihinang tunog mula sa akin. Nang ulitin niya, sinaway ko siya't itinulak ang kanyang kamay. Humalakhak siya. Iyon siguro ang paulit ulit na nangingiliti sa akin kaya ako nagising.

"Good morning, Love," ngiting ngiti na bati niya.

Ang kamay niya na pinangkikiliti sa akin ay inabot ang buhok ko at inayos. Mahapdi pa ang aking mga mata. Pinilit ko lang na dumilat dahil may araw na at upang alamin kung anong bagay ang gumagapang sa balat ko.

"Ang aga mo magising," wala pa sa diwa na tanong ko. "Natulog ka ba?"

"Hindi ako makatulog. I can't close my eyes and I can't stop staring at you... You are too beautiful..." Umangat ang gilid ng labi niya para sa isang ngisi.

Mahina akong natawa. Umirap ako na mabilis kong pinagsisihan nang masilaw sa pumasok na sinag ng araw. Sa halip na ulitin iyon, ipinikit ko na lang ang aking isang mata.

"Matulog ka na! Hindi naman ako mawawala kahit pumikit ka riyan!"

Ngumiti siya. Napunta ang tingin ko sa pisngi niya. The deep dimples on both of his cheeks was a fresh breath of air. Inayos niya ulit ang buhok ko. Sa tuwing dumadampi ang daliri niya hindi ko maiwasan na kilabutan. Nakakatitig siya sa mga mata ko. Sandali kaming tahimik na magkatitigan bago siya nagsalita.

"Ayos ka lang ba na dito muna tayo? Ipapaayos ko ito para maging cabana house natin? O may gusto kang ibang lugar dito sa Mindoro?"

Ngumuso ako at hindi inalintana na inaantok pa.

"Bakit mo tinatanong?"

"May bibilhin ako na bahay," sagot niya.

Kumunot ang noo ko.

"Bahay? Para kanino? Saan?"

"Of course for us..." Ibinaba niya ang kamay niya at dinala iyon sa baba ko. Hinaplos niya ako roon habang nakatitig pa rin sa akin. "I want to buy the house where we first made love..."

Lascivious Casanova (R-18) (Erotic Island Series #7)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon