Lascivious Casanova 09

34.2K 916 138
                                    

(LC) Chapter 09




Hindi na ako nagawang balikan ng tingin ni Jax nang lumabas siya sa opisina. Pagka-alis ng mag lola, umuwi na rin ako at hindi na nakapag paalam sa Senyora. Nagpasabi nalang ako kay Norma.

Pabaling baling ako at hindi makatulog sa higaan. Kahit nakapikit at nakapaglinis na ng katawan, pakiramdam ko'y naiwan sa akin ang pabango niya. Hindi ko na makalimutan ang amoy no'n. Mahina kong sinabunutan ang aking buhok. Nagtalukbong ako ng kumot at pilit na binura sa ala-ala ang nangyari.

Kinaumagahan, muntik ko nang makalimutan ang tungkol sa pagkabutas ng salawal ko. Mas tumatak sa akin ang nangyari sa amin sa unang araw ng pagtuturo ko sa kanya. Wala sana akong balak na pumasok dahil sa kahihiyan, napilitan lang ako nang sunduin ako ni Harry sa bahay. Pag-uusapan daw ang tungkol sa budget, ako ang may hawak ng pera kaya't hindi ako pwedeng mawala.

Bakit nga ba hindi ko kaagad naisip na mas mataba iyon kaysa sa desk lamp na nahulog? Nawalan lang ng ilaw, nawala na rin yata ang lahat ng pakiramdam ko! Unang beses kong makahawak no'n at hindi ko alam na ganoon pala iyon katigas. Hanggang paggising ko nga'y pakiramdam ko, hawak ko pa rin siya't kung ano anong pumapasok sa isip ko.

Oo at mabango siya dahil sa suot niyang mamahaling pabango at natural na mabango rin ang hininga. Napatunayan ko iyon habang nasa ilalim kaming dalawa ng book shelves at magkapatong. Subalit hindi ibig sabihin na mabango at gwapo siya'y mag-iiba na ang tingin ko sa kanya. Hindi ko pa rin siya gusto at hindi ko siya magugustuhan.

"Malakas siguro ang paparating na ulan?" Si Irene nang mapuna ang makulimlim na langit. Hindi pa man tumitirik ang araw ay natabunan na iyon ng madilim na ulap.

Hindi nga nagtagal, sa pangalawang subject, bumuhos na nga ang malakas na ulan. Maraming nagreklamo dahil walang mga dalang payong habang ako'y pinagmamasdan ang malalaking patak ng ulan. Nagbuntong hininga ako, naisip ko lang na malaki, iba na kaagad ang tumatakbo sa isipan ko.

"May dala ka bang payong? O magpapasundo ka kay Tito Gary?"

Tiningala ko si Harry'ng nasa harapan ng upuan ko. Hindi ko namalayan ang paglapit niya dahil sa lalim ng iniisip ko. Matagal ko pa siyang tinitigan bago ako nakasagot.

"Magpapasundo nalang ako kay tatay," sabay abot sa bag upang hanapin ang telepono at makapag pasundo.

Napakunot noo ako nang hindi mahanap ang telepono kahit anong pagkapa ang gawin ko. Balak kong magpasundo kay tatay dahil sa tuwing umuulan, gano'n ang ginagawa ko, susunduin niya ako at mayroon dalang extra na payong para sa akin.

Matagal na paghahanap pa bago ako sumuko at natanto na wala talaga. Saglit akong natulala sa loob ng bag. Tsaka ko lang naalalang ibinato ko nga pala kay Jax kahapon ang telepono ko! Nasa sasakyan niya iyon! Hindi ko masiyadong napagtuunan ng pansin na wala sa akin ang telepono dahil madalang naman akong gumamit no'n. Kung hindi ko kinailangan ngayon, hindi ko pa maaalala ang ginawa kong pagbato kay Jax.

"Naiwan mo ang cellphone mo? Pwede kang sumabay nalang sa akin-"

"Hindi na, Harry! Napailaliman lang siguro! Hahanapin ko nalang ulit mamaya! May pupuntahan lang ako bago magpasundo kay tatay!" sinasabi ko iyon habang marahan na tumatayo at inaayos ang mga gamit

Wala pa man, nag-aalala na ako kung paano ko haharapin si Jax na walang makakakitang magkausap kami. Hindi rin ako sigurado kung nasa kanya ba ang telepono ko o naroon pa rin sa sasakyan niya at hindi niya nakita. Nagmadali ako lalo at bago pa ulit mang-usisa si Harry, lumabas na ako sa classroom.

"Makikipaghiwalay ka?!"

"No! How can I break up with you if we don't have a relationship?"

"Ikaw ang nakauna sa akin! Ang sabi mo mahal mo ako-"

Lascivious Casanova (R-18) (Erotic Island Series #7)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon