(LC) Chapter 72
The wind is blowing. The birds are chirping. The dry leaves are making rustle sounds. Gising na ngunit tila kay bigat pa rin ng mga talukap ko. Hinihintay kong makarinig ng pagtilaok ng manok at makaamoy ng pagsisiga ng mga tuyong dahon. Ngunit sa halip na iyon ay salitan na pag-awit ng mga ibon ang naririnig ko at pagaspas ng mga sumasayaw na dahon. Ang hangin na pumapaypay sa aking mukha ay nahahaluan ng malansa't makalawang na amoy.
Kumunot ang aking noo sa biglaang pagsigid ng sakit sa aking sintido. Ilang beses na kumurap ang aking mga mata bago nagawang unti unting dumilat. Ang sumalo ng mga mata ko ay ang matataas na puno at tuyong dahon sa halip na apat na sulok ng kwarto ko. Nakadapa ako sa mga tuyong dahon at nakagilid pakaliwa ang aking mukha. Maliwanag na ngunit hindi pa nakakapaso ang araw.
"Nandito! Nandito siya!"
Pinilit kong umupo kahit para akong lumulutang dahil sa kirot ng ulo. Matagal bago naging malinaw sa akin ang paligid. Sa kabila ng panghihina ng mga paa'y pinilit kong tumayo. Nakahawak ako sa katawan ng puno upang kumuha ng suporta habang iginagala ang mga mata at hinahanap ang pinanggalingan ng boses na narinig.
"Nakita ko ang isa sa mga sapatos niya! Nandito! Nandito siya!"
"Tu...tulong..." Kahit sarili ko'y hindi marinig iyon. Tuyong tuyo ang lalamunan ko na halos walang lumabas na boses doon.
Pinilit kong maglakad upang mas malapitan ang boses. Mula sa isang puno ay hinihingal at halos pagapang akong lumipat sa kabila. Umiikot ang paningin ko at nakakadagdag sa hilo ang sikat ng araw na nakakatakas sa harang na mga dahon. Sa ikaapat na puno ay napatid ako sa ugat at mabilis na natumba. Napaluhod ako. Pilit kong idinilat ang aking mga mata nang makaramdam ng basa sa aking palad. Malagkit at kulay matingkad na pula. Nang una'y akala ko'y nasugatan ako. Ngunit nang walang maramdaman na hapdi at mapansin na masiyadong marami ang dugo'y napalingon ako sa gilid ko.
Napabagsak ako paupo. Binalot ako ng takot. My mouth fell open. My eyes wide in shock. I was shaking terribly as I tried to gather my thoughts. Nag-unahan ang pagbagsak ng luha ko dahil ang inakala kong ugat na pumatid sa akin ay paa ng duguan na tao. Nakaupo at nakasandal sa puno. Puno ng dugo ang tadtad ng saksak niyang katawan at nakatarak pa sa kanyang tiyan ang ginamit na patalim. Nanginginig ang kamay ko na puno ng umagos niyang dugo. Sinubukan ko na sumigaw ulit para makahingi ng tulong ngunit ayaw lumabas ng boses ko. Kaya't sa halip na iyon ay nilapitan ko na lang siya at sinubukan na gisingin.
"M-maya..." Hinawakan ko siya sa braso at niyugyog.
Nagtatayuan ang lahat ng balahibo ko. Pinigilan kong magsuka kahit kulang na lang ay bumaliktad na ang sikmura ko. Ang nanghihina kong katawan ay nanlalambot na ngayon. Sa huli, binitiwan ko rin siya dahil sa sobrang lamig niya. Nangangasul na ang mga labi niya at maputla ang buong katawan. Hindi ko na kailangan na pag-aralan ng mabuti para malaman na patay na siya...at ang bata na nasa kanyang sinapupunan.
Umiiling ako at umiiyak. Nawala na ang sakit ng ulo ko at napalitan ng hilakbot sa buong katawan. Tiningnan ko ang dugong nasa aking mga kamay. Pagkayuko ko sa aking puting damit, punong puno ako ng dugo. Awtomatikong lumipad ang isa kong kamay sa aking tiyan. Walang masakit sa akin kahit saan. Sa kamay lang ako nalagyan ng dugo nang mapatid ako sa paa ni Maya kaya hindi ko alam kung saan nanggaling ang mga dugo na ito.
Hindi ko ito agarang napansin kanina at maaaring ang dugo na ito ang naamoy ko nang magising. Walang masakit sa akin bukod sa aking sintido. Ilang puno ang layo ko kay Maya nang magising ako kaya paanong... Ang nakangisi na itsura ni Jax ang biglaan na lumitaw sa ala-ala ko. Siya ang nagpapunta sa akin dito. Siya ang nagdala sa akin. Bago ako mawalan ng malay...siya ang huli kong nakita.
BINABASA MO ANG
Lascivious Casanova (R-18) (Erotic Island Series #7)
RomanceWarning: Read At Your Own Risk! EXPLICIT AND MATURE CONTENT❗❗❗ Series 7 of 8 "Do you smoke?" natatawang tanong niya sa akin kahit alam niyang hindi. Pagilid ko siyang sinulyapan nang ilabas niya ang sigarilyo at mabilis na sinindihan sa harapan ko...