(LC) Chapter 97
Georgina fainted and then my phone rang. I intend to ignore it, but when it fell out of my pocket and saw Jax's name on the screen, I stretched my hand to pick it up. Kakaabot ko pa lang sa telepono at kapipindot ko pa lang nang tumilapon ang katawan ko paalis sa ibabaw ni Georgina. Mayroong sumipa sa aking likuran. Nang tingalain ko, kaparehong kulay ng mga mata ni Jax ang nasalo ng mga mata ko.
"Clementine! I received a report from my men who were following you! What's happening there? Hello? Clementine? Answer me!" Jax asked in panic as a woman was crying in the background.
The woman is waking someone up. Ang boses ni Jax ay mukhang galing din sa pag-iyak. As if someone just died. Then, I remembered that Jax's best friend was rushed to the hospital. Jax's last news was that he was in the operating room. Gusto kong magtanong kay Jax kung ano ang nangyari subalit mas natuon ang buong atensyon ko sa lalaking nasa aking harapan.
"Wait for me there! I'm going now! Clementine!"
Narinig ko ang pag-alis nila ni Mason sa hospital at ang paghina ng iyak ng babae dahil sa paglayo nila sa lugar. Sumisigaw si Jax. Tinatawag ang pangalan ko. Halong kaba, lungkot, taranta, pagmamadali, at takot ang nakapaloob sa boses niya. I want to say that I'm fine to calm him down but I know that what's happening here will get to him. And I can't tell him that because I'm not fine. Not now with a gun pointed at my head.
"Your father is here, Jax."
Sakto sa pagsagot ko kay Jax ang pagputok ng baril. Kung hindi ako maagap na humiga at gumulong, natamaan na ako. Mabilis akong bumangon at tumakbo upang gawing panalag ang malapit na sasakyan. Nang silipin ko, para itong baliw na nakatingin sa puno ng dugong si Georgina. Hawak nito ang baril. Sinulyapan ko ang motor na sasakyan ko dapat paalis. Nandoon ang case ng bow ko. Bukas iyon dahil kinuhanan ko ng arrow kanina na itinarak ko sa hita ni Georgina. Wala akong baril at patalim dahil balak kong bumalik sa isla. I only have my bow and arrow with me and I don't even know how to get it. Damn it.
"Was that a gunshot? What the hell, Clementine, I need you to make a sound! Fuck! If you're fine, baby, please hang on for a bit! More of our men and Silas' friends are on their way!"
I can tell from his voice that he's desperate to fly here quickly. If only he could teleport, he would have done it. Umaandar pa ang tawag ngunit kahit magsalita siya o kahit sumagot ako'y hindi na kami magkakarinigan dahil mas nangibabaw ang maingay na tunog ng engine. I think he and Mason are leaving the hospital where his best friend just died. Now that we are close to the end, suddenly everything has become complicated. I ended the call and typed a message that I was fine. Na pipilitin kong maging maayos hanggang sa dumating ang back up at hanggang sa dumating siya.
"Get out of there!" Sigaw ng lalaking kaboses ni Jax sabay paputok ng baril sa tinataguan kong sasakyan.
Gumapang ako at lumipat sa kabilang sasakyan. Kailangan kong makalapit sa aking arrow and bow. Nang silipin ko, wala na roon ang puno ng dugong si Georgina. Ang naiwan doon ay ang bakas ng mga dugo niya at ang duguang palaso na ginamit ko sa hita niya. Ang mga tao ni Jax ay injured ang iba at ang iba'y gaya ko na nakatago sa poste ng parking lot at mga nakaparadang sasakyan. Mas dumami ang tao nila lalo't may dumagdag na mga kasama ng ama ni Jax.
"I see you have changed in just seven years. Did you train? Last time I saw you, you couldn't even break a plate. A girl who can easily be drugged and framed."
Dinig ko ang pagkaskas ng nguso ng baril sa metal na kaha ng sasakyan. Umiikot siya palapit kung saan ako nagtatago. Sinubukan kong silipin ang loob ng sasakyan na pinagtataguan. Nagbabakasakali na mayroon maligaw doon na baril o magamit ko panlaban sa tao na may hawak na baril. I can fight him with my fists but I couldn't do that at this distance. Not while the other person is holding a gun. Hindi ako tanga na susugod na lang nang basta basta.
BINABASA MO ANG
Lascivious Casanova (R-18) (Erotic Island Series #7)
Romance"Do you smoke?" natatawang tanong niya sa akin kahit alam niyang hindi. Pagilid ko siyang sinulyapan nang ilabas niya ang sigarilyo at mabilis na sinindihan sa harapan ko. Sinasadya niya ito para ipakita sa akin na walang kahit sino ang magbabawal s...
