Lascivious Casanova 86

23.1K 331 42
                                        

(LC) Chapter 86

I said yes, I will sleep here, but I also said that we need to talk and he will answer all the questions that have been piling up in my mind after we meet again after seven years. A lot happened after I found out he was innocent. Even after that, we didn't have a private and clear conversation. Naglalahad lang siya ng ilang impormasyon sa meeting ngunit hindi buong kuwento.

"What is Georgina's connection to your family?"

I want my question to start from the beginning. It all started in Ireland and just followed Jax to Mindoro. Kailangan naming ungkatin ang simula upang malaman kung paano namin ito matatapos.

"Their family is my father's neighbour."

Nasa study kami. Hindi kami magkatabi at sa halip ay nakaupo sa magkatapat na magarang upuan. Gusto niya akong tabihan ngunit mas pinili ko ang magkaharap kaming dalawa. I trust he won't lie to me but I still want to study his expression. I want him to see my face while I ask questions and while he answers me truthfully and without hesitation. He have to tell me everything. I have to know everything.

"Magkatabi lang ang bahay ninyo?"

Tumango siya sabay nilihis ang tingin. Tinitigan ko siya. Sa palagay ko'y alam na niya ang susunod kong tanong kaya't hindi na siya makatingin.

"Jax, when I called you before, you said I shouldn't worry because she lives far away from you. Did you lie to me that time?"

Napapikit siya. Napayuko siya at sising-sisi na nagtakip ng isang kamay sa mga mata. Namula siya at lumunok. Nakatakip pa rin ang kamay sa mukhang niya nang unti-unti siyang tumango.

"Yes."

Tapos na iyon at matagal na pero ngayong nalaman ko na nagawa niyang magsinungaling kahit malayo siya, pakiramdam ko may nabiyak na lamat sa puso ko.

"Why?"

Napaangat siya ng mukha dahil humina ang boses ko at napaos. Nagkatinginan kami. Kapwa may mababasang sakit sa aming mata. Sa akin dahil nagsinungaling siya at sa kanya dahil nagsisisi siya. Namumungay ang mga mata niyang nasa ilalim ng magkasalubong niyang kilay.

"Kasi may ideya na ako na hindi ako makakauwi sa pinangako ko sa'yong araw, Clem. Ayokong mag-isip ka ng masama kapag nalaman mo na malapit lang ang bahay niya sa akin. I don't want you to know that she's been sleeping there since then. Doon siya natutulog sa bahay nang bumalik kami dahil iyon ang gusto ni Mama. I have no say in that house because it belongs to my parents."

Gumalaw ang panga ko. Kung ayaw niya akong mag-alala, maraming ibang paraan bukod sa magsinungaling!

"You don't have money to pay for the hotel? What the hell, Jax? Don't give me that stupidest reason-"

"I was under house arrest!"

Nakatitig ako sa kanya nang mas naging masakit ang expression niya at mangilid sa magkabilang mata ang mga luha. Nanginig ang labi niya bago siya ulit nagsalita.

"Hindi mo alam kung gaano ko kagustong umuwi sayo nang araw na may sumalubong sa aking mga police sa airport, Clem. Gusto kong tumakbo pabalik sayo. Gusto kong umuwi sayo. Hindi ako takot makulong noon bago kita makilala, pero nang araw na iyon takot na takot ako. Natakot akong makulong dahil naisip ko na kapag nakulong ako, hindi na kita makikita ulit. I'm scared...and the only thing on my mind is that I want to see you and I want to go home to you..."

Huminga siya ng malalim at yumuko. Tinago niya ang pinunasan niyang bumagsak na luha ngunit nahuli pa rin iyon ng mata ko. Napaiwas ako ng tingin at napabaling sa study table para hayaan siyang tahimik na magpunas ng mga mata niya. Hindi ako lumingon nang muli niyang dugtungan ang paliwanag niya. Ang tanging naririnig ko ay ang tila hirap at napapaos na boses niya.

Lascivious Casanova (R-18) (Erotic Island Series #7)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon