(LC) Chapter 79
For years, I tried. I really tried to be calm. I really tried to be better. I was diagnosed with many mental illnesses and the only reason I haven't completely lost myself is because I have a desire to achieve justice. But sometimes I get tired. Sometimes I feel it's too much. Sometimes I get lost. Sometimes I feel weak. Sometimes I wish that what happened in the past was just a dream. But whenever I wake up from countless nightmares, crying, the reality reminds me that what happened is real. That I can't turn back time and I can't take back the life that's already gone.
"I hate you. I hate you so much that I want to kill you."
Habang binibigkas ang salitang kinamumuhian ko siya, hindi ko na nahinto ang luha ko sa pagbagsak. Walang tunog ang iyak. Walang nginig ang boses. Binabasa lang ang aking magkabilang pisngi na animo'y ang bawat tubig na bumabagsak mula sa aking mga mata ay ang umapaw na parte ng emosyon ko na hindi ko na kayang madala.
"I hate every second I see you breathe! I hate you like your mother! Na tama siya nang sabihin niyang sana'y pinatay ka niya habang nasa sinapupunan pa lang at hindi na niya binuhay at isinilang! She would have killed you then so she wouldn't have given birth to a monster! No one loves you here! No one wants you here! Wala kang lugar sa mundong ito!"
Umiiyak ako at nanginginig ang kalamnan. Hindi ko na inalintana ang mga kaibigan niyang nakakarinig at maaaring iniisip na nababaliw na ako. Kasi iyon ang totoo. Hindi ko na rin alam kung nasa katinuan pa ba ako. Na kahit gising o tulog, na kahit ilan o kahit gaano karaming therapy, hindi ko makalimutan ang nangyari. Bawat dugo at bawat sigaw, nanatili sa akin. Dala ko iyon sa pag-alis at hindi ko maiwan. Sinira nila ang katinuan ko. Minantiyahan nila ng gulo ang tahimik na buhay ko.
"Clem..."
Nagsisimula nang manginig ang buong katawan ko nang maramdaman ko ang yakap ni Millie. Gaya ko'y umiiyak siya habang binabalutan ng tuyong bathrobe ang basang katawan ko.
"We all should rest. I'll take her back to the hotel," it was Adam who broke the silence.
Humigit siya ng tuyong t-shirt at nangunang maglakad palabas. Nang hinila ako palabas ni Millie, wala ako sa sarili at umiiyak lang. Nanatiling walang tunog ang iyak ko at hindi nanginig ang boses. Diretso lang sa paglabas at walang preno ang luha. Ni hindi ko na matandaan ang ekspresyon ng mga taong tinalikuran namin dahil dilim lang ang tanging nakikita ko habang lumuluhang sinisigawan siya. Hindi ko gustong umiyak sa harapan nila pero iyon ang nangyari. Para akong baso na punong-puno ng tubig at pinatakan niya pa kaya umapaw.
"Don't think about anything and sleep. I'll knock on your door tomorrow."
Hinatid ako ni Millie hanggang sa kuwarto ni Brad. Tapos na kaming umiyak ngunit kapwa halata ang pamamaga ng mata. Hindi siya nangahas magtanong at sinabihan lang akong magpahinga.
Naligo ako at basa pa ang buhok na humiga sa kama. Habang nakatitig ang mga mata ko sa kisame'y itinaas ko ang aking isang kamay. Napunta doon ang mata ko. I stared at the scratches and bruises at the back of my hand. Sanhi ito ng malakas kong suntok kay Jax.
"I can't believe I almost killed him," pagkausap ko sa sarili pagkababa sa aking kamay upang muling bumalik sa pagtitig sa kisame.
Pumikit ako ng mariin at inalala ang naging burst out ko. Ang pagsuntok at ang pagsakal ko sa kanya. Inalala ko ang itsura niya at takot niyang mga mata habang nilulunod ko siya. I may sound heartless but I don't feel any remorse. Instead of regretting what I did and said, I feel refreshed. I feel satisfied seeing him hurt and scared. Sa nailabas na galit, sa nailabas na luha, nabawasan ang bigat na dinadala ko. I feel like I can breathe and think more clearly now.
![](https://img.wattpad.com/cover/235883466-288-k595255.jpg)
BINABASA MO ANG
Lascivious Casanova (R-18) (Erotic Island Series #7)
Romance"Do you smoke?" natatawang tanong niya sa akin kahit alam niyang hindi. Pagilid ko siyang sinulyapan nang ilabas niya ang sigarilyo at mabilis na sinindihan sa harapan ko. Sinasadya niya ito para ipakita sa akin na walang kahit sino ang magbabawal s...