PROLOGUE

181 14 1
                                    


P R O L O G U E



MAHIGPIT ang hawak ni Gorgeous sa folder kung saan nakapaloob ang printed draft ng estoryang pinaghirapan niyang isulat sa loob ng dalawang taon.  

Isang hakbang nalang ay matutupad na ang pangarap niyang magkaroon ng published book at iyon ay kung makakapasa nga siya sa final screening ngayon.

Mas lalong lumakas ang tambol sa dibdib niya nang biglang bumukas ang pinto ng Office of the CEO sa kanilang harapan. Hudyat na tapos na ang naunang batch at ang batch na nila ang susunod na iinterbyuhin.

Pero ganon na lamang ang pagtataka niya nang makita ang apat na naunang mga writers na lumabas mula sa pinto. Kunot ang mga noo nito at halos mapuno na ng luha ang buong mukha.

Agad na dumako ang paningin niya sa mga kamay nito at ganon na lamang ang panlalaki ng mata niya ng makita niyang may hawak ang mga itong punit-punit na mga papel.

'Ano kayang nangyare?' nagtataka niyang tanong sa isipan pero hindi niya na nagawang isatinig dahil sa sobrang pagkalito.

"Anong nangyare? Bakit ganyan ang mga mukha niyo?" ang isang writer na kasama niya ang naglakas loob na magtanong.

Matiim naman silang pinagkatitigan ng apat na babae at imbis na sumagot ay bigla nalang humagulgol sa iyak ang mga ito.

"Walang hiya siya! Demonyo ang lalaking yun! He's a piece of sh*t!" nang-gagalaiting saad ng babae habang umiiyak.

"I'm warning you guys, you better backout and get out of this place. This is a f*cking hell and that man is a crazy demon!"

Doon siya mas lalong kinabahan. Ano ba kasing nangyare sa loob at nagkaganoon sila?

"Ano nga kasi ang nangyare?" pamimilit na tanong ng isa pang writer na nasa tabi niya.

“Kung ako sa inyo umalis na kayo kung mahalaga sa iyo mga estorya niyo!” pagkatapos ay umalis na ang mga babae at naiwan sila sa harap ng pintuan na nakatanga.

Bigla siyang binundol ng matinding kaba at pagkalito. Anong gagawin niya? Tutuloy pa ba siya? o susundin niya ang sinabi nung babae kanina?

Halos magkanda buhol-buhol na ang utak niya sa pagdadalawang isip, nang muling bumukas ang pinto. Iniluwa noon ang isang lalaking sa tingin niya ay nasa mid 40's na. Iyon kaya ang demon na tinutukoy ng mga writers kanina?

"Pumasok na daw ang next batch sabi ni Mr. Smither,” anunsiyo nito.

Daw? Ibig sabihin hindi ito yon?

The situation is waking up her d*mn curiosity and it is not good.

Pikit-mata si Gorge sa bawat hakbang na gagawin sa loob ng office, mas lalong humihigpit ang hawak niya sa folder at ramdam nya ring pinagpapawisan na ng malamig ang kanyang dalawang kamay.

Sa tanang buhay niya ay ngayon lang ulit siya nakaramdam ng ganitong klase'ng kaba.

Pero sa kabila ng kabang nararamdahan ay nagawa niya pang ilibot ang mga mata sa kabuuan ng office. Mula sa mamahaling ceiling ... hanggang sa navy blue carpeted floor. May mga couches din sa loob na kulay abo at isang divider kung saan naroon ang isang flatscreen TV at sa gawing kaliwa naman ay naroon ang isang floor to ceiling na aquarium na nagsisilbi na ring pader ng kaliwang bahagi ng opisina.

Pero ang mas lalong nakakuha ng atensyon niya ang isang indoor tree na nasa pinakagitna ng office, which she really find quiet amusing.

The office was a condo-like at napakaaliwalas ng ambiance nito. It was a very pleasing place to stay with.

Secret Pages [R-18] [Ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon