PAGE 10

43 2 0
                                    


ᴘᴀɢᴇ | 10



"NASA ospital ang daddy mo, Trench."

Nanlaki ang mata ni Gorge at nakita niya namang napatayo si Trench mula sa kinauupuan nito.

"What? Anong nangyare kay Dad?" bulalas ni Trench na ikinabuntong hininga naman ng ginang na kaharap nito ngayon.

Kaninang umaga ay bigla nalang may sumulpot na middle aged woman sa bahay ni Trench. Siya pa ang nagbukas ng pinto at napasinghap nalang siya ura-urada itong pumasok sa bahay.

Kalauna'y nalaman niyang nanay pala ito ng binata. Ngayon ay nasa sala nga ang mga ito at nag-uusap at kasalukuyan siyang nagseserve ng tea sa para sa rito ng sakto namang iyon ang lumabas sa bibig ng ginang.

'Nasa ospital si Mr. Smither? Ano kayang nangyare sa tatay ni Trench?'  piping tanong ni Gorge sa isipan na nasagot naman ng muling magsalita ang ginang.

"Inaataki siya ng high blood sugar niya. The doctor advised him to take atleast one month leave from work. So for the meantime, ikaw muna ang magiging acting CEO ng kompanya habang nagpapahinga ang daddy mo."

Tumalikod na ako at nagsimulang humakbang pabalik sa kitchen pero narinig ko pa ang huli nilang pag-uusap bago ako tuluyang makaalis.

"Don't worry, I already ask my staff to settle your schedule in school. Every afternoon kalang  pagpasok sa kompanya and by mornings ay nasa university ka para kahit papano ay hindi masyadong maapektuhan ang pag-aaral mo...I'm really sorry, Trench but we don't have a choice. Please understand us."

-----

MATAPOS nga ang nangyare kay Mr. Gregorio Smither ay si Trench muna ang umasikaso sa kompanya. Sa ngayon ay ito muna ang acting CEO ng MCA Publishing Company. Kaya ito rin siya ngayon, mula sa pagiging personal friend nito ay naging instant acting secretary na rin ngayon. 

Nung una ayaw niya sanang tanggapin ang trabaho pero hindi na siya nakaangal ng ang ina na mismo ni Trench ang nagdesisyon.

Kung tutuusin nga ay sobrang swerte niya na kasi bukod sa continue parin ang sobrang laki niyang sweldo bilang personal friend nito ay separate payment pa ang pagiging acting secretary niya nito ngayon.

Isa pa ay hindi naman masyadong mahirap ang ginagawa niya sa opisina. Minsan nga ay paupo-upo lang siya at nariyang nanood ng TV sa mini sala sa opisina ng binata kasi sa totoo lang ay wala naman talaga itong masyadong pinapagawa sa kanya.

Minsan na siyang nagkusa pero nagalit lang ito, kesyo daw hindi niya iyon inutos kaya wag niyang gawin. Kung di ba naman talaga abnormal. Bakit pa ito kumuha ng sekretarya kung hindi din naman nito uutusan? 

Pero ang labis na ikinamangha ni Gorge ay tila nagiging ibang tao ito pag nasa opisina sila. Nagiging matured at propesyonal ang kilos nito lalo na sa harap ng mga impliyado ng kompanya. Madalas itong seryoso at tutok lang sa laptop habang seryosong gumagawa ng mga paperworks kapag nasa opisina sila.

"YOU know what, Trench. Sa tingin ko hindi talaga Emotion Management Issue ang sakit mo eh,” saad ni Gorge sa binata na seryoso nakaupo ngayon sa desk neto at tila abala sa harap ng laptop.

Nakakunot naman ang noo ni Trench at bumaling sa kanya. "What do you mean?" naguguluhang tanong ng binata.

"Feeling ko kasi sa mata talaga yang sira mo e. Isipin mo nga, Shalanie Cordova, isang sikat na Fashion Designer. Sahara Hitsman, isang Super Model. Amanda Victoria, anak ng isang hollywood star, Francesca Shanel, isang Beauty Queen at Lara Logan isang sikat na cheerleader sa school niyo."

Secret Pages [R-18] [Ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon