ᴘᴀɢᴇ | 13INILAPAG ni Gorgeous ang hawak na mug sa mesa pagkatapos ay umupo sa katapat na upuan ni Ritchi na busy sa pagbabalat ng nilagang mani na niluto nila.
"Ritchi, sa tingin mo ba dapat na akong magresign sa trabaho?"
Pinandilatan siya ng mata ng bakla. "Ano?! Gaga kaba?! Ang ganda-ganda ng mga benefits sa trabaho mo, at ang laki pa ng sweldo mo. Plus isang hot na fafa pa ang boss mo. Tapos magreresign ka lang? Saan napunta ang utak mo, Gorge?"
Naabutan nito si Trench na naroon sa bahay niya noong nakaraang linggo at ngayon ay alam na nito ang trabaho niya. Well, not at all. Sinabi niya rito na 'secretary' siya ni Trench pero hindi parin nito alam ang tungkol sa pagiging personal friend niya sa binata.
"Eh kasi naman. Paano kung hindi na ako masaya sa trabahong yun? Hindi parin ba ako pwedeng magresign?" saad ulit ni Gorge at nagsimula nang magtimpla ng kape.
Mula sa sala ay naglakad si Ritchi papunta sa dining table, umupo ito sa katapat niyang upuan at nakalumbaba sa harap niya.
"Hindi ka ba talaga masaya sa trabaho mo? Kaya pala abot langit ang ngiti mo simula pa kagabi. Hindi ka pala masaya."
Napaiwas siya ng tingin dito. Paano niya ba kasi sasabihin dito ang dahilan kung bakit gusto niya nang mag-resign? Dapat ba niyang ikwento na nagchukchakan sila ng boss niya na muntik pang mauwi sa ....
"Ano ba talagang nangyare at bakit mo gustong magresign, aber?"
"Wala lang, kasi ano..."
"Anong nga?" Sandali itong natigilan at nanlaki ang mga mata.
"Wag mong sabihing...Hoy bakla!!!!!!!!!!!!"
Napatalip siya ng tenga sa lakas ng tili nito.
"Oh my goshhhhh, Gorge! Sinuko mo na ba ang bataan? Kaloka ka! Magkwento ka nga! Paano ka niya ni-rape ha?"
Hinampas niya ito sa braso. "Ano? Ang OA mo! Walang nangyareng ganon noh!" sabay iwas niya ng tingin para itago ang mamumula, I mean pamumutla.
"Weh? Talaga?" pang-aasar pa nito at sinundot ang tagliran niya.
Napabuntong hininga siya at mariing napapikit. "Pero muntikan na."
"O-em-geeeee kaaaaaaa! Sinasabi ko na ngaba bruha ka! May pagnanasa ka talaga dun sa gwapo mong boss! Ang lantod mo talaga!!!!!!"
"Anu ka ba Ritchi! Hindi totoo yan noh!" kontra niya sa paratang nito.
"Pero sino ba namang hindi?" bulong niya. Napa-aray nalang siya ng sabunutan siya nito.
"Ayan, edi umamin ka rin! Hay naku ka talagang babae ka!"
"Grabe ka na talaga Gorge alam mo hindi na kita ma-reach!" komento pa nito maya-maya.
Inungusan niya naman ito. "Ano bang pinagsasabi mo diyan? For sure pinagtatawanan na ako nun ngayon. Siguro nga ngayon hindi na yun nakatulog sa katatawa. In short pinaglalaruan lang ako ng batang 'yun!"
"Kung sabagay tama ka. Paano ka nga naman nun magustuhan e ang panget mo kaya."
Inirapan niya ito. Napaka supportive din talaga nitong kaibigan niya noh? Kahit sa pagsi-self pity niya ay full support din ito eh. Hay naku!
"Kaibigan ba talaga kita? Grabe ka magsalita ah."
"Nagsasabi lang ako ng totoo. Kesa naman sabihin kong ang ganda mo, mahirap na noh baka maniwala kapa." tawa-tawa ito pero kalauna'y sumeryoso din ang ekspresyon.
BINABASA MO ANG
Secret Pages [R-18] [Ongoing]
RomanceWARNING: MATURE CONTENT READ AT YOUR OWN RISK! Synopsis Every writer creates a fictional character based on the personality of the man/woman of their dreams. Pero anong gagawin ng isang frustrated writer na si Gorgeous kung sa totoong buhay ay makak...