PAGE 34

13 0 0
                                    


ᴘᴀɢᴇ | 34



SUNOD-sunod na mura ang lumabas sa bibig ni Trench kasabay na pagliparan ng mga papel sa ere.

"I told you to revise it, didn't I?" sigaw niya dahilan para mas lalong manginig sa takot ang babaeng nakatayo sa kanyang harapan.

"I'm sorry Mr. Smither I didn't able to—"

"You're fired!" singhal ni Trench sa babae pagkatapos ay umiiyak itong naglakad paalis sa opisina niya.

Hindi niya napigilan ang galit at binalibag niya sa pader ang kung anong nadampot niya mula sa kanyang desk. Marahas siyang napabuga ng hangin pagkatapos ay problemadong naitukod and siko sa mesa at napayuko.

Ilang minuto lang ay narinig niya ang pagbukas-sara ng pinto na sinundan ng tunog ng takong ng kung sinomang dumating.

Hindi na siya nag-abalang mag-angat ng ulo rito dahil alam niya na kung sino ang nag-iisang taong nakakalabas-masok sa kanyang opisina kahit hindi na tumawag sa kanya ang kanyang sekretarya. Ibinagsak nito sa harapan niya ang isang envelope.

"Sign it right away so we could process it immediately."

Mula sa envelope ay nag-angat siya ng tingin rito at bumungad sa kanya ang seryosong mukha ni Divonne.

"Are you really that excited to get rid of me?" 

Nakita niya itong ngumisi. "Come on, Trench. We both know our situation. Yes, type kita dati pero ayaw ko nang magpakatanga sayo. It's been three years of me being a dog na nakasunod lagi sayo. Pagod na 'kong habulin ka kasi alam kong kahit kelan hinding-hindi mo ibibigay sakin ang kailangan ko. You don't love me right? Tanggap ko na ngayon and I realized na mahal ko pa pala ang totoong ama ni Kael. And Kael need to meet his real father bago pa siya tuluyang magkaisip." mahabang litansya nito pagkatapos ay pagak na ngumiti at muling nagsalita.

"Thank you for everything you've done for us. I'm sorry cause I can't give you a child and I know you know what I mean with that. It's been three years, Trench! Tatlong taon na tayong sumusubok but until now you can't still make it! Why? What's wrong with me?... Or should I say, what's wrong with you?"

Nag-iwas siya ng tingin dito at walang ano-ano ay pinirmahan niya ang divorce papers na dinala nito.

Agad naman nitong kinuha iyon pagkatapos niyang pirmahan. "Thanks. Babalitaan nalang kita ng details about the divorce. Anyways, I already packed my belongings and by tomorrow our family driver will pick those things up from your house. Solo mo na ulit ang bahay mo ngayon. Have a good life, Trench,"  iyon lang ang sabi nito bago tumalikod at tuluyang umalis.


-----

KINAGABIHAN ay natagpuan niya nalang ang sarili na nagdadrive na papunta sa bahay ng mga magulang niya. Ang lugar na takbuhan niya sa tuwing may gumugulo sa utak niya at kailangan niya ng lugar para makapag-isip-isip.

Papasok pa lamang siya sa entrada ng mansyon pero ganun na lamang ang pagtataka niya nang makarinig siya ng batang umiiyak mula sa loob.

Nang tuluyan siyang makapasok ay nakita niya agad sa malawak na living room ang isa nilang kasambahay na may karga-kargang bata na sa tingin niya ay nasa tatlo o apat na taong gulang. Umiiyak ito habang pinapatahan ng kasambahay.

Agad na dumapo ang tingin niya sa kanyang ina na nakaupo sa couch at tila problemadong hinihilot ang noo.

Naglakad siya palapit rito at sakto namang pagbaba sa hagdan ng kanyang ama na galing sa ikalawang palapag ng mansyon.

"What brings you here? Nag-away na naman ba kayo ng asawa mo?" Hindi niya pinansin ang tanong nito at binalingan ang batang umiiyak parin at karga-kargang ngayon ng katulong.

Secret Pages [R-18] [Ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon