ᴘᴀɢᴇ | 4"ITIGIL mo 'tong kotse. Saan mo ba 'ko dadalhin?!" natatarantang sigaw ni Gorge habang pilit na binubuksan ang pinto ng umaandar na kotse.
Matapos siyang hilahin palabas sa restaurant ay pinasakay siya ng lalaki sa kotse nitong nakaparada sa tapat ng restaurant.
Masyado siyang tulala ng mga sandaling yun dahil sa nangyare at hindi niya namalayang kusa na pala siyang pumasok sa kotse nito at ngayon lang siya namalayan ang nangyayare kung kelan nasa kalagitnaan na sila ng kalsada.
"HOY!" sigaw niya sa lalaki. Busy parin ito sa pagmamaneho at seryoso lang na nakatingin sa kalsada. Hindi manlang ito natinag sa pagsigaw niya.
Pilit niyang kinakalas ang seatbelt na nakapulupot sa katawan niya pero hindi niya iyon matanggal. Pucha! Anong klaseng seatbelt ba 'tong nasa kotse nito?
Sa sobrang inis ay wala sa sariling inabot niya ang sapatos na suot at walang alinlangang binato ang lalaki sa tabi niya. Dahilan para bigla itong pumreno at salubong ang kilay na bumaling sa kanya.
Gustong matunaw ni Gorge ng mga sandaling iyon. Tang*na kasi. Bakit ang gwapo ng lalaking ‘to?
"Bababa ako, buksan mo yung pinto!" matapang niyang saad habang pilit na tinatago ang pamumula dahil sa klase ng pagkakatitig nito sa kanya.
Pero imbes na sundin ang sinabi niya ay muli lang nitong binaling ang tingin sa harap at pinaharurot ang kotse. Kung hindi lang dahil sa suot niyang seatbelt ay nasubsob na ang mukha niya sa dashboard. Mas lalo siyang nainis.
Kinuha niya ang isa niya pang sapatos at akmang ibabato ulit dito ng bigla nitong hawakan ang kamay niya, inagaw ang sapatos at ibinato sa backseat.
Ampucha!
Nanlaki ang mata niyang napatingin sa kamay nito na nakawak sa kanya.
"Hoy! Bitawan mo ko!"
"Shut up,”
"AAAAAAA!" eksahirada siyang nagtititili. Tingnan lang natin kung hindi pa siya nito ibaba.
"Tsk! Tigas ng ulo,"
Tinigil nito ang sasakyan at lumabas ng kotse.
Gustong magwala sa tuwa ni Gorge ng buksan nito ang pinto sa gilid niya saka dumukwang at tinaggal ang seatbelt niya.
Nang makawala sa seatbelt ay dali-dali siyang lumabas pero bago pa siya makatakbo palayo ay nabuhat na siya nito na parang sako.
"WAAAH! Ibaba mo ‘ ko! Kidnap! Tulong! Kinikidnap ako!" eskandalosa niyang sigaw samantalang humalakhak lang ang lalaki.
"Stop wiggling,” natatawa nitong saad sabay ng palo ang pwet niya. Nanlaki ang mata niya at mas lalong nagsisigaw.
"HWAAA! Manyak! Bakit mo ko pinalo sa pwet!" reklamo niya samantalang tawa lang ito ng tawa papasok sa pinto.
Pinto? Bahay? Kaninong bahay 'to? Nasaan ako?
Hindi niya na namalayan kong nasaan na sila dahil sa sobra niyang pag-iisip basta ang naramdaman niya nalang ay ang pagbagsak niya sa isang malambot na kama.
BINABASA MO ANG
Secret Pages [R-18] [Ongoing]
RomanceWARNING: MATURE CONTENT READ AT YOUR OWN RISK! Synopsis Every writer creates a fictional character based on the personality of the man/woman of their dreams. Pero anong gagawin ng isang frustrated writer na si Gorgeous kung sa totoong buhay ay makak...