ᴘᴀɢᴇ | 11"SH*T! Why are you crying?"
Kumuha siya ng tissue at ibinuga niya ang sipong bumara sa kanyang ilong saka nagpatuloy ulit sa paghikbi. "Eh kasi..."
"May masakit ba sayo? F*ck it, Gorge! Magsalita ka!"
"N-namatay nga k-kasi yung bidang lalaki dito sa librong binabasa ko!" putol-putol niyang sabi sa gitna ng paghikbi.
Trench sighed in relief. "F*ck that! Akala ko naman kung ano na. Don't cry over those stupid book, okay? Hindi naman totoo 'yan. Sh*ts lang yan ng mga writers."
Biglang kumulo ang dugo ni Gorge sa sinabi nito. Marahas niyang pinunasan ang mga luha niya sa pisngi at tinitigan ito ng masama. "Anong sabi mo? Anong sh*ts ha?"
"Oh, sorry I forgot writer ka rin pala,” sabay tawa nito na mas lalong ikinarita niya.
Napakuyom siya ng kamao. "Sh*ts pala ha. Kaya mo ba pinagpupunit yung mga folders namin 'nong Final Screening?"
Natatawang umupo sa katapat niyang upuan ang binata.
"Anong nakakatawa?” asik niya dito.
"Nothing. Naalala ko lang ang reaction mo that time, parang maiihi kana sa takot e."
Letse!
"Bakit mo kasi pinagpupunit yung mga printed draft namin?"
Nagkibit balikat lang ito. "Trip ko lang. Gusto ko lang makita ang reaction niyo."
Mapakla nalang siyang napangiti sa sinabi nito. "Hindi mo ba alam kung gaano kaimportante para sa isang writer ang estorya nila? Hindi mo alam kung anong hirap at pagod ang pinagdadaanan namin matapos lang ang estoryang sinusulat namin. Dugo't pawis ang inaalay namin sa bawat akda namin tapos pupunitin mo lang yun? Isang napakalaking insulto yun saming mga writer, Trench. Hindi mo lang tinapakan ang pride namin kundi tinapakan mo narin ang buo naming pagkatao."
Nakita niya namang biglang lumambot ang ekspresyon ng binata at malamlam ang mga matang tumitig sa kanya. "I'm sorry," usal nito pero hindi niya na ito nagawang lingunin dahil naagaw ang atensyon nilang dalawa sa biglang pagbukas ng pinto at iniluwa si Charles.
"Sir Trench. Pinapatawag kayo ng mommy niyo sa main office."
Agad namang tumayo si Trench at sumunod sa lalaki palabas ng office.
Naiwan sa kinaupuan si Gorge at napatitig nalang sa mga librong nakasalansan sa opisina ni Trench. Iyon mga librong naipublished ng kompanya nila at ngayon ay kabilang sa Top 10 Best Selling Books in Asia.
Hindi niya mapigilang mapabuntong hininga sa isiping sa isang publishing company na nga siya nagtatrabaho ngayon pero hindi naman bilang isang writer kundi bilang secretary ng semi abnormal niyang amo. Hay! Matutupad niya pa kaya ang pangarap niyang maging isang published writer?
Akmang tatayo na siya ng biglang tumunog ang kanyang cellphone na nasa ibabaw ng lamesa. Agad niya iyong binuksan at binasa ang mensahe na galing sa kaibigan niyang si Ritchi.
From: Ritchi d' horsie
- Kita tayo sa milktea shop, may sasabihin ako sayo. Importante.Bigla siyang kinabahan sa text nito. Ano kayang importante ang sasabihin nito at tila seryoso ito sa text? Hindi manlang ito gumamit ng emoji na madalas nitong gawin sa tuwing nagt-text sa kanya.
Bakit kaya?
Agad na kumilos ang mga daliri niya para magtipa ng reply.
Gorjas Dangerous:
Anong nangyare? Sabihin mo nalang ngayon. Alas singko pa ako makakalabas dito sa kompanya.
BINABASA MO ANG
Secret Pages [R-18] [Ongoing]
RomanceWARNING: MATURE CONTENT READ AT YOUR OWN RISK! Synopsis Every writer creates a fictional character based on the personality of the man/woman of their dreams. Pero anong gagawin ng isang frustrated writer na si Gorgeous kung sa totoong buhay ay makak...