»»»»--- PAGE 2 ---««««"I JUST have two questions and one proposal to you, Ms. Mapanganib. Now, would you hear me out?"
Nakatulala lang si Gorge sa harapan ng lalaki. Wala siya sa sarili. Ni hindi niya nga masyadong narinig at naintindihan ang sinasabi nito.
She's still with this man, Mr. Gregorio Smither, the CEO of MCA Publishing na ama pala ng abnong lalaking iyon.
Kanina ng niyayapos siya nung abnong lalaki ay bigla nalang may nagsipasukang apat na lalaking pulos naka-black tux at naka earpiece na mistulang mga bodyguards. Sapilitang tinanggal ng mga ito ang pagkakayapos ng lalaki sa kanya at kinaladkad ito pinalabas ng silid. Natulala siya sa kawalan matapos ang senaryong iyon. At hanggang ngayon ay ito siya at wala parin sa sarili.
"Ms. Mapanganib?"
"Hello? Ms. Mapanganib?"
Tila doon lang siya natauhan at napa-ayos siya ng upo.
"Sir?"
"You're spacing out again. You must be shock on what happened," saad nito.
Gusto niya tuloy itong singhalan.
Obvious ba? Sino ba naman kasing hindi ma-s-shock sa nangyayare?
"Actually...my son has this rare condition,” anito.
Agad namang nakuha ang atensiyon niya sa sinabi nito.
Anong kondisyon yun? Baliw ho ba ang anak ninyo? May sira ho ba siya sa utak?
Gusto niya sanang itanong pero pinigilan niya ang sarili. Mahirap na, baka kasi isipin nito na iniinsulto niya ang anak nito. Idemanda pa siya. Mukha pa naman itong madatong at nasisiguro niya ring maimpluwensiya itong tao gaya ng ibang mga businessmen na nakikita niya sa diyaryo.
"He's sick, and that illness is somewhat rare. Wala iyong lunas,” pagpapatuloy ng nito na mas lalong ikinakunot ng noo niya.
"Pabago-bago ang mood niya. Madali siyang naaadik sa isang bagay, at madali rin siyang magsawa. Sobra agresibo niya pag nagagalit. Madalas niya ring saktan ang sarili niya physically, he's a masochist. He's a bipolar. Meron siyang kondisyon na tinatawag na 'Emotion-Management Issues',”
Tumango-tango si Gorge. “Naiintindihan ko na po ang kalagayan niya Sir pero ang hindi ko ho maintindihan ay kung bakit niyo po sinasabi sakin ang lahat ng yan. At bakit ho ba talaga ako nandito?" puno ng pagtataka niyang tanong.
Tinitigan lang siya ng lalaki saka nito sinadal ang likod sa swivel chair. "Like I said earlier. I have two questions and one proposal for you,”
Proposal? Biglang nagliwanag ang mukha ni Gorge. Nakosensiya siguro ito sa pinaggagagawa ng anak niya kahapon kaya bumabawi ngayon. Ito na siguro yung totoong interview. Pero bakit siya lang mag-isa ang nandito? Nasaan yung ibang writers na kasama niya kahapon?
Ipinilig niya ang ulo para tumigil na sa pag-iisip. Selfish na kung selfish pero hindi niya na muna iisipin sa ngayon ang iba, ang mahalaga ngayon ay magkatrabaho siya cause she badly needs a job right now!
"U—Uhm... Ano ho ‘yong questions niyo?" aniya.
Kinakabahan siya. Sana naman hindi mahirap ang itanong nito.
BINABASA MO ANG
Secret Pages [R-18] [Ongoing]
RomanceWARNING: MATURE CONTENT READ AT YOUR OWN RISK! Synopsis Every writer creates a fictional character based on the personality of the man/woman of their dreams. Pero anong gagawin ng isang frustrated writer na si Gorgeous kung sa totoong buhay ay makak...