ᴘᴀɢᴇ | 7"BRUHA ka! Sigurado ka ba talagang ito yung bahay ang pinapagamit sayo ng bago mong amo?"
Halos malaglag ang panga ng bakla habang pinapalibot ang tingin sa paligid.
"Grabe, Gorge! Para kang nanalo ng jackpot prize sa lotto! Tibatiba pala yan kung mamigay ng benipisyo! Anong klaseng trabaho ba yan? Gusto ko ring mag-apply!! Ipasok mo rin ako!"
Umikot nalang ang mga mata ni Gorge sa mga sinabi ng kaibigang si Ritchi.
Naroon sila ngayon sa bahay na pinagamit sa kanya ng kanyang ni Mr. Gregorio Smither bilang parte nga raw ng mga benipisyo na matatanggap niya sa pagpirma niya ng kontrata bilang ’personal friend’ ng anak nito.
Oo si Mr. Gregorio Smither ang nagbigay ng mga ito sa kanya. At gaya nga ng sabi ng kaibigan ay para nga siyang nanalo sa loto. Hindi lang kasi iyon isang simpleng condo unit o apartment kundi isang napakagandang bahay na may sariling swimming pool, garage at malawak na garden.
"OMG! Wag mong sabihing sayo din itong brandnew Mercedes-Benz dito?!" puna ni Ritchi ng mapadaan sila sa garage kung saan naroon nga ang isang brandnew at mamahaling sasakyan na kulay puti.
Tumango nalang siya.
Bukod sa bahay ay binigyan rin siya ng sarili niyang kotse na magagamit daw niya para sa pagpunta niya sa bahay ni Trench. Pero ang tanong, marunong ba siyang mag-drive?
"Nakakaloka! Anong klaseng trabaho ba yang inapplayan mo ha? Mafia boss ba yang amo mo? Pinagbibenta kaba niya ng drugs?! Ganon kana ba talaga ka desperada sa buhay Gorge? Alam kong kailangan mo ng pera pero wag mo namang sirain ang buhay mo Gorge! OMG! Hindi ko mapapatawad ang sarili ko pag may mangyareng masama sayo! Sinasabi ko sayo hinding-hindi kita dadalawin sa presinto pag makulong ka!" eksaherasa itong humagulgol kaya binatukan niya.
"Aray! Nagmamalasakit lang naman ako sayo bakit ka naman nananakit diyan ha?" asik nito habang hinihimas ang ulo.
"Gaga ka kasi kung ano-ano yang pinagsasabi mo! Anong akala mo sakin kriminal? Desperada ako pero kahit kelan hinding-hindi ako magbebenta ng drugs ‘no!"
"Eh paano mo nga ipapaliwanag ang mga 'to, aber? Shocks! Sobra-sobra to Gorge! Ika nga nila 'It's too good to be true!'"
Napatango siya sa sinabi ng kaibigan. May punto naman kasi ito. Kung iisipin ay talagang sobra sobra na nga ito para lang sa isang ...ano nga bang trabaho niya? Katulong bang maituturing ang paging personal friend? Sa trabaho niya kasi parang sinasamahan at binabantayan niya lang naman si Trench. Yaya ba yun kung maituturing? Hay ewan.
Sa una ay akala niya ay nagbibiro lang si Mr. Gregorio Smither sa mga sinabi nito pero gaya ni Ritchi ay nashock nalang rin siya ng makitang totoo ang mga pinagsasabi nitong mga benipisyo na matatanggap niya sa oras na tanggapin niya ang alok nito na maging personal friend ng anak nito. Pero dahil narin sa mga bagay na binigay nito ay mas lalong nadagdagan ang pag-aalala niya sa kung anong klaseng trabaho ba talaga tong pinasok niya.
"Ano? Sasabihin mo na ba sakin kung ano talaga 'yang trabaho mo?"
"Ano.. ahm..ano kasi, ahm...yaya ako ng anak isang mayamang businessman. Oo ganon!", yun nalang ang nasabi niya.
BINABASA MO ANG
Secret Pages [R-18] [Ongoing]
RomanceWARNING: MATURE CONTENT READ AT YOUR OWN RISK! Synopsis Every writer creates a fictional character based on the personality of the man/woman of their dreams. Pero anong gagawin ng isang frustrated writer na si Gorgeous kung sa totoong buhay ay makak...