PAGE 19

29 2 1
                                    


ᴘᴀɢᴇ | 19



"MAY problema ba? Kamusta si Trench?" sunod-sunod na tanong ni Mr. Gregorio Smither na ngayon ay nakaupo sa hospital bed.

Na-confine pala ito at kasalukuyang nanatili sa isang VIP room ng isang prestihiyosong ospital sa bansa.

"Idineklara niya akong girlfriend niya at..." she paused. Nilunok niya ang nakabara sa lalamunan niya bago nagpatuloy....

"...may nangyare sa amin,” walang takot niyang sumbong rito.

Pero ganun na lamang ang pagtataka niya ng hindi manlang nagbago ang ekspresyon ng mukha ng lalaki.

"Bakit parang hindi kayo nagulat?"

Tumikhim ang ito at saka tumayo mula sa kama saka humarap sa bintana kung saan kita ang over looking view ng ospital.

"What's so shocking about it? Once you became his 'personal friend' you automatically became his girlfriend. Personal friend and girlfriend for Trench are just the same, Gorge,” anito ng hindi lumilingon sa kanya.

Napatayo siya mula sa kinauupuan at hindi makapaniwalang napatitig sa nakatalikod nitong bulto.

"Ano? Kung ganon simula palang ay jowa na talaga ang tingin sakin ni Trench? Bakit hindi niyo manlang sinabi sakin?!"

Lumingon ito sa kanya ng nakakunot ang noo. "I told you to read the contract carefully, but I guess you didn't."

Napakuyom siya ng kamao at mabibigat ang paghinga na tumitig dito. "Ayoko na po. Gusto ko nang i-terminate ang kontrata,” tiim bagang niyang saad.

Kagabi ay may nangyare na naman sa kanila. It was already the second time of them had sex. No scratch that. Not just a second time kasi ilang beses siya nitong inangkin kagabi.

Naguguluhan na siya sa mga nangyayare. Akala niya ba after ng isang sex ay game over na? Bakit pa iyon naulit ng ilang beses?

Pero sisiguraduhin niyang last na talaga iyon dahil magreresign na siya bilang 'personal friend' nito!

Tinitigan siya nito ng diretso bago bumalik sa pagkakaupo sa kama habang nakatitig parin sa kanya.

"Nag request kang i-revise ang kontrata last month and I allow you to do it. Now, you want to terminate it? Hindi pwede."

Napabuga siya ng hangin at hindi makapaniwalang napatitig dito. "At bakit hindi? Hindi purket may kontrata tayo ay nawalan na ako ng karapatang magdesisyon para sa sarili ko!" himutok niya.

"Nakakalimutan mo na bang nakasaad din sa kontrata natin na hindi mo iiwan si Trench until he get rid of you himself? Sa ngayon ay kailangan mo muna siyang sabayan. Just go with the flow, Ms. Mapanganib and everything will be good."

Napahilamos siya ng mukha sa sinabi nito. "Nababaliw na ba talaga kayo? Ayoko nang maging laruan ng anak niyo! Isa pa, paano kung..."

Huminga siya ng malalim bago nagpatuloy sa pagsasalita.

"Paano kung mainlove ako kay Trench along the process? Anong mangyayare sakin? Hindi ba ako din ang kawawa? Kaya please hayaan niyo na akong umalis!"

"What's the problem with that? Much better kung mangyayare nga yang iniisip mo nang sa ganon ay hindi kana mapilitang pakisamahan siya."

"Ano? Kung ganon okay lang sa inyo na mangyare 'yon? Nakikita niyo ba ang itsura ko? Okay lang sa inyo na magkaroon ng panget na girlfriend ang anak niyo?"

"Listen, Ms. Mapanganib. Wala akong pakialam kung ano mang maging kahinatnan ninyong dalawa ni Trench. Ang gusto ko lang ay gumaling siya sa sakit niya. I don't care kung sinong babae ang gusto niyang makasama as long as magiging okay siya. Kung sino man ang babaeng magpapagaling sa kanya ay buong puso kong tatanggapin. And based on what I observed, hindi na siya masyadong sinusumpong ng EMI at anger issues niya simula ng makasama ka niya. You're his best therapy so please don't ruin it? Don't ruin his happiness. Babayaran kita kahit magkano wag mo lang iwan ang anak ko."

Secret Pages [R-18] [Ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon