ᴘᴀɢᴇ | 9“TWO hundred fifty pesos para sa pamasahe ko sa taxi," bungan na sambit ni Gorge kay Trench na ngayon ay kalalabas lang ng kwarto nito at medyo magulo pa ang buhok dahil kakagising lang.
“Tss. Fine,” tila baliwa namang sagot ng binata at tuloy-tuloy na naglakad papunta sa living room.
Samantalang nakabuntot parin si Gorge sa likod nito habang naglalakad.
“Plus one hundred pesos para sa pagpunta ko dito ng maaga, one hundred fifty pesos para sa pagliligpit ko sa kwarto mo at ninety pesos para sa pagluto ko ng breakfast mo kanina. So all in all, one thousand pesos na lahat ang nasa listahan ko na babayaran mo mamaya,” sunod-sunod niyang sabi.
She was Trench brushed up his messy hair before turning his gaze at her.
Hindi niya maiwasang mapangaga dahil ang hot nitong tingnan kahit kakagising lang.
Nabalik naman siya sa ulirat ng magsalita ito.
"Whatever. Just go to my room and encode these. I need both the soft copy and hard copy by tomorrow kasi bukas na ang deadline niyan. Malalagot ako sa professor ko pag di ako napapagsubmit bukas,” kunot noo nitong sabi.
Napatingin naman si Gorge sa sinasabi nitong eeencode daw.
"Ang dami naman nito, one thousand pesos to ha?"
"Aish, fine fine. Just do it. Now!"
Isang linggo na simula ng mag-umpisa si siyang magtrabaho bilang personal friend ni Trench, at sa loob ng isang linggo ay nagdemand siyang magrevise sila ng contract. Pumayag naman ito.
Effective parin 30K monthly salary niya bilang personal friend nito pero may idenemmand siyang bagong kondiyon sa kontrata at iyon na nga ang separate payments sa bawat inuutos nito sa kanya.
It's pretty obvious na sobrang pang-aabuso ang ginagawa niya rito at sinasadya niya talagang abusuhin ito.
Oo! Gusto niyang i-test ang lalaki kung hanggang saan ito tatagal. Gusto niyang ito mismo ang sumuko at magsesante sa kanya.
Well honestly, she badly needs the job. Inaamin niya iyon. Hipokrita din siya kung matatawag dahil kung tutuusin ay sobrang swerte niya na sa trabaho niya ngayon kasi bukod sa sobrang laki ng sweldo ay hindi pa masyadong mahirap ang ginagawa niya.
At bukod sa pera ay sobrang dami pa ng benefits na nakukuha niya. Nariyan ang bahay niya at may bunos pang brand new car yun ngalang ay nakatambay lang sa garahe dahil hindi naman siya marunong magdrive. Ika nga, siksik, liglig at umaapaw na ang blessings niya ngayon.
At iyon ang lubos niyang kinababahala.
Gusto niyang malaman kung ano ba talaga ang totoong pakay ng mag-amang ito sa kanya at nagagawa nitong magwaldas ng ganito kalaking pera sa kanya para lang siya pumayag na maging personal friend kuno ni Trench.
Kaya ngayon ay kung ano-anong kalokohan tuloy ang naiisip niya para mapaamin ang mga ito. Hindi naman ito nagreklamo sa mga obvious na obvious niyang pang-aabuso rito na lubos niya ring ipinagtataka.
So far ay hindi pa naman siya nakaranas ng pisikal na pananakit o kung ano man mula rito. Pwera ngalang sa mga pang-aasar nito at sa bibig nitong puro kahalayan lagi ang lumalabas.
Gayunpaman, hanggang ngayon ay hindi niya parin maiwasang mag-alala sa mga pwede nitong gawin giving the fact that Trench has a 'certain condition' daw.
Baka mamaya sumpungin ito habang kasama niya at bigla nalang siyang sakalin o di kaya'y sasakin ng kutsilyo o kung ano man. Hindi niya iniisip na baliw ito pero dahil narin sa katutuhanang may sakit itong konektado sa utak ay hindi malabong may gawin itong ganoon.
BINABASA MO ANG
Secret Pages [R-18] [Ongoing]
RomanceWARNING: MATURE CONTENT READ AT YOUR OWN RISK! Synopsis Every writer creates a fictional character based on the personality of the man/woman of their dreams. Pero anong gagawin ng isang frustrated writer na si Gorgeous kung sa totoong buhay ay makak...