PAGE 14

30 1 0
                                    


ᴘᴀɢᴇ | 14



"BE ready for tomorrow, may pupuntahan tayo."

"Ha?"

"Ang sabi ko maghanda ka bukas kasi may pupuntahan tayo."

Napairap si Gorgeous sa sinabi ng binata. Hindi na nito kailangan i-translate iyon sa tagalog. Hindi naman siya bobo para hindi makaintindi ng English noh. Ang ibig niyang sabihin sa 'Ha' niya ay kung ano ang sinasabi nitong pupuntahan nila.

"Ang ibig kong sabihin, anong sinasabi mong may pupuntahan tayo? Saan tayo pupunta? At bakit kasama ako?" sabay turo niya sa sarili.

"I have a business trip to attend tomorrow, I need my secretary there," simple naman nitong sagot.

"Kailangan ba talagang kasama ako? Hindi ako pwede bukas!" pagpapalusot niya. Sa totoo lang ay bigla siyang kinabahan sa ideyang yun. Sa isipin palang na kasama niya ito sa opisina maghapon ay halos hindi niya na kayanin. Paano pa kaya kung magtravel siya na kasama ito? Baka hindi na siya makapagpigil.

"At bakit hindi? We had a contract. Sasamahan mo ko sa lahat ng pupuntahan ko. At bilang secretary ko ngayon ay trabaho mong samahan din ako sa kahit saang business trips na pupuntahan ko. No buts, just do what I say,” pinal na saad nito bago siya talikuran.

Napabuga siya ng hangin habang nakatanaw sa bulto nitong papalayo.

Matapos ang ginawa nitong pag-molestiya sa labi niya kahapon at pagmamakaawang makaisa kagabi ay ito pa ang may ganang magalit ngayon? Aba nama'y matindi!

Simula pa kasi kanina pagkarating na pagkarating nito sa opisina ay salubong na ang kilay nito at tila masama ang timpla. Hindi niya alam kung dala lang iyon ng lagnat nito kagabi o ano.

Nang magising siya kaninang umaga ay wala na ito sa bahay niya. Hindi niya alam kung magaling na ba talaga ito ngayon o pinilit lang nitong pumasok?

Ang kaso ay hindi niya rin ito magawang tanungin tungkol doon dahil sa tuwing magtatangka siyang makipagusap dito ay kung hindi ito nakasinghal ay nakasigaw naman. At walang humpay din kung makapag-utos.

Para itong sinapian ng kung anong espirito. Hindi nalang siya nagreklamo dahil naiisip niya na baka inaatake lang ito ng sinasabi nitong kondisyon tungkol sa matindi nitong moodswings. Baka mamaya kapag lalo itong magalit ay baka kung ano na naman ang gawin nito sa kanya.



-----

KINABUKASAN ay maagang nagising si Gorge. Nakahanda na rin ang gamit na dadalhin niya sa business trip. Agad siyang lumabas ng bahay ng marinig ang busina ng sasakyan ni Trench sa nakaparada ngayon sa tapat ng bahay niya.

"Where's your stuffs? Nasaan ang maleta mo?"

"Maleta? Kailangan pa ba 'nun? Backpack lang 'tong dala ko."

"Seriously, Gorge? Business Trip ang pupuntahan natin. Hindi tayo basta mag-ha-hiking lang para magdala ka lang ng backpack. Nevermind. Doon nalang natin problemahin niyan. Malalate na tayo. We need to go. Sakay na."

"Ha?"

"I said hop in!"

Tumalima siya sa sinabi nito at nang tuluyan siyang makapasok ay agad naman nitong pinausad ang sasakyan.

Pinagkrus ni Gorge ang kanyang braso at napairap nalang sa binata. Ano bang malay niya sa business trip, business trip na yan? Hindi niya rin naman alam kung saang lugar iyong pupuntahan nila at bakit kailangan pang magdala ng maleta?

Huminga siya ng malalim at bahagyang inayos ang upo. Saka naman tumunog ang cellphone niyang nasa bulsa.

From: Miss Moi
Maghihintay lang ako hanggang sabado para sa final draft mo. Make sure to revise those parts I told you to and present me a better version by saturday. Kapag hindi mo nagawa, mahahanap na ko ng ibang writer. Good luck.

Secret Pages [R-18] [Ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon