PAGE 35

11 1 0
                                    


ᴘᴀɢᴇ | 35


"NASAAN si Iñaki? Saan niyo siya dinala?" Hindi mapigilan ni Gorge na sigawan ang kaharap niya. It's been two days since this man kidnapped her son pero hindi niya magawang magreport sa police dahil alam niyang mas mauungkat ang lahat at malalaman nito ang totoo.

"Wag kang mag-alala kasi maayos ang kalagayan niya. Inaalagaan namin siya ng mabuti sa mansyon," anito habang seryosong nakatitig sa kanya.

"Ibalik niyo na siya sa'kin, Mr. Smither. Nakikiusap ako sa inyo," she begged. Nakita niya namang bumuntong hininga ang lalaki bago siya tinitigan ng mariin.

"Gaya ng sabi ko sayo Gorge, pagusapan natin to ng maayos at hindi na natin kailangang umabot pa sa korte."

"Si Iñaki nalang ang meron ako. Please wag niyo na siyang kunin sakin. Nakikiusap ako sa inyo. Ibalik niyo na sa'kin si Iñaki!" Tuluyan na siyang naiyak samantalang isang malalim na buntong hininga ulit ang pinakawalan ng lalaki.

"Hindi ko naman planong kukunin sayo ang custody ng bata, Gorge. Ang gusto ko lang naman ay bigyan mo kami ng pagkakataon para makasama siya, supportahan siya at hayaan na ang apelyido namin ang gamitin niya. Iyon lang ang hinihingi namin ni Kristina sayo, Gorge. Wala nang iba pa. Gusto ko lang makabawi sa apo ko at gusto ko ring makabawi sayo sa mga panahong kinailangan mong palakihin ng mag-isa si Iñaki," mahabang litansya nito bago kinuha ang isang envelope at inilapag sa harapan niya.

"If you want we could have another contract,"

Marahas niyang dinampot ang envelope at pinunit iyon sa harapan nito pagkatapos ay mariing tinitigan ang lalaki.

"Hindi na ho natin kailangan ng kontrata. Sige! Pumapayag na ako sa gusto niyo kaya ibalik niyo na sa'kin ang anak ko!"

-----

"MAMA!" agad na dumamba ng yakap sa kanya si Iñaki ng makita siya nitong papasok sa entrada ng mansyon ng mga Smither.

"Ang baby ko..Uuwi na tayo baby..."

"Really? Yehey!!!" Bahagya siyang natawa ng makitang tuwang-tuwa ang paslit at excited na uuwi na sila. Agad niya itong kinarga at akmang lalabas na siya ng pinto ng makasalubong niya si Mr ang Mrs. Smither.

"Gorge. Tandaan mo ang usapan natin."

Hindi siya nagsalita at tanging tango lang ang naging sagot niya sa mga ito bago siya tumalikod at ipinagpatuloy na ang paglalakad.

Palabas ng gate ng bigla siyang natigilan ng may pumaradang sasakyan sa tapat niya. Agad na binundol ng matinding kaba ang dibdib niya ng bumaba mula sa kotse si Trench.

May kakaibang saya ang sumibol sa puso niya. Gusto niya ring maiyak. Sa loob ng apat na taon ay ngayon lang niya ulit ito nakita.

But then a sad smile crept on her lips when she met his eyes. Mga matang dati ay may kakaibang kislap habang nakatitig sa kanya. Ngayon, sa mga matang iyon ay isa na lamang siyang hamak na estranghero.

Nilampasan siya nito at saka naman siya bumalik sa ulirat.

'Tumigil ka Gorge! Hindi na siya ang Trench na minahal mo dati. Ibang tao na siya ngayon!' piping bulong niya sa isipan bago ipinagpatuloy ang paglalakad papunta sa kotse niya at doon ipinasakay niya Iñaki at tuluyan na silang umalis sa lugar na iyon.

Secret Pages [R-18] [Ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon