ᴘᴀɢᴇ | 1"I'M sleepy..."
Nakanguso at tila parang batang sabi ng lalaking nakahiga ngayon sa kandungan niya at mas lalo pa nitong hinigpitan ang pagkakayakap sa bewang niya.
She blinked her eyes countless times making sure kung totoo ba ang nanyayare o naghahallucinate lang siya.
Pero kahit anong gawin niyang pagkurap ay wala paring nagbabago. Nakikita parin niya ang lalaki na ngayon ay nakahiga sa parin kandungan niya.
Realization hits her at bigla nalang siyang napatayo dahilan para mahulog sa sahig ang lalaki.
"Ouch! Bakit ka tumayo?" hindi makapaniwalang tanong nito sa kanya habang hinihimas ang ulong nasaktan.
"Pervert!" nahihindik na akusa niya rito.
Bigla naman itong natigilan at ... nanubig ang mga mata? Then seconds later, a teardrop scaped from his hypnotic eyes. Mas lalong sinalakay ng pagkalito si Gorge.
Napasinghap nalang siya ng muli siya nitong tinulak paupo at walang seresermonyang nahiga ulit sa kandungan niya. This time, mas lalo nitong hingipitan ang yakap sa bewang niya dahilan pa hindi na sya makatayo pa.
Nagpupumilit parin siyang tumayo ng biglang pumasok ang isang lalaking naka all-black suit at may suot na earpiece. Tinayo nito yung lalaki mula sa pagkakahiga sa kandungan niya at inilayo mula sa kanya.
"Let me go, Charles!" saad ng lalaki habang nagpupumiglas.
"Miss, umalis kana, pakiusap," sabi nung lalaking nagngangalang Charles.
Naguguluhan man ay napatango nalang si Gorge at mabilis pa sa alas kwatro'ng nilisan ang silid.
Ilang minuto ang lumipas ay siya namang pagdating ng isang middle aged woman sa opisina.
"Nasaan si Trench?" nag-aalalang tanong ng humahangos na si Mrs. Smither kay Charles na isa sa mga bodyguards ng kanyang anak.
"Nasa office po siya Mrs. Smither," magalang na sagot naman ng lalaki.
"Ano ba kasing nagyare? Bakit nandito si Trench?"
"Nalingat po ako sandali hindi ko inakalang pupunta siya dito sa kompanya. Pumunta siya sa office ni Mr. Smither kanina habang nasa urgent meeting ito at sinabi raw sa mga staff na siya nalang daw ang mag-iinterview sa mga writers at wala nang ngang nagawa pa ang mga staff."
"So, how's the interview?"
Charles nodded. "Pinagpupupunit niya po yung mga libro ng mga writers na pumunta rito kanina.", anito.
"Oh my God!" natuptop ng ginang ang sariling bibig saka binalingan ang asawang ngayon ay humahangos na tumatakbo papunta sa direksiyon niya.
"What happened Kristina? What brings you here?" kunot-noong tanong ng lalaki ng tuluyan itong makalapit.
"Gregorio andito ang anak natin,"
Ganon na lamang ang panlalaki ng mata ng lalaki. "What?!"
Pagkatapos ay lakad takbo nilang tinungo ang daan papunta sa opisina.
BINABASA MO ANG
Secret Pages [R-18] [Ongoing]
RomanceWARNING: MATURE CONTENT READ AT YOUR OWN RISK! Synopsis Every writer creates a fictional character based on the personality of the man/woman of their dreams. Pero anong gagawin ng isang frustrated writer na si Gorgeous kung sa totoong buhay ay makak...