ᴘᴀɢᴇ | 16
"PARANG may nag-iba sayo."Kumunot ang noo niya sa sinabi ni Ritchi.
"Ano bang pinagsasabi mo?"
"Anong ginawa mo sa Venice ha? Nagparetoke ka ba 'don?" paratang nito na ikinalaki ng mata niya.
"Baliw! Anong nagparetoke?"
"Para kasing nag-iba ang awra mo bigla e. Sabihin mo nga nag-rerejuv kana ba ngayon? Anong pampa-ganda ang gamit mo ha? Kakaiba ang glow ng skin mo ngayon bruha!"
Bigla siyang natigilan sa sinabi nito at wala sa sariling kinapa sa pisngi niya.
Pagkatapos ay naiilang siyang nag-iwas ng tingin kay Ritchi.
"Seryoso bruha ang blooming mo ngayon!"
'Hindi ako nagrerejuv, nadiligan lang ako!' piping sigaw niya sa isipan at agad niya namang natampal ang sarili.
Bahagya siyang tumikhim bago binalingan ng tingin ang kaharap. "Ritchi, may sasabihin ako sayo. Wag kang mabibigla ha?"
Kumunot ang noo ng bakla na sinundan ng panlalaki ng mata. "OMG ka! Anu yun? Wag mo kong pinapakaba sabihin mo na agad yan!"
Muli siyang napatikhim bago nagpatuloy ulit sa pagsasalita. "May nangyare samin ni Trench,” ura-urada niyang sabi.
Nakita niya kung paano ito natigilan at napatanga sa harap niya.
Pero ilang segundo lang ay napatakip ito ng bibig bago siya hinawakan sa balikat.
"OMG!!!!!! MAY NANGYARE SA INYO?!"
Agad na dumapo ang kamay niya sa bibig nito para takpan iyon.
Pinanlakihan niya ito ng mata. "Bruha ka! Wag ka ngang sumigaw baka may makarinig sayo!!!"
Nasa isang village ang bahay niya at malayo ang distansiya ng mga kapitbahay pero kung makasigaw naman kasi ito daig pa ang may megaphone na nagbabandilyo.
"Omggggg ka, Gorge!!!! Sinuko mo na ang bataan! At talagang sa Venice pa! Ang sosyal naman niyang pempem mo grabe!!!"
Nag-iwas ng tingin dito at napalabi. "Hindi ko naman sinadya..." anas niya.
'Hindi nga ba?' tukso ng kabilang sulok ng utak niya na ikinarita niya. Tang*na.
"Anong hindi sinadya? Naku! Wag ako, Gorge! Pero kumusta? Anong pakiramdam na makasama sa kama ang isang hot at poging katulad ni Trench Alpha Smither? Magaling ba siya? OMG! Malaki ba? Anu?? Magkwento ka bruha!"
Bigla siyang pinamulahan sa mga sinabi nito. Pero sa loob loob niya ay hindi niya rin maiwasang mapangisi! 'Pucha! Oo big boy ang alaga ni Trench!' pipi niyang sigaw sa isipan pero kalauna'y binatukan niya rin ang sarili.
"Tumigil ka nga! Wala akong ikukwento noh,” asik niya at na hindi parin makatingin kay Ritchi.
"Ang damot mo!!!! Parang kwento lang e. Pero paano na yan? Ano nang gagawin mo ngayon ha?"
Tila naging wake up call naman sa kanya ang tanong nitong iyon.
Bagsak ang balikat niyang humugot ng malalim na buntong hininga. "Ano pa ba? Edi magreresign na,” nanghihinang usal niya nang hindi parin lumilingon rito.
"ANO????! At ngayon ka pa talaga magreresign kung kelan nawasak na yang bataan mo? Talaga bang sukdulan na yang kagagahan mo Gorge?" singhal nito.
Napabuga siya ng hangin at saka hinarap ang kaibigan. "Oo na. Oo na. Gaga na ako kung gaga! Pero ano pa bang magagawa ko? Kahit naman hindi ako magresign ay tatanggalin niya rin naman ako kasi nakuha niya na ang gusto niya sakin!"
BINABASA MO ANG
Secret Pages [R-18] [Ongoing]
RomanceWARNING: MATURE CONTENT READ AT YOUR OWN RISK! Synopsis Every writer creates a fictional character based on the personality of the man/woman of their dreams. Pero anong gagawin ng isang frustrated writer na si Gorgeous kung sa totoong buhay ay makak...