PAGE 30

10 1 0
                                    


ᴘᴀɢᴇ | 30



FOUR YEARS LATER...






BREAKING NEWS:

"The truth behind the Smither's future successor, Kael Smither."

| Kael is not a biological son of Smither Interprises and MCA Publishing's current CEO, Trench Alpha Smither. The child's DNA test results has been released and based on the results, it has been proved that Kael is not a Smither by blood. Mr. Trench Alpha Smither haven't release a complete statement about this issue yet and it will...|




MARAHAS na ibinato ni Gregorio ang remote matapos makita ang balita sa TV. Pabalikbalik siyang naglalakad sa harap ng kanyang study table at problemadong hinilot ang noo.

Maya-maya'y bumukas ang pinto at pumasok ang asawa niyang si Kristina kasama ang kanilang anak at ang magaling nitong asawa.

"Ang tagal mo kaming niloko! Hindi pala si Trench ang ama ng batang iyon!" marahas na bulalas niya at saka tinuro ang babaeng ngayon ay nakayuko sa kanilang lahat.

"I'm so sorry, mom, dad." Umiiyak na turan ng babae.

Marahas siyang napabuntong hininga at sa sobrang galit niya ay nag-amba siyang sasampalin ito kung hindi lang siya inawat ng asawang si Kristina.

"Maghunosdili ka, Gregorio!"

"Relax dad..." Marahas niyang binalingan ang anak na ngayo'y prenteng nakadandig sa pader at naka cross ang mga braso sa dibdib at tila walang pakialam sa mga nangyayare.

"Ikaw! Isa ka pa! Alam mo na pala ang tungkol dito noon palang pero hindi mo manlang sinabi samin!"

"Umalis na kayo, Trench. Iuwi mo na ang asawa mo." rinig niyang sambit ni Kristina.

Nang tuluyang makaalis ang dalawa ay naiwan sila ni Kristina sa study. Marahas siyang napaupo sa swivel chair at napahilot ng noo.

"Pabayaan mo na sila Gregorio! Kahit hindi totoong anak ni Trench si Kael sa atin na lumaki yung bata. Tanggapin nalang natin siya."

"Hindi pwede, Kristina! Hindi ko maaatim na nagpapalaki ako ng batang hindi ko kadugo gayung alam ko na may totoo akong apo na nasa ibang lugar at hindi ko manlang alam kung mabuti ba ang kalagayan o hindi!"

Napakuyom siya ng kamao ng maalala ang nakaraan.

"Kung hindi lang sana umalis si Gorge dati ay hindi tayo aabot sa ganito. Bakit mo kasi hinayaang pakasalan ni Trench ang babaeng yan gayong alam mo nang marami siyang lalaki dati?"

"Kahit pa hindi umalis si Gorge dati, hindi narin naman matutuloy ang kasal nila ni Trench kasi nakalimutan na siya ng anak natin."

"Kahit na! Nasubaybayan parin sana natin ang paglaki ng anak ni Trench sa kanya."

Mapaklang ngumiti si Kristina. "Ilang taon na ba natin siya hinahanap, Gregorio? Apat na taon na tayong naghahanap kay Gorge pero wala paring nangyayare. Kung gusto niya talagang magpakita satin ay dapat dati niya pa ginawa."

Nagtiim ang bagang ni Mr. Smither at mariing napatitig sa asawa.

"Hahanapin ko parin siya. Hindi ako titigil hangga't hindi ko nahahanap ang totoo kong apo!"

-----

PABAGSAK na isinarado ni Trench ang pinto ng makalabas siya sa kwarto nilang mag-asawa. For the nth time ay iniwan niya na naman si Divonne sa kama na walang saplot at umiiyak.

Secret Pages [R-18] [Ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon