ᴘᴀɢᴇ | 27NAPATANGA si Gorge sa harap ng napakalaki at kumikinang ng chandelier. Pagkapasok nila ng sa pinto ay iyon agad ang bumungad sa kanya.
Ito na ba ang bahay ng mga magulang ni Trench?
Inilibot niya ang paningin at napapatingala nalang siya sa napakagandang high ceiling. Grabe! Para siyang pumasok sa isang five star hotel o di kaya nama'y isang napakagandang cathedral. Maaliwalas ang paligid. May mga magagandang bulalak na maayos na nakahilera sa mga gilid-gilid.
Matapos ang madamdamin nilang eksena sa ospital at ang nakakagulantang nitong marriage proposal ay agad na kinausap ni Trench ang mga magulang ni Gorge upang pormal na hingin sa mga ito ang kamay ng dalaga. Pumayag naman ang mag-asawa at ang tanging hiniling lang ng mga ito kay Trench ay ang alagaan at patuloy na mahalin si Gorge.
Kaya naman kinabukasan pagkauwi at pagkauwi nila ng Maynila ay agad nilang pinuntahan ang mga magulang ni Trench at narito nga sila ngayon sa bahay ng mga ito upang pormal na ipaalam at humingi narin ng basbas para sa ang nalalapit nilang pagpapakasal.
They're having a child so hindi na siya tumangi. Isa pa mahal niya si Trench. Ayaw niya nang gawing komplikado pa ang lahat dahil lang sa pride niya. Today she decided to choose herself. Hahayaang niya na ang puso niyang magmahal at isasantabi muna niya ang takot at pag-aalinlangan. Ngayon pipiliin niya munang maging masaya. Deserve niya naman iyon di ba? Deserve niya namang maging masaya.
Maya-maya ay dalawang babae ang sumalubong sa kanila habang naglalakad sila sa malawak na lobby ng mansyon.
"This way po Sir Trench at Ma'am..." tumigil ito napatingin sa kanya.
"Gorgeous," si Trench ang nasasabi sa pangalan niya.
"Ma'am Gorgeous,” pagpapatuloy naman ng babae pero hindi nakaligtas sa paningin niya ang pagngiwi nito. Tsk!
Kimi itong ngumiti pagkatapos ay iginaya na sila papunta sa isang dining area kung saan naroong naghihintay ang mga magulang ni Trench na sina Mrs Kristina at Gregorio Smither.
HINDI mapakali si Gorge habang naroon sila sa hapag kainan at prenteng kumakain ng dinner. Hindi niya maitago ang ilang habang kaharap ang mga magulang ni Trench. First time niya ang mga itong makasabay kumain at hindi niya alam kung paano kikilos ng maayos sa harapan ng mga ito. Tahimik silang kumakain at binalot rin ng katahimikan ang paligid at tanging ang mga tunog lang ng kobyertos ang maririnig.
Maya-maya'y narinig niyang tumikhim si Trench na siyang bumasag sa katahimikan.
"Mom, dad. I bet you know her already but I want to formality introduced her to you. She is Gorgeous Mapanganib, my girlfriend and..."
BAHAGYANG napatigil si Trench at muling napatikhim. Sa totoo lang ay hindi niya rin alam kung paano ito sisimulan basta ang alam niya lang ayaw niya nang patagalin pa ang usapan. Kaya naman ay ura-urada niya nang sinabi sa mga magulang ang plano niya.
"We're here to ask for your permission. Gusto na naming magpakasal."
Nakita niyang nanlaki ang mga mata ng kanyang ina sa gulat. "Hindi ba ito biglaan hijo?"
"Nakapagdesisyon na ako mom. I will marry her,” tugon niya sa ina.
"Trench, alalahanin mong hindi isang laro ang pagpapakasal. Wag kang magpadalos-dalos. Pag-isipan niyong mabuti yan.", mungkahi naman ng kanyang ama na si Gregorio.
"I know dad. Alam ko ho yun. Matanda na ako, kaya ko nang bumuo ng sarili kong pamilya. Payagan niyo na ako. Promise hindi na ako magiging pasaway sa inyo. Magtitino na ako. Pumayag lang kayo."
BINABASA MO ANG
Secret Pages [R-18] [Ongoing]
RomanceWARNING: MATURE CONTENT READ AT YOUR OWN RISK! Synopsis Every writer creates a fictional character based on the personality of the man/woman of their dreams. Pero anong gagawin ng isang frustrated writer na si Gorgeous kung sa totoong buhay ay makak...