ᴘᴀɢᴇ | 32"I got my driver's license last week,
just like we always talked about..."🎶NAPANGITI si Gorge nang pagkabukas niya ng stereo ay saktong kanta ni Olivia Rodrigo ang pinapatugtog sa radio. Mula sa nakabukas na bintana ay tinatanaw niya ang night view ng kalsada sa labas ng kotseng minamaheho niya.
"Cause you were so excited for me
To finally drove up to your house..."🎶Isang malungkot na ngiti ang gumuhit sa kanyang labi ng maalala niyang isang tao ang sobrang excited dati na magkaroon siya lisenya para hindi na siya magtaxi at makapagmaheno ng kotse papunta sa bahay nito.
"But today I drove through the suburbs,
Crying cause you weren't around..."🎶Pinahid niya ang luhang naglandas sa kanyang pisngi ng muli niyang maalala ang nakaraan. Ang nakaraang pilit niyang ibinabaon sa limot.
Kumusta na kaya ito?
"You probably with that blonde girl
Who always made me doubt.."🎶Nung paalis siya ng bansa ay usap-usapan ang kasal nito at ng ...totoo nitong fiancee na si Divonne.
"She's so much older than me.
She's everything
I'm insecure about."🎶Siguro ay may anak narin ang mga ito ngayon. At siguro ay meron na silang masayang pamilya.
"Yet today I drove through the suburbs,
Cause how could I ever love
someone else."🎶Sa loob ng apat taon ay marami nang nangyare. Marami naring nagbago sa buhay niya. Four years ago, matapos ang trahedyang nangyare sa kanila ni Trench ay umuwi siya ng probinsya. Sakto namang kauuwi lang ng tita niyang OFW. Sinama siya nito sa Thailand.
Hindi niya akalaing isang editor in chief pala sa isang publishing company ang boss nito kaya inoferran siya nitong magsulat ng libro para sa kompyanya, nagustuhan ito ng boss ng tita niya at kalaunan ay na-publish ito at naitampok pang isa sa mga Best-seller Books in Asia.
"And I know we weren't perfect
But I've never felt this way
for no one."🎶Matapos ang kasawian niya four years ago ay natupad ang pangarap niya. Isa na rin siyang official na manunulat ngayon.
Nagsusulat siya ng script sa isang kompyanya na naka-base sa Thailand. Apat na taon siyang nanirahan sa Thailand at ngayon lang siya nagkaroon ng pagkakataong magkauwi at bisitahin ang pamilya niya sa Pilipinas.
"And I just can't imagine
How you could be so okay
Now that I'm gone."🎶Kasalukuyan niyang binabaybay ngayon ang kahabaan ng SLEX. Apat na taon siyang nawala sa Pilipinas at marami narin palang nagbago rito. Marami nang mga gusali ang nawala at napalitan. Maliban lamang sa isa.
Mula sa kotse ay natanaw niya ang isang pamilyar na building ilang metro ang layo. Ang building ng MCA Publishing. Ang lugar kung saan nagsimula ang lahat.
"Guess you didn't mean
what you wrote in that song
about me."🎶Maraming nangyare sa lugar na iyon. Ang lugar na inakala niya dati ay magiging tahanan ng puso at ng pangarap niya, ay naging isa pala niyang kalbaryo.
BINABASA MO ANG
Secret Pages [R-18] [Ongoing]
RomanceWARNING: MATURE CONTENT READ AT YOUR OWN RISK! Synopsis Every writer creates a fictional character based on the personality of the man/woman of their dreams. Pero anong gagawin ng isang frustrated writer na si Gorgeous kung sa totoong buhay ay makak...