ᴘᴀɢᴇ | 5ISANG ungol na may kasamang mura ang kumawala sa bibig ni Gorge ng makaramdam siya ng pagpitik sa kanyang sintido ng magkamalay siya.
Kahit namimigat pa ang talukap ay pinilit niya itong idinilat. Isang puting kisame naman ang sumalubong sa kumukurap kurap niya pang mga mata. Nang ilibot niya ang paningin ay napagtanto niyang isang kwarto ang kinaroroonan niya ngayon. Kasalukuyan din siyang nakahiga sa isang puting kama na may puting-puting na mga unan at kumot.
Dalawang bagay lang ang naiisip niyang lugar kung nasaan siya ngayon.
Kung hindi ospital e malamang nasa langit na nga ako!
Bahagya syang bumangon dahilan ng masapo nya ang ulo dahil sa biglang pagkirot doon. Saka lang niya napansin ang plaster sa kanyang noo.
"Ahm... Miss, anong nangyare sakin?" tanong niya sa isang nurse na naroon sa solid at busy sa pagkalkal ng kung ano sa isang kabinet sa gilid.
"Car accident," tipid lang nitong sagot at hindi manlang siya tinapunan ng tingin.
"Nasagasaan ako?!" hysterical niyang tanong rito with matching panlalaki pa ng mata.
Bahagya sya nitong tiningnan at saka tinaasan ng kilay.
Wow ha! Ang taray ni ateng!
"Buo pa naman ang katawan mo diba? Kaya OBVIOUSLY, hindi ka nasagasaan. Nahimatay kalang dahil sa shock at kaya ka nagkaroon ng band-aid sa noo kasi hindi naging maganda ang bagsak mo," sarkastikong anito pagkatapos ay agad na itong nagmarcha palabas at pabagsak pang isinarado ang pinto.
Nasapo nya ang dibdib dahil sa gulat.
'Sobrang taray naman non? Siguro may regla 'yon ngayon. Tapos hindi nakabili ng napkin kaya nagkalkal nalang kung may extra band-aid pa ba doon sa cabinet, pero malas lang dahil wala na syang nahanap.'
Natawa nalang si Gorge sa kalokohang naiisip.
Pero impyernes, may point rin naman ang nurse. Sa sobrang bilis ba naman ng takbo ng sasakyan na yun ay siguradong gutay-gutay na siya ngayon kung sakali. Baka nga apdo niya nalang ang maisugod rito sa ospital at yung atay niya nalang ang maiiuwi sa probinsya para paglamayan.
Nagtigil siya sa pag-ooverthink ng makarinig siya ng sigaw.
"BRUHAAA!"
Biglang bumukas ang pinto at iniluwa noon ang humahangos na si Ritchi. Nang makalapit ay agad siya nitong dinambahan ng yakap.
"Aray!" daing nito ng batukan niya. Kita nang nadigrasya na siya't lahat kung makayakap pa ito parang gusto pa siyang sakalin e.
"Ano bang problema mo?" asik nito habang hinihimas ang likod ng ulo.
"Kita mo nang pasyente na nga ako, gusto mo pa akong sakalin," pairap niyang wika. Pero ang bruhang bakla ay inikutan lang siya ng mata.
"Ewan ko sayo! Bakit ba kasi napakatakaw disgrasya mo ha? Kahapon na-dukot ka nung baliw na estrangherong gwapo 'don sa restaurant. Tapos ngayon naman nandito ka sa ospital? Naku naman Gorge! Baka sa susunod nyan si kamatayan na ang sumundo sayo. Nakakastress ka alam mo yun?," anito.
BINABASA MO ANG
Secret Pages [R-18] [Ongoing]
RomanceWARNING: MATURE CONTENT READ AT YOUR OWN RISK! Synopsis Every writer creates a fictional character based on the personality of the man/woman of their dreams. Pero anong gagawin ng isang frustrated writer na si Gorgeous kung sa totoong buhay ay makak...