PAGE 6

72 4 0
                                    


ᴘᴀɢᴇ | 6


NAPAKAGAT si Gorge sa kanyang labi habang sinusubukang kalmahin ang sarili.

Nasa harap niya ngayon ang lalaking ayaw niya na sanang makita pa kahit kelan. Pero tila ayaw yatang umayon sa kanya ng kapalaran at mukhang wala na siyang magagawa kundi ang sumunod sa agos nito.

"Tatanggapin ko ang offer niyo pero sa isang kondisyon,"

Bahagyang tumango ang kaharap niyang si Mr. Gregorio Smither.

"Go spill it,” anito pagkatapos ay sumimsim ng kape mula sa hawak nitong tasa.

Nilakasan ni Gorge ang loob niya at saka muling nagsalita. "Gaya ng nasa kontrata ay bibigyan niyo ako ng thirty thousand a month as my monthly salary,"

Tumango uli ang lalaki. "Yeah. That's it," 

"Wait lang po, hindi pa po ako tapos." maagap na saad ni Gorge na siya namang kinabuntung hininga ng lalaking kaharap. "Fine. Go on,"

"Gusto ko munang malaman ang job description ng magiging trabaho ko,"

Mula sa swivel chair ay tumayo ang lalaki. Naglakad ito at nakapamulsang tumayo sa harapan ng overlooking view sa labas ng glass-walled nitong opisina.

"Wala ka namang masyadong gagawin bukod sa samahan siya palagi," saad nito habang nakatalikod sa kanya.

Tumayo rin si Gorge sa upuan niya at lumapit rito.

"Sasamahan palagi? Hindi pwede yan. I-specify niyo po yung oras."

Mula sa tanawin sa labas ay lumingon ito sa kanya.

"May sariling bahay si Trench at mag-isa lang siya doon. Monday to Friday mo siyang bibisitahin doon. You'll accompany him atleast 8-10 hours a day,"

Tumango si Gorge. "Okay. So pupuntahan ko siya sa bahay niya Monday to Friday at sasamahan ko siya 8-10 hours a day. Gagawin ko ang trabaho ko bilang 'personal friend' niya at bukod 'dun wala na akong ibang gagawin di ba?"

"That's right."

Ngumiti si Gorge at inilahad ang kamay sa lalaki para sa isang hand shake. "Kung ganon it's a deal."

-----

PAGKATAPOS ng pag-uusap nila ay agad siyang umalis ng MCA para puntahan ito.

"Para po manong. Itabi niyo nalang po diyan sa may gilid,"

Huminto ang taxi sa tapat ng isang itim na gate. Napilitan siyang magtaxi kasi hindi abot ng jeep ang address na binigay sa kanya ni Mr. Gregorio Smither. May pagkaliblib kasi ito at wala rin masyadong kabahayan.

"Ito ho, salamat ho,”

Inabot ni Gorge sa driver ang isang kulubot na singkwenta pesos na nahugot niya mula sa bulsa ng kanyang pantalon. Mabuti na lamang at may pera pa siya kahit papano. 

"Aba'y pinagloloko mo ba ako?" maya-maya ay sigaw ng taxi driver.

Napasilip naman siya rito. "Bakit ho? Ano hong problema?" buong pagtatakang tanong ni Gorge.

Secret Pages [R-18] [Ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon