PAGE 3

99 10 0
                                    


»»»»--- PAGE 3 ---««««

"HOY, Georgina! Buksan mo nga itong pinto. Anu ba!"

Mula sa katre ay pikit mata niyang tinakbo ang daan papunta sa kumakalabog na pinto. Muntik pa siyang masubsob sa semento kasi dahil sa sobrang pagmamadali ay naapakan niya ang buntot ng pusa niyang nakahilata sa sahig. Nakalmot pa tuloy siya nito. Aish!

Nang makarating sa pinto ay agad niya iyong pinihit pabukas.

"Aling Mercy naman ang aga-aga nambubulahaw kayo tsaka hindi nga po Georgina ang pangalan ko, GORGEOUS po!"

Nagpapadyak siya ng paa sa sahig. Kelan ba kasi matatanggap ng mga tao na siya si Gorgeous at hindi kung sino-sinong pinapangalanan nila? Nakakahurt na ah!

Namewang ang matanda sa harapan niya at daig pa ang mount everest kung taasan siya ng kilay. "Ki Georgina, Georgia o Gorgeous pa yan wala akong paki-alam, hindi ka naman kagandahan anu. Ang arte arte mo!”

Naiskandalo siya sa sinabi nito.

Anong maarte? Anong hindi maganda? Naku aling Mercy kung alam mo lang, merong gwapong hot na mayaman ang nababaliw sakin ngayon at maglalaway kayo pag nakita niyo yun!’ Gusto niya sana iyong sabihin pero wag nalang baka kasi mainggit pa ito sa kanya at ipasalvage siya. Kawawa naman ang beauty niya ‘no. Exotic pa naman.

"Oh anu? nasaan na ang pera?” biglang sabi nito sabay lahad ng palad sa harapan niya. Paktay! Mukhang mapapasubo ang acting skills ko dito ah!

Tumikhim muna siya bago nakangiting humarap dito. Lights, camera, action!

"Aling Mercy talaga nag-uulyanin na kayo. Wala ho kayong pinatagong pera sakin, kayo talaga,” pabiro niya pa itong pinalo sa balikat habang eksaherada siyang tumatawa-tawa.

Natawa rin ang matanda. Napakamot pa ito ng ulo ng tumingin sa kanya. "Ah ganon ba? Naku! Pasensiya na ha?"

"Naku! Aling Mercy, okay lang ho ‘yon! Sus! kayo pa! Walang hong problema yun noh. Sige ho ah magluluto pa kasi ako ng almusal makakaalis na ho kayo,” pagtataboy niya rito. Tango-tango naman ang matanda saka humakbang paatras.

Akmang isasara niya na ang pinto ng biglang may sumigaw. "HOY GEORGINA!"

Natampal niya nalang ang sarili noo.

Putragis naman oh! Sinabi nang ako si GORGEOUS eh!

"Akala mo mauuto mo 'ko no? Hindi pa ako naguulyanin uy. Yung renta mo sa bahay. Akin na! Aba't magtatatlong buwan kanang hindi nagbabayad ng upa baka naman gusto mong bawasan manlang ang utang mo."

Napakamot nalang siya ng ulo. Kala niya lusot na e! Pambihira talaga. "Uhm...ano ho kasi aling Mercy....Anu...wala pa hong bumibili ng libro ko eh. Tska wala pa ho akong trabaho. Pwede ho pang sa susunod na buwan nalang ulit?"

"HINDI PWEDE!" bigla sigaw ng matanda na ikinasinghap niya. Napahawak pa siya sa tapat ng dibdib.

Oh Aling Mercy! Have Mercy on me!

"Hindi ko na problema kong wala ka pang trabaho anu. Eh talaga namang walang bibili diyan sa libro mo kasi puro kalaswaan."

Pakiramdam niya ay umakyat ang lahat ng dugo niya mula sa katawan papunta sa ulo. Tawagin na siya sa kung ano-anong pangalan wag lang kukutyain ang mga libro niya kung hindi ay maghahalo talaga ang puti sa itim.

Secret Pages [R-18] [Ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon