ᴘᴀɢᴇ | 26"UMALIS KANA, Trench. Hindi ako sasama sayo."
"What do you mean? Akala ko ba okay na tayo?"
"Akala ko rin. Pero hindi. Hindi talaga pwede to e. Mali to. Kahit saang angulo ko tingnan hindi pwedeng maging totoo 'yang mga sinasabi mo. Trust me Trench hindi pagmamahal iyang nararamdaman mo."
Tumingala si Trench pagkatapos ay marahas na nagbuga ng hangin.
"If it's not love then what is it? Ano tong nararamdaman ko? Sabihin mo sakin, Gorge. Ipaliwanag mo, kung hindi ito pagmamahal ano ang tawag dito?!" asik niya.
"Naguguluhan ka lang. Maybe it's just an infatuation, nasasabi mo lang yan ngayon pero mawawala rin yan eventually. So please. Just leave me alone. Bumalik kana sa Maynila. Bumalik kana sa dati mong buhay at kalimutan mo na ako."
Mapakla itong ngumiti. "Do you think that was easy? To forget you?"
"D*mn! Bakit ba kasi ang manhid mo? I thought you're a writer. If that's so, then you should know how to interpret things. Alam mo dapat yun kasi writer ka!"
"You're a writer pero hindi mo magawang basahin ang taong laging nasa tabi mo lang."
Cause you're like a book with tear pages, Trench. Ang hirap mong basahin.
"And what are you trying to imply here? Na bobo ako? Kasi hindi ako makagawa ng interpretations tungkol sa mga bagay na ginagawa mo? Ganon ba yun ha Trench?! Pwes nagkakamali ka! Cause I already have one! I already have my own interpretations about these things you're doing to me. For being sweet and for being nice to me all this time. And you wanna know what my interpretation is? Simple lang Trench. My interpretation is YOU being a JERK who just wanted someone to accompanied with. Kailangan mo lang naman ako para may libangan ka eh. For you to satisfy that so called ADDICTION you had towards ME. At hanggang ngayon ay nakatatak parin sa isip ko 'yun. Na nandito ako ngayon para lang sa isang bagay. At yun ay walang iba kundi ang maging LARUAN MO!"
"Bakit ba kasi hanggang ngayon ay ayaw mo paring maniwalang mahal kita?!"
"Kasi hindi totoo yan! Nasasabi mo lang yan kasi may sakit ka! Not because you're really in love with me."
Mapakla itong ngumiti.
"Funny. Naturingan ka ngang isang Romance Writer pero kung tutuusin ano bang alam mo sa 'pagmamahal'?"
"Ikaw? Ako bang alam mo sa pagmamahal? sa dami ng mga naging babae mo ni isa wala kang minahal. Kailangan mo lang naman kami sa kama diba? At pagkatapos nun wala na. Kasi ang turing mo sa mga babae ay mga laruan na pwede mong palitan pag ayaw mo na at sawa kana! Kaya sabihin mo sakin kung saan doon yang sinasabi mong 'pagmamahal'? Hindi ka marunong magmahal Trench, dahil wala kang puso!"
"Mahal kita, yun ang totoo! Tama ka, yung mga babae ko dati wala akong minahal ni isa sa kanila kasi ngayon lang... ngayon ko lang naramdaman to...ngayon lang ako nagmahal ng ganito...at ikaw yun Gorge."
"Hindi mo ako naiintindihan, Trench..."
"Tama! Hindi kita maintindihan! Hindi ko maintindihan kung bakit ganyan katigas ang puso mo at kung bakit ganyan kakitid ang utak mo at ayaw mong maniwala na may lalaking nababaliw ng ganito dahil sa pagmamahal sayo!"
*pak*
Sinampal niya ito, taas baba ang dibdib niya bago ito tinalikuran at nagsalita.
"Ayoko! Ayokong maniwala! Kasi kapag naniwala ako....aasa ako...aasa ako na totoo yang mga sinasabi mo. At pag nangyare yun masasaktan ako...kasi alam ko bandang huli mangyayare din ang kinatatalutan ko. Siguro nga totoo yang sinasabi mong mahal mo ako...ngayon. Pero darating ang araw na bigla mo nalang marerealize na nagkamali kalang...na nalito kalang kaya ang akala mo mahal mo na ako pero ang totoo... hindi pala."
Marahas niyang pinunas ang mga luha bago humarap kay Trench.
"Kaya ngayon sabihin mo nga sakin! Paano ako maniniwala kung sa tuwing haharap ako sa salamin makikita ko to!" Itinuro niya pa ang sarili saka mapaklang ngumiti.
"Ikaw? Si Trench Alpha Smither! Isang napaka gwapo at napakayamang lalaki na pinagkakaguluhan sa university at anak ng may-ari ng isang napakalaking kompanya mamahalin ang pagmumukhang to? Kalokohan, Trench!"
Agad na hinablot ni Trench ang batok ni Gorge at siniil iyon ng halik. Mariin. Kung sa pagkain pa, yung tipong ngayon lang uli niya natikman ang paborito niyang ulam matapos ang napakatagal na panahon kaya ngayon ay hayok na hayok siya at tila ayaw nang pakawalan ang mga labing iyon kung hindi lang ito kinapos ng hininga.
Habol din ang hininga ni Gorge ng tumigil siya pero nakakulong parin sa dalawa niyang mga palad ang pisngi nito. Nakatitig ang babae sa kanya at nagtatanong ang mga mata.
"I love you...I really do..." anas niya rito saka magaang hinalikan ang bawat parte ng mukha nito. Hindi siya tumigil hanggang sa ito na mismo ang lumayo sa kanya at tumalikod.
"That's not true... That's too good to be true..."
D*mn! Ayaw pa bang kailangan niyang gawin para maniwala ito?
"But that's true, Gorge! Iyon ang totoo!"
"Kung maniniwala ako sa sinasabi mo kung ganon totoo pala ang sinasabi sa kasabihan na 'Love is Blind'"
Muli niyang kinulong ang ulo nito sa palad niya at mariing pinagkatitigan sa mata. "What I'm saying is true but that quote you we're talking about is not."
Inilayo niya ng kunte ang ulo pero nanatili ang mga kamay niya sa pisngi ng dalaga.
"Love isn't blind, Gorge. Sa katunayan, matalas ang mga mata ng taong in love. You know why? Because they can able to see things that can't be seen by the naked eye. Regardless of the physical features, they can see more than that. And do know what that things is? Worth. They love that person not because they are beautiful or handsome but because they are worth it....worth it to love."
He was hugging her ng bigla siyang makaramdam ng hilo dahilan para mabuwal siya sa kinatatayuan at naramdaman niya nalang ang maagap nitong nasalo sa kanya bago siya tuluyang napapikit at lamunin ng antok.
-----
PUTING KISAME ang nabungaran ni Gorge ng nagmulat siya ng mata. Sa gilid niya ay nakita niyang naroon nakaupo si Trench at seryosong nakatitig sa kanya."Trench...anong ginagawa ko rito sa ospital?" usal niya gamit ang nanghihinang boses.
"You're pregnant." seryoso nitong saad at walang mababakas na emosyon sa mukha nito.
Pagkatapos ay napabuga ito ng hangin at mapaklang ngumiti sa kanya. "Kung hindi pa pala kita hinanap at pinuntahan dito habang buhay mong itatago sakin ang anak ko."
"Trench. Hindi ko rin alam at hindi ko rin naman..." Napalunok siya ng biglang may bumara sa kanyang lalamunan. "...sinadyang... itago sayo." anas niya sa pabulong na boses.
"Why, Gorge?" Nakita niyang rumehisto ang sakit sa malalam nitong mga mata na nakatingin sa kanya.
"Wala ba akong karapatang malaman ang tungkol sa anak ko?"
"No, hindi ganun Trench..."
"Am I not a good father to be? Hindi ba ako karapatdamat maging ama?"
"Trench. Hindi sa gano-"
"Then, marry me!"
"Anong sabi mo?"
"Pakasalan mo 'ko! Let's build our own family with our child."
—
A/N: Sanaol nalang talaga may isang Trench Alpha Smither na nagmamahal. Sana makahanap din tayo ng Trench natin noh? At sa mga nakahanap na, congratulations! Humayo kayo at magpakarami! hshs
BINABASA MO ANG
Secret Pages [R-18] [Ongoing]
RomanceWARNING: MATURE CONTENT READ AT YOUR OWN RISK! Synopsis Every writer creates a fictional character based on the personality of the man/woman of their dreams. Pero anong gagawin ng isang frustrated writer na si Gorgeous kung sa totoong buhay ay makak...