Chapter 2

861 21 0
                                    

Jennie's POV


"So, Jen. What do you want to have?"

Tanong sa akin ni Kai nang makarating kami sa isang restaurant. Hindi ko alam na dito n'ya pala ako dadalhin. Wala akong kaalam-alam.

"Steak nalang siguro"Tumango naman s'ya sa akin at ngumiti. Lumapit naman sa amin ang waiter bago itanong ang order namin ni Kai.

"So, I heard a lot about you"Ngiti ni Kai"And I'm happy because you're with me right now. Who wouldn't be? Lahat sa basketball team, Ikaw ang crush"

Uminit ang aking pisngi"Well, hindi ko alam na ganun"Totoong hindi ko alam.

"Alam naman ng best friend mo"Sagot ni Kai sa akin kaya napatingin ako sa kanya"But he told to us na wag ka daw munang guluhin dahil gusto n'ya daw na maayos ang pag-aaral mo"Hindi ko naman alam ang isasagot ko sa kanya.

"And now, hindi ko alam kung anong reason n'ya na kung bakit s'ya pumayag na magsama tayo"

"I told him that you're my crush"Halatang nabigla s'ya sa aking sinabi. Nanlaki ang kanyang mga mata habang ako naman ay hindi alam kung anong dapat maramdaman.

"Crush mo ako?"Hindi makapaniwalang tanong n'ya sa akin. Nahihiya man ay tumango ako"Oh, God! Are you serious?"May lumitaw na ngiti sa kanyang mga labi habang nakatingin sa akin. Hindi ko alam kung ngingiti din ako dahil first time ko lang mag sabi na may crush ako sa isang guy.

"Wow.."Kai held his lips before chucking"I'm sorry, I'm just happy"Hindi talaga mawala ang ngiti n'ya habang nakatingin sa akin"Don't worry, the feeling is mutual, Jen"Doon ako napatitig sa kanya"Actually, crush din kita"

"Ah,"Nakagat ko ang aking labi, hindi alam ang irereact. Did I heard it right? Crush ako ng crush ko?

Ngumiti naman ako sa kanya at ganun s'ya sa akin. Napuno ang aming pag-uusap ng tawanan at saya kaya naman medyo nag enjoy ako habang kasama si Kai. Hindi ko inaasahan na ang jolly n'ya. I used to see him, serious and quiet.

"Yes, magaling talaga si Lisa"Sambit n'ya pa kaya naman naging mas interesado akong makinig"Pag nagkakamali kami, hindi s'ya magagalit, well medyo strict pero mabait"

"Of course, mabait si Lisa"Ngiti ko sa kanya kaya napatingin s'ya sa akin"Kahit lagi akong binubully ng mokong na 'yon, he's nice"

"Talagang matagal na kayong magkakilala, no?"Tumango naman ako.

Now, naglalakad lang kami ni Kai dahil tapos na naman kaming kumain. Buti nalang daw at nabigyan kami ng chance na lumabas dahil busy na kami this weekend.

Napatingin naman ako sa kanya dahil sa phone s'ya nakatingin. Mukhang napansin n'ya iyon kaya he gave me an apologetic smile"Uhm, Jen, my Mom message me a minute ago. Okay lang ba na mauwi na tayo?"Tanong n'ya pa sa akin, nakapakamot sa ulo.

"Yeah. Sure, no prob"Ngiti ko sa kanya.

"Sorry, ah! But I promise, after the finals, let's hang out again"Tumango naman ako sa kanya. Dahil kailangan n'ya talagang umuwi ay bumalik na kami sa kanyang kotse.

"Thank you, Kai"Ngiti ko sa kanya nang maihatid n'ya sa ako sa aming bahay.

"That's nothing. Sana hindi ito ang huli"Ngiti n'ya din"So, paano? I'll go ahead"

Tumango naman ako"Take care"

"I will"Kumaway pa s'ya sa akin bago sumakay sa kanyang kotse. Bumusina pa s'ya bago umalis. Nang makita ko s'yang umalis na ay pumasok na ako sa loob.

"Kuma"Agad kong niyakap ang si Kuma na nandito sa living room"How's my baby, hmm? You do miss me? Do you miss Mommy?"Tanong ko pa at binuhat s'ya upang pumunta sa aking kwarto. Tiningnan ko naman ang orasan dito. Dahil maaga pa naman ay plano ko na puntahan si Lisa.

Catch me I'm fallin'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon