Jennie's POV
NANG MAKARATING kami sa nasabing bar ay madilim na. Napatingin naman kami kina Seulgi na ngayon ay kabababa na din.
Hindi ko na sila hinintay pa at mabilis pumunta sa entrance nitong bar pero napatigil kami nang harangan kami ng guard dito.
"ID?"Tanong pa nito sa amin. Luckily dala namin lahat ng I.D namin kaya agad din kaming makapasok. Restobar Ito kaya madami na din ang tao.
"Nasaan si Lisa?"Tanong ko pa.
"Noze,"Napatingin kami nila Jisoo nang makita namin si Noze ngayon ay kapapasok lang din ng bar. Pero bago pa s'ya nakapag salita ay napatingin kami sa stage nang may marinig kaming boses.
At ganun nalang ang paglaki ng aking mga mata nang makita si Lisa na ngayon ay lasing na lasing habang nasa stage.
"Lisa..."Halos wala kong boses na sambit habang nakatingin sa kanya. He look so mess and drunk. I want to hurt myself right now because of his situation.
Mukhang hindi n'ya kami nakikita dahil naupo pa s'ya doon sa upuan. Nang mag simula na ang music ay tinapat ni Lisa ang mic sa kanyang bibig. Lasing na lasing s'ya kaya gusto ko na s'yang puntahan pero hindi namin magawa.
"Oh, giliw, naririnig mo ba ang 'yong sarili? Nakakabaliw lumalabas sa 'yong bibig.."Panimula n'ya kaya ganun nalang kabilis nag-init ang aking mga mata.
"Alam kong uto-uto ako, alam ko na marupok. Tao lang din naman kasi ako"Ganun nalang ang pag pikit n'ya habang patuloy parin na kumakanta. Kahit ang mga kasama ko dito ay natigilan na din habang pinapanuod si Lisa.
"May nararamdaman din ako, 'di kasi manhid na tulad mo. Alam kong sanay bumitaw ang isang tulad mo, lalayo na ba ako?"Napayuko na s'ya pero pinipilit parin na kumanta. Gumaralgal ang kanyang boses at nagsimula nang umiyak.
Kahit ako ay hindi ko na namamalayan na umiiyak na din. Bawat salitang binibitawan n'ya ay tumatagos sa akin.
"Pa'no naman ako? Nahulog na sa 'yo. Binitawan mo lang ba talaga ako?
Pa'no naman ako? Naghintay nang matagal sa 'yo. Wala lang ba talaga lahat ng 'yon sa 'yo? Ano na ba'ng gagawin ko?"Napayuko na s'ya after kantahin ang salitang iyong bago humagulgol.Kahit ang ibang customers dito ay napatingin kay Lisa. Kung titingnan mo s'ya ay para s'yang sawi sa pag-ibig dahil sa kanyang lagay.
"He's mess"Rinig ko pang sambit ni Jisoo"'Come on, kunin na natin s'ya"Astang lalapit na sina Seulgi, Lucas and Jisoo kay Lisa ay may nauna ng tatlong lalaki.
"Hoy, kanina ka pa, ah! Kung kakanta ka lang dito na parang batang hindi nabilhan ng candy, umalis ka na dito"Sambit nung isang lalaki na halatang may tama na din ng alak.
"Ano bang pakialam mo?"Tanong ni Lisa sa kanya, hindi na maayos ang tayo.
"E, gago ka pala, e"Sambit nung Isa at sinuntok si Lisa sa mukha kaya ganun nalang ang sigaw namin dito.
"Lisa!"Mabilis na pinuntahan nila Jisoo si Lisa na ngayon ay nakahiga sa stage"Mga Gago kayo, ah"Nagkagulo na dito kaya naman mabilis na umawat ang mga bouncers dito bat madaming nakuhang suntok si Lisa dahil lasing Ito. And kahit malalakas sina Jisoo ay triple ang laki nung mga lalaki kaysa kina Lisa.
"Lisa,"Agad kong pinuntahan si Lisa na ngayon ay nakahawak sa kanyang ulo.
"Hahaha! Fuck you, men!"Lasing na sigaw ni Lisa sa tatlong lalaki na ngayon ay inaawat ng mga bouncers.
"Lisa"Napatingin naman s'ya sa akin habang ang mga mata ay namumungay. Ganun nalang ang iyak ko nang makita na puro sugat ang kanyang mukha.
"Jen...?"He whispered drunkly. But before I can answer him, he passed out making me worried.
BINABASA MO ANG
Catch me I'm fallin'
RomanceJL story A/N: Lisa is boy here, including Jisoo and Seulgi. So if you're not comfortable with that, don't read it! PS: TAGLISH