Jennie's POV
(Naol finollow ni Taehyung sa IG)
"Boys, okay na ba d'yan?"
Tanong pa ni Irene habang nandito kami sa labas ng rest house nila Seulgi. Naghahanda kase kami para sa bonfire.
Ang boys ang abala sa apoy dito habang kami naman nila Rosé ang nakatoka sa mga pagkain.
"Not yet, asawa ko"Sagot pa ni Seulgi kaya ganun nalang ang tuksuhan dito. Nakita ko pa kung paano namula si Irene kaya kahit ako ay nakisabay sa tuksuhan.
"Ang corny, cous"Asar din ni Noze sa kanya kaya ganun nalang ang tawanan nila. Napatingin naman ako kay Lisa ngayon ay abala din sa pag lalagay ng mga kahoy sa apoy.
Nang maging okay na ang apoy ay lumapit na kami sa kanila at inayos na din ang mga pagkain namin dito.
"Here, Jen"Nakatingin naman ako kay Kai na ngayon ay inayos ang uupuan ko.
Ngumiti ako sa kanya"Thank you, Kai"
"Welcome"Ngiti n'ya at naupo na din sa aking tabi. Nakita ko pa na napatingin sa amin si Lisa pero nabaling din ang tingin nang maupo sa kanyang tabi si Noze.
Ako nalang ang umiwas at tumingin sa apoy.
Ilagay naman namin ang pagkain na kailangan ilagay sa apoy. Mahaba naman ang stick kaya abot namin kahit medyo malayo kami.
"Ang lamig"Napatingin naman ako kay Kai. Napatawa kaming dalawa bago sabay na tumingin sa unahan. Agad nanukso sina Jisoo at Seulgi sa amin kaya ganun nalang ang pag Iling ko.
"Anyway,"Pag agaw ng atensyon ni Seulgi sa amin"I want to say congratulations for our players here. Woaaaaahhhh! Road to final eight. Congrats, Capt, Kai"
"Thank you"Ngiti nila Lisa at Kai. Kinongrats naman namin sila kaya ganun nalang ang pasasalamat ng dalawa.
"So, Kai, dahil nandito ka na din naman. Gusto kitang matanong"Umupo nang maayos si Jisoo at tumingin kay Kai. Napatingin naman kami kay Jisoo na ngayon ay may hawak na pagkain.
"Ah, sure. Ano ba 'yon?"Tanong ni Kai sa kanya.
"Nililigawan mo na ba ang kaibigan namin?"Medyo nagulat pa ako sa tanong ni Jisoo, kahit naman ang iba ay nagulat dahil doon.
Ramdam ko din ang bigla ni Kai habang nakatingin sa aming mga kaibigan.
"No, hindi pa"Sagot ni Kai kaya nanatiling tahimik ang lahat"But I'm given a chance to court Jen, liligawan ko s'ya"
"Bakit hindi pa?"Doon naman ako napatingin kay Lisa na ngayon ay sa amin nakatingin"You told me that you have feelings for my best friend. Bakit hindi mo pa ligawan?"
"Hindi naman kase ako nag mamadali, Capt"Sagot sa kanya ni Kai bago tumingin sa akin"And I respect Jennie kaya hindi ko pa tinatanong. Bago palang kami na magkilala.
"I see"Ngisi ni Lisa bago tumingin sa akin. Hindi ko naman alam ang gagawin ko kaya umiwas nalang ako sa kanya.
"Phew"Rinig ko naman ang sipol ni Seulgi pero hindi ko iyon pinansin.
"Let's sing nalang"Biglang sambit ni Rosé at tumayo, kinuha ang kanyang gitara. Napahinga nalang ako nang malalim at tumingin sa apoy dito.
"Oh, sinong kakanta?"Tanong naman ni Irene nang makabalik si Rosé sa kanyang upo.
"Of course, ako na"Ngiti ni Rosé at nag strum sa gitara n'ya. Napangiti naman ako nang magsimula nang kumanta si Rosé. Napapikit pa ako dahil sa ganda ng boses n'ya.
BINABASA MO ANG
Catch me I'm fallin'
RomanceJL story A/N: Lisa is boy here, including Jisoo and Seulgi. So if you're not comfortable with that, don't read it! PS: TAGLISH