Chapter 12

808 19 0
                                    

Jennie's POV


NAPATINGIN naman ako sa bintana habang nakasandal dito sa headboard ng aking kama. Kahit anong pilit kong matulog dahil sa kalasingan ay hindi oo magawa.

Si Rosé ay natutulog na sa aking tabi habang ako ay mulat na mulat parin kahit masakit ang aking ulo dahil sa alak.

Pinunasan ko ang aking luha habang nakatanaw sa bintana na ngayon ay halos manlabo na dahil sa lakas ng ulan.

Hindi parin ako makapaniwala na magagawa sa akin ni Lisa ang bagay na iyon. Yes, alam kong hindi ko s'ya pag mamay-ari pero nangako s'ya sa akin. Nangako s'ya na babalik pero hindi n'ya nagawa. Kasama n'ya pa si Noze, ang babaeng pinagseselosan ko na pala.

Nasapo ko ang aking mukha at tahimik na umiyak. Ayokong gumawa ng ingay dahil ayokong mag alala sa akin si Rosé.

Inalala ko naman iyong mga araw na sorbang saya ko pag nasa akin ang atensyon ni Lisa. Kung paano nanakit ang aking dibdib sa tuwing magkasama sila ni Noze.

Akala ko ay wala lang iyon pero I was wrong. Hindi ko napapansin na malalim na pala ang nararamdaman ko kay Lisa. Higit na pala sa pagkakaibigan ang nararamdaman ko sa kanya.

"Ang tanga tanga mo, Jennie"I whispered, still crying on my hands"Bakit kay Lisa pa? Bakit sa best friend mo pa?"Paulit-ulit kong tanong sa aking sarili at tahimik na umiyak. Sobrang sakit ng aking puso ngayon, hindi ko alam kung may paraan pa ba kung paano Ito maalis.

Nahiga na ako nang maayos at pinunasan ang aking luha. Alam ko, mawawala din Ito. Mawawala din itong nararamdaman kong Ito.

I was about to sleep but i opened my eyes when I heard familiar voice from outside. Kahit anong lakas ng ulan, alam ko kung kanino iyon.

"Jennie!!"

Ganun nalang ang pagtigil ng puso ko nang marinig ang sigaw ni Lisa. Hindi ko alam ang aking gagawin. Hindi ko inaasahan na darating pa s'ya.

"Jennie! I'm here na! Please, let me talk to you!!"

Nanatili parin akong tulala, hindi ko alam ang aking gagawin. Nagtatalo ang isip at puso ko. He's here, shouting and begging my name under the rain!

Ayokong tingnan s'ya pero gusto kong saktan ang sarili ko dahil kusa itong gumalaw at pumunta sa bintana.

I put my hand on my mouth when I saw Lisa, holding an umbrella and a bouquet of roses. Halos manlambot habang nakatingin sa kanya.

"Jennie, please..!"Sigaw n'ya pa. Naalala ko naman ang ginawa n'ya kanina. Parang lahat ng galit ko ay ngayon ko lang naramdaman. Wala sa sarili akong lumakad at bumaba upang puntahan s'ya.

At halos nabuhayan s'ya ng loob nang bumungad ako sa kanya. Halos mabasa na s'ya dahil sa lakas ng ulan dito. Even ang hawak n'yang bouquet ay medyo basa na din.

"Jen.."He whispered, trying to walk closer to me but I step backward. Nabigla naman s'ya sa aking ginawa"Jennie, I'm sorry-"

"Ano pa bang ginagawa mo dito?"Tanong ko sa kanya.

"Jen, please let me explain"He said.

"You said, you'll be quick!!"Sigaw ko sa kanya, nanahimik s'ya"And you promised me na makikita kita sa bgc but I didn't. You didn't show up, Lisa"

"And I'm sorry for not showing up, Jen..."He tried to walk closer to me"Please, may nangyari lang kaya hindi ako nakarating"

"And malalaman ko na kasama mo si Noze?"Wala sa sarili akong napatawa habang bumubuhos ang luha"Lisa, ako iyong may birthday. I want to celebrate my birthday with you but you left me hanging"

Catch me I'm fallin'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon