Catch me I'm fallin'

3K 25 0
                                    

Jennie's POV

"Okay, see you in our next meeting. Goodbye"

"Finally"I said to myself and grab my things.

"Jen, you won't come?"Napatingin naman ako kay Minnie nang tanungin n'ya ako about sa party na gaganapin sa kanila.

"I'll think about it"Ngiti ko sa kanya bago lumabas ng aming room. Buti nalang at wala na akong class for today.

"Another points for Manoban!"Napatingin naman ako kay Lisa na ngayon ay nakangisi at nakikipag tawanan sa kanyang team habang nag tatraining.

"Yabang"Bulong ko at naupo sa bench dito. Kinausap ako ni Lisa na puntahan ko s'ya dito dahil sabay na daw kaming umuwi. Well, he's Lisa Manoban, my best friend for almost a decade. Nakilala ko s'ya nung lumipat sila sa village namin.

S'ya iyong tumulong sa akin when I fell from my bike. He cleaned my wounds using his handkerchief. And doon nagsimula ang aming friendship.

"HOY!"Ganun nalang ang paghawak ko sa aking dibdib nang biglang may nanggulat sa akin.

"What the fuck?!"Napatawa naman s'ya nang hampasin ko s'ya sa braso"Bakit ka nang gugulat?"

"Aba! Tulala ka kaya, girl"Tawa n'ya pa at naupo sa aking tabi"Anong ginagawa mo dito?"

"What?"Tiningnan ko s'ya nang masama"You're the one who-"

"Oo na, binibiro lang e"He cut me off using his finger. And I shoved it away because he's sweating.

"Eww! Don't near me, Lisa, look at your sweat!"Nandidiri ko pang sambit at tinuro ang katawan n'ya.

"Luh! Mabango naman ako, ah"Sagot n'ya at Inamoy ang sarili. I look at him in disgusted making him chuckle"Napakasungit"Tawa n'ya at pinisil ang aking pisngi.

"Ano ba!"Inalis ko ang kamay n'ya"Aren't you done?"

"Tapos na. Pinatapos ko na dahil mo. Boss ka diba?"

"I hate you,"

"I hate you, too"Sagot n'ya at tumawa"Wait me here, I'll just change my clothes"Mabilis s'yang umalis at kinuha ang kanyang duffle bag ako naman ay kinuha nalang ang cellphone at nag tingin-tingin sa socmed.

"Bakit ka ba wala sa mood, ah?"Lisa asked me habang nag lalakad kami papaalis ng school.

"Hi Lisa"

"Hello. Hehehe"

"Aalis ka na, Lisa?"

"Oo, e."

"Hi Lisa, I'm your fan"

"Hehehe! Thank you"

"You're so handsome, Lisa. Papicture ako sa game, okay lang?"

"Sigeh lang. Hehehe"

Ganun nalang ang pag buntong-hininga ko sa mga babaeng sumasalubong sa best friend ko. Kahit naman kase kumag ang best friend ko na ito, famous s'ya dito, lalo na sa mga girls dahil... gwapo? Gwapo ba ang bugok na ito?

"Ano, wala ka ba sa mood?"Tanong n'ya ulit sa akin nang matapos s'ya sa kanyang mga fans.

"Wala, kaya wag mo akong kausapin!"

"Ouch, ha"He held his chest, acting like he was hurt"Tara na nga, baka masako pa kita"Inakbayan n'ya ako kaya ganun nalang ulit ang inggit ng tingin ng mga babae na nakakasalubong namin. Hindi ko naman iyong pinansin at nagpatangay kay Lisa sa parking area.

"Hintayin mo ako, ah? Ligo lang ako then bihis"Tumango naman ako sa kanya nang mahatid n'ya ako sa aming bahay. Malapit lang ang bahay nila kaya madali na sa kanya ang pumunta dito.

Catch me I'm fallin'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon