Jennie's POV
Days had passed when we had a group study. And now, this is our last day for the finals. Hindi ko alam ang mararamdaman ko to be honest. Yes, masaya ako dahil finally, matatapos ang hellweek na ito but parang may kulang. Parang may kulang sa akin, hindi ko alam kung ano ba 'yon.
Huminga ako nang malalim bago nagpatuloy sa pagsasagot. Come on, Jen, kaya mo Ito, isang exam nalang.
At ganun nalang ang pag ngiti ko nang matapos ko ang aking exam sa tamang oras. Tumayo na naman ako upang ipasa ang aking paper bago nagpaalam na aalis na sa room. Finally, I'm done.
Ang mga friends ko din naman ay alam ko na malapit na ding matapos kaya pumunta naman muna akong café dahil may bibilhin ako.
Nang mag bell ay nagdagsaan ang mga students sa hallway. Iyong iba nag tatawanan na dahil masaya sila dahil tapos na. Iyong iba naman ay parang problemado. Napailing nalang ako at naglakad nalang din papuntang court. Alam ko na nandoon sina Lisa dahil kahapon pa sila natapos. Kailangan nila ngayon mag training dahil this week na din ang game nila.
Tunog agad ng mga sapatos ang narinig ko pagkapasok. Naupo naman ako sa bench bago minessage ang aking mga kaibigan na nandito ako sa court. After that, binaba ko na ang aking phone at pinanuod sina Lisa na maglaro.
Actually, ngayon ko lang ulit s'ya makakasama dahil madalas ay sila na ni Noze ang magkasama. Sila ang mag kasama tuwing umaga sa pag-jogging. Minsan nakikita ko din sila na club house kasama ang alaga ni Noze, but hindi ko sila ginulo pa. Ganun naman dapat ang gawin ko right? They should enjoy their days. Sino ba ako para pigilan sila?
Napatingin naman ako kay Kai na ngayon ay napatingin din sa akin. Agad s'yang napangiti bago kumaway sa akin. Kumaway din ako sa kanya at ngumiti. Mukhang doon lang ako napansin ni Lisa dahil doon palang s'ya tumingin sa akin.
Umiwas agad ako ng tingin dahil parang kakaiba ang nararamdaman ko nang makita ko ang kanyang mga mata.
"Oh, break muna, boys. After that, isang game ulit!!"Rinig ko pang sigaw ng coach nila Lisa nang matapos ang training nila. Hindi ko naman alam ang gagawin ko nang makita na lumapit sa akin sina Kai.
"Hi, Jen. How's exam?"Bungad sa akin ni Kai bago nagpunas ng pawis.
"Okay naman"Ngiti ko sa kanya"Kayo? Busy, ha"Napatawa naman s'ya bahagya.
"Yeah... Kailangan talaga e. We want to get the championship, Jen"Tumango naman ako bago kunin ang energy drink na binili ko for him.
"Here"Halatang nagulat pa s'ya sa ginawa ko pero mabilis ding napangiti.
"Oh? Thank you, Jen"Kinuha n'ya iyon bago tumingin sa akin. Napatingin naman ako kay Lisa na ngayon ay nakaupo habang naka yuko, mukhang tinitingnan ang kanyang sapatos.
"Wait lang, hmm? Puntahan ko lang si Lisa"Medyo nagulat pa si Kai pero tumango din sa akin at ngumiti.
"Lisa-"
"Captain!!"Ganun nalang ang pagtigil ko nang marinig ang isang malakas na sigaw na namumula sa entrance. Halos ang lahat ay napatingin doon. At ganun nalang ang pag titig ko kay Lisa bago kay...Noze?
"Noze?"Kahit si Lisa ay nagulat. Agad s'yang napangiti at tumayo nang makalapit si Noze sa kanya.
"Hi, Capt"Ngiti ni Noze habang may hawak-hawak na paper bag.
"What are you doing here, Noze?"Tanong pa ni Lisa sa kanya"'Upo ka muna"Alok pa nito.
"Capt, girlfriend mo?"Pang-aasar agad ng teammates sa kanya.
"Hindi, ah"Natatawang sagot ni Lisa"Guys, si Noze, kaibigan ko. Pinsan din ni Seulgi"Pakilala pa nito bago bumaling kay Noze.
"Hi"Bati ni Noze sa kanila bago tumingin kay Lisa"Anyway, here. I brought you food and energy drink"
BINABASA MO ANG
Catch me I'm fallin'
RomanceJL story A/N: Lisa is boy here, including Jisoo and Seulgi. So if you're not comfortable with that, don't read it! PS: TAGLISH