iMessage
3 years ago
Neve:
Alam mo ba, be.
Si Master. Sumikat na rin sa social media. Kahit na gagano'n-gano'n lang 'yon na ang tamad lumabas at kumilos, 'pag naman kasi nag-post talaga ng photos, swak na swak at may impact. Kaya ayon, dumarami na ang followers niya at mga brands na gusto siyang maka-collab. Sumikat din kasi ang art account niya kaya lalo pang naka-boost 'yon ng social media presence niya. Nakatulong pa na lagi silang magkasama ni Milly kasi malapit lang ang condo ni Milly sa Majika. Nasasama niya si Ran sa mga brand events niya kaya lalo pang lumalawak ang connections nila.
Iisa na sila ng mundo ni Milly ngayon. Ever since naman, sila talaga ang magkasundo at nagkakaintindihan. Sila rin ang laging magkasabay sa mga bagay na pinagkakagastusan nila. 'Di ako makasabay sa kanila kahit gustuhin ko kasi bread winner problems at ang layo ko pa 😅
'Di naman siguro ako mapag-iiwanan, 'no?
BINABASA MO ANG
Neon Letters (epistolary) ✔️
RomanceIn which Neve keeps texting her deceased friend's number, at first in order to cope with the loss, and later on, as a force of habit. After four years, she is about to stop, but suddenly, the number responds. *** An MNR epistolary collaboration wit...